Talk
Hinugasan ko ang kamay ko atsaka ipinunas sa towel na nasa tabi ko bago siya hinarap.
"Anong gusto mong pag-usapan?"
Bumuntong hininga muna siya bago niya sinagot ang tanong ko
"About Mark," tumango ako atsaka nagtungo sa pintuang nasa gilid which is papuntang swimming pool na nasa likod nitong bahay.
-
"What about him?" Tanong ko nung makalabas na kami. Hindi ako nakatingin sa kanya at sa pool lang nakafocus ang mga mata ko. I don't know why but I don't want to see her reaction when she say something about Anthony.
"Alam kong alam mo na may gusto ako sa kanya..." agad akong napaharap dahil sa sinabi niya, what the actual fvck?
Magsasalita na sana ako at papaulanan ko na siya ng masasakit na salita ng bigla siyang tumawa.
Seriously?
"Will you please stop laughing? Nothing's funny so shut the fvck up."
"Okay, okay. Calm down bes!" Napataas ang kilay ko ng tawagin niya akong bes. Ang kapal ng mukha niya ah?
Lucy is seventeen, mas matanda lamang siya ng limang buwan sa akin. Si Maxine naman ay mas matanda ng dalawang buwan sa akin. We'd been friends since we're kids, because our parents were friends too. But the girl in front of me ruined our friendship.
"Okay... I'm sorry, you know me well venice, i'm a bitch sometimes but i'll never be bitch when it comes to my friends."
"Wow, are you kidding me Lucy? Or you really just treat me not as a friend but a rival?"
Kanina pa ako nagpipigil, pero sa ngayon ay hindi ko na mapigilan ang mga salitang matagal ng gustong kumawala sa akin. I think this is the time for me to talk.
Natahimik naman siya sa sinabi ko at alam kong sa puntong ito ay alam niya ang ibig kong sabihin.
"Will you listen if I explain my side?" Sabi niya habang nakatitig sa damuhan. Ganyan siya kapag kinakabahan o di kaya ay may sasabihing hindi niya kayang sabihin.
Will I listen? If I did, what will I do next? Forgive? Forget?
"Speak."
Tila isang premyo ang sinabi kong yon at lumiwanag ang mukha niya, tiningnan ko lamang siya diretso sa mata. Ngumiti at tumango siya sa akin pero nanatiling seryoso ang ekspresyon ko.
"Venice.. I'm sorry... I really do. Alam kong mahirap paniwalaan pero sana ay maniwala ka pa din kahit alam kong nasira ko na ang tiwala mo sa akin. I'm just scared.. takot na takot ako sa kaniya.. bata pa lamang tayo noon kaya hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Natakot din ako dahil pinagbantaan niya ang mga pamilya namin. Demonyo siya, gagawin niya ang lahat mahila ka lang pababa at mawala ka lang sa landas niya kaya please... huwag kang papahila. Wag na wag kang papatalo sa kanya.."
Naguguluhan ako. Anong sinasabi niya? Sinong demonyo? Sinong gusto akong mawala?
Wait.. Lucy is the second person who gave warning to me! Noong una yung LJ na naglalagay ng letter sa locker ko, then now siya..
Lumapit siya sa akin ng kaonti.
"I'm hapy beacuse if i am going to explain everything you'll listen to me. But now is not the right time. Kailangan mong mag-ingat, kailangan nating mag-ingat dahil maraming nagbabantay sa bawat kilos natin. Isang maling galaw lang ay isang buhay ang magiging kapalit."
"Ano bang pinagsasa--"
"Please don't trust anyone. Just yourself. Huwag ka munang magtitiwala hanggat hindi pa to naaayos..." nakikita ko ang takot sa mga mata niya kahit na hindi iyon litaw sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit siya natatakot pero kahit ako ay nakaramdam ng takot sa mga sinabi niya, anong ibig niyang sabihin?

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...