ANWC: 24

1.1K 43 3
                                    

Basketball

Nagsimula na ang game, Syempre first five ang barkada at kasama din sa first five sa kabilang team si Jake. Nasa kabilang team ang bola dahil naagaw iyon ni Jake kanina, tumatakbo na siya patungo sa kabilang ring at humahabol naman sa kanya si Anthony, hindi ko na mapigilan ang pagchecheer kasi maski ako ay natetense din sa laban.

"Go Anthony! Kunin moooo!" Sigaw ko, wala akong paki kahit na nakatingin na sa akin yung ibang tao. Basta ba ipagchecheer ko yong soon-to-be boyfriend ko e. Tumingin si Anthony sa pwesto ko atsaka kumindat, nag thumbs up lang ako. Hindi ko kasi alam kung babatuhin ko ba siya ng sapatos ko dahil sa pagkindat niya o kikiligin ako dito.

Nagpatuloy lang yung game, ang ingay namin dito sa bleachers kakacheer, si bessy naman chinicheer yung lalaki sa kabilang team. Ewan ko ba dito,

"Ate Maxine, yung team naman natin ang icheer mo, look at my twin's face, it's like he really want to punch that guy you are shouting for," natatawang sambit ni Stephanie, ang gago talaga nitong si Stephan.

"Hayaan mo yan, magsama sila nung Kati perry niya." What? Kati perry? Slang pa talaga ang pagkakasabi niya sa kati.

"Hindi ba yun yung kumanta nung fireworks? Anong kinalaman nun sa bruhilda?" Tanong ni Jandi. Oo nga. Corny e

"Mukha kasi siya pinasabog e. Isa pa mukha siyang si perry the platypus. Tapos ang kati kati niya. Kaya dapat tawag sa kanya ay Kati perri. Yung slang para sosyal naman kahit paano."

"Bitter." Pinagtawanan lang namin siya at tinarayan niya lang kami, sabagay. Ayos yun ah, Kati perry. Kabog.

Sobrang ingay na dito sa gymnasium dahil walang nagpapatalo sa mga cheering, pwede ng sumali sa cheering squad ang mga babae dito. Dagdag mo pa ang kalandian ng team namin. Mapapaface palm ka na lang talaga e.

Napasigaw kami nina Jandi nung nakashoot si Anthony. O my gosh! Soon to be boyfriend ko yan!

"Go Anthony!" Pagchecheer ko pa,

"Hoy bessy! Sakit na ng tenga ko sayo ha. Kalma!" Natatawang sabi ni bessy pero di ko siya pinansin. Tutok na tutok ako sa laban, last quarter na din at lamang ang kabilang team ng dalawang puntos.

Last five minutes na lang at nasa kani-kanilang bench ang dalawang team, halata mong pagod na pagod sila at tagaktak na ang pawis nila. Gusto ko sanang lumapit sa kanila para punasan yung pawis ni Anthony kaso sobrang seryoso nilang nag-uusap at paniguradong aasarin lang ako nitong mga kasama ko.

Maya maya ay tumunog na ukit yung kung ano man yon, hudyat na magsisimula na ulit ang laro.

"Omg! Kinakabahan na 'ko, sino kaya ang mananalo?" Excited na sabi ni Stephanie, napatingin ako sa kabilang team. Seryosong nagdidribble ng bola si Jake at nakatingin ng diretso kay Anthony, ganoon din naman si Anthony na siyang nagbabantay kay Jake, nalipat ang tingin ko kay Lucy na siyang nakatingin sakin. Agad siyang umiwas ng tingin nung tumingin ako sa kanya. Problema non?

"Go! Go! Go!"

Kanya kanyang cheering nanaman ang nadidinig ko, may mga nagchecheer nga din kay Anthony at halos mangisay sila sa kilig kakasigaw sa pangalan niya. Srsly? Nandito ang nililigawan aba.

Napatili na ako ng mapunta ang bola kay Anthony, ang galing! Pumapalakpak pa ako habang nagsisisigaw, hindi ko alam kung napapansin na ba ako ng mga school mates ko pero wala na akong pakialam. Duh, hindi ko ugaling pumatol sa mga hindi ko kalebel pero mas hindi ko ugaling magpatalo sa taong--- okay, moving on.

"Last 15 seconds!" Sabi nubg may hawak ng mic, hindi ko alam kung ano ang tawag don. Emcee din ba?

Malayo pa si Anthony sa ring at hinaharangan siya ng kabilang team, sa harap niya si Jake, at may isa pang nakaabang sa gilid niya, yung pinagchecheer ni bessy. Napatingin ako sa timer at sampung segundo na lang!

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon