ANWC: 10

2K 77 4
                                    

My girl

"Hoy!" May marahang tumatapik sa pisngi ko, ano ba yon? Kita ng natutulog pa ako eh. Nagtakip ako ng kumot para matigil yung pagtapik ng kung sino man sa pingi ko at mukhang epektib naman iyon dahil hindi na niya muling ginulo ang mahimbing kong tulog.

"What the hell!!!" Napabalikwas ako ng bangon nung maramamdaman kong may malamig sa katawan ko. Ugh! This girl!!

"Ano bang problema mo Maxine at naninira ka ng tulog!?" Inis akong bumangon atsaka pinagpag yung mga yelong nasa damit ko pati na din sa kama ko, at kung hindi ka tanga alam mo naman na siguro kung anong nangyari sa akin. Napaka nitong si bessy, porke't mabait ako sa kanya inaalipusta niya na ako!

"Alas otso na po ng umaga. At kailangan mo pang mag-ayos. Abaaa! Ala singko ng hapon ang start nung contest babae, baka nakakalimutan mo." Nakataas ang kilay niya habang sinesermonan ako, siguro kung may nakakakita lang sa amin, iisipin nilang nanay ko siya.

"Oo na, lumayas ka na sa kwarto ko at susunod na ako sa baba." Masama pa din ang tingin ko sa kanya habang sinasabi ko yon, masama naman kasi akong magising o makulangan sa tulog. At alam kong alam niya 'yon. Nagpunta na ako a banyo para maghilamos at magtooth brush. After ko gawin yon ay sumunod na ako sa kanya sa baba.

Habang pabba ako ng hagdan naririnig ko namang ang ingay sa baba, ang babaeng yon, sino nanaman bang pinapunta niya sa bahay ko? Jusko. Dumiretso na ako at baka mamaya eh magnanakaw pala iyon, matalino si Maxine pero tanga yung isang yon. Delikado. Hehehe.

Pagkadating ko sa dulo ng hagdan, walang tao sa living room. Pero may naririnig akong ingay sa kusina, kaya dumiretso ako sa kusina at pagsilip ko, confirmed. Andon sila at masayang kumakain ng pagkaing dala ata nila. Ang mga 'to hindi man lang ako niyaya. Feeling pa nila kanila 'tong bahay na tinatambayan nila, ang kakapal ng mukha.

"Oh, Hi Venice! Kain!" nakangiting sabi sa akin ni Lisa, tinanguan ko lang naman siya atsaka tumabi sa kanila.

"Mabuti at naisipan mo pang bumaba, akala namin eh magbaback-out ka na doon sa contest eh." Sabi ni Stephanie habang nginunguya ang kinakain niyang sandwich.

"Hindi ako magbaback-out. Pero hindi pa dapat ako gigising. May kung sino lang kasi na makapal ang mukha ang hinagisan ako ng yelo habang tulog ako." Inis kong sabi habang kumukuha din ng sandwich at masamang sinulyapan ng tingin si bessy. Natawa naman sila sa sinabi ko. Kita niyo, tinawanan pa ako!

"Kaninang 6 pa kasi kami nandito, akala nga namin eh mauuna kang magising sa amin at maaabutan ka na naming tapos ng maligo pero ayon andon ka sa kwarto mo at ang sarap ng tulog." Pailing-iling na sabi ni Lisa. Akala ko kakampi ko ang isang 'to.

"Kung hindi sana kami pinagod ng isa dyan kahapon, edi hindi ako mahihimbing sa pagtulog."

"Hoy bessy, kanina ka pa nagpaparinig ah! Excited lang naman kasi kami na Makita kang rumampa you know. Magcheer at mapicturan ka mamaya. Pati magpapicture na din kapag nauwi mo na ang crown!" Advance talagang mag-isip 'tong si bessy.

***

"Bessy! Alis muna kami ni Stephanie ha? Kukunin lang namin yung mga damit na gagamitin mo mamaya, pati na din yung sandals at iba pa! Babushhh!" Sabi ni Bessy sabay hila kay Stephanie na nagwave naman sa akin. Nandito kami ngayon sa sala at nandito na din yung mga beki na kaibigan namin para ayusan ako. Si Lisa naman busy sa cell phone niya at ngingiti ngiti pa,

"Hey, Lisa. Sino ba yang katext mo at napakalawak ng ngiti mo?" Tinago niya naman yung cell phone niya at nagsimulang mag-kwento. Ito si Lisa, habang patagal ng pagtagal yung pagsasama namin nakikilala ko siya. Siya yung tipo ng open sa lahat. Jolly, parang si Stephanie pero mas maaliwalas ang mukha ni Lisa, I mean para bang walang pinagdadaanang problema.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon