For those who are waiting this to be updated, thank you pooo! Hell month e. Kakatapos lang ng case analysis namin so ayun. Hehe. Here's the update :)
Open forum
Naunang dumating sina Jake at Lucy sa bahay, at noong makita ko sila ay agad akong napayakap sa kanila. Pakiramdam ko nga ay nailang sila pero hindi ko na yun pinansin dahil sa sobrang pag-aalala ko. Samantalang dumating naman sina Bea sa bahay ng mga alas nuebe ng umaga, kasunod lang nila ang pagdating ng mga kaibigan ko kaya gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko kahit papaano. Pero kahit ganoon ay natatakot pa din ako sa pwedeng mangyari.
Tahimik lang kami dito sa sala. Dad and the boys were talking at his office. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong pinag-uusapan nila pero alam kong konektado yun sa nangyari.
In-explain na din ni daddy kanina kina bessy ang nangyayari kaya pare-pareho kaming malalim ang iniisip ngayon. Bumuntong-hininga ako bago nagsalita,
"I'm sorry..." napatingin sila sa akin kaya yumuko ako. This is all my fault. Ako ang puno't-dulo ng lahat ng 'to. Kung hindi dahil sa akin ay hindi naman sila madadamay dito.
"Kung hindi dahil sa akin, hindi sana kayo malalagay sa ganitong sitwasyon, kung hindi dahil sa akin, hindi sana kailangang magtago at mag-ingat ng mga pamilya niyo, hindi sana---"
"Ano ba Venice!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Maxine, napatingin ako sa kanya at doon ko lang napansin na umiiyak na pala siya.
"Bessy..."
"Stop blaming yoursell will you? We are the one who chose this! Walang sino man ang dapat sisihin. Not even you. We love you that is why we're here with you. Kaysa sisihin mo ang sarili mo ay magpakatatag ka na lang. You need to be strong for your dad, you need to be strong for us."
Tumango-tango ako habang tahimik na umiiyak. Niyakap naman nila ako kaya mas lalo akong napaiyak. I'm so lucky to have these girls. Napatingin ako kay Lucy na nasa kabilang sofa. Siya lang ang hindi lumapit sa amin at pinapanood lang kami habang nagyayakapan. She's smiling and crying. Nung magkatitigan kami ay nginitian ko siya.
I think this is the time for forgiveness...
Napansin naman nina bessy ang tingin ko, tumango ako sa kanya at alam kong pareho na kami ng iniisip.
"Hoy Lucy, may sakit ba kami para dumistansya ka ng ganyan kalayo sa amin?" Nagulat si Lucy sa sinabi ni bessy pero matapos ang ilang segundo ay napangiti na siya at tuluyan ng sumali sa yakapan namin.
"I miss you both, so much! I'm really sorry for the trouble girls,"
-
Matapos ng dramahan namin ay pinag-usapan nanaman nila ang mga susuotin nila sa birthday ko. Pinagbawalan ko na nga sila kanina dahil hindi ito ang oras para magsaya kami pero hindi sila nakinig kaya hinayaan ko na lang.
"Uy Venice!" Napakurap ako nung kinalabit ako ni Jandi. Pagtingin ko sa kanila ay lahat na pala sila sakin nakatingin.
"Bakit?"
Kumunot ang noo nila atsaka nagkatinginan. Napailing si Bea atsaka lumapit sakin.
"Ate... I know na dapat ay mag-ingat tayo. Pero hindi naman yata tama kung pati ang pinakamahalagang araw mo ay balewalain na natin. Mas lalong matutuwa ang mga taong gustong magpabagsak sayo kung magmumukmok lang tayo hanggang sa matapos to..."
"Tama si Bea, Ven... at hindi natin mapipigilan ang kung ano man ang mangyayari. I am not saying na may masamang mangyayari okay? But we need to be ready... and of course enjoy while we still have a time..."
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...