Truth hurts
"Daddy---"
"Don't worry anak, hindi ko sila pinapunta dito para masaktan ka ulit. Aayusin natin to..."
Anak...
Tahimik akong umupo sa harap nina Lucy at Jake, sumunod naman si Maxine sa akin pero nakataas ang kilay nito, hindi naman makatingin sa amin ang dalawa, kaya hinayaan ko na lang. Pero parang may nag-iba. Wala na akong maramdamang galit sa kanila. Tanging panghihinayang na lang, sign ba ito? Sign ba ito na nakapagmove on na talaga ako at handa na akong magpatawad ulit?
May kausap si daddy sa phone at medyo malayo siya sa amin.
"Okay, bilisan ninyo. My daughter need to know the truth." Huling salitang binitiwan nito. Sinong kausap niya?
Tahimik siyang umupo sa sofa malapit sa amin ni Maxine, apat na sofa ang nasa office ni daddy. Dalawang pang four-seater, isang pang three-seater, at isang para sa kanya.
"Tito, are they coming?" Biglang tanong ni Lucy, kilala niya ang kausap ni daddy?
Tipid na tumango si daddy.
Makalipas ang limang ninuto ay tumunog muli ang cellphone ni daddy, may nagtext siguro dahil matagal siyang tumitig sa phone niya bago humarap ulit sa amin.
"Maxine, can you pick them up? They're at the lobby,"
Natigilan ako doon. Agad namang tumayo si Maxine sa tabi ko.
"Yes tito..."
What's happening? Bakit parang may alam si Maxine sa pwedeng mangyari? Ako lang ba ang walang alam?
Naguguluhan man ay nanatili lamang ako sa upuan ko. Walang imik at naghihintay lamang sa pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa mga sasabihin nila.. hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.. napaangat ako ng tingin ng nadinig ko na ang boses ni Maxine,
"Stephanie?" Gulat akong nakatingin sa mga taong kasama ni Maxine na pumasok dito sa office ni daddy,
Sila ang magsasabi sa akin ng totoo? How--- I mean, damn! Naguguluhan na ako!
Pinaupo ni daddy ang mga kaibigan ko. Kaibigan nga ba? O dapat ko na din silang pagdudahan? Pinaglalaruan ba nila ako? Paanong sila ang magsasabi sa akin ng katotohanan e sa buong pagsasama nga namin ay wala naman silang nasasabi sa akin!
"Where's Mr. Lee?" Agad na tanong ni daddy kaya napatingin ako sa kanya, kahit si Anthony ay alam 'to?
"Sorry I'm late." Yumuko ito ng bahagya kay daddy at tumango naman si daddy, when he turned to me he smiled, a sad one, but I'm busy thinking about what might happen so I didn't bother to smile back nor just nod.
Katahimikan. Hanggang kailan ba ako makakaranas ng ganito katahimik na atmosphere? I'm really tired about this shits.
"Can you please start this business? May hinihintay pa ba tayo kaya wala pang nagsasalita? May iba pa bang malapit sa akin ang darating?" I'm being sarcastic so I hope they know that. I don't want to be rude in front of my father but I am human too. I have feelings. And knowing that they all know the truth while I'm here looks like a dumb gives me so much pain. I feel betrayed.. once again.
Hinawakan ni Maxine ang kamay kong nasa lap ko pero tinanggal ko iyon. Nagulat siya sa ginawa ko, umangat ang mga labi niya na parang may gustong sabihin pero sa huli ay itinikom niya na lang ulit ang bibig niya.
"Okay. If that's what you want, Ven.." lumingon ito kina Jake at Lucy, "You can explain now."
"B-but tito... our family? Are they safe?" Huh? Bakit naman hindi magiging safe ang pamilya nila?
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Roman pour AdolescentsSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...