ANWC: 48

699 28 1
                                    

Behind the mask

Nagkagulo na sa loob ng venue. Hindi ko na din alam kung nasaan ang mga kaibigan ko. Puro sigaw na lang ang nadidinig ko..

Madilim. Sobrang dilim. Si daddy? Nasaan si daddy? Shit! Hindi ko na alam sino ang unang iisipin. Sana walang mapahamak... sana.

Kahit na halos wala akong makita at maitulak na ako ng mga nakakasalubong ko ay pinilit ko pa ding maglakad, nagbabakasakaling makita isa man lang sa kanila o kaya si daddy.

"Margarette? Margarette! Goddamn it! Where the f*ck are you!?"

Anthony?

Agad na hinanap ng mga mata ko si Anthony. Sinubukan kong linawan ang mata ko kahit na sobrang dilim sa paligid. Kinakabahan ako, sobra.

"Anthony?" Naiiyak na ako pero pinipilit kong tatagan yung loob ko. Hindi ko siya makita ng malinaw pero naaaninag ko siya kahit papaano.

"Margarette? Fck!"

Lumapit siya sa akin atsaka ako hinila at niyakap. Nung nasubsob na ako sa dibdib niya ay tsaka ako tuluyang naiyak.

"Shh, I'm already here. Don't worry, I'll never let anyone harm you..." mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Handa niya akong protektahan kahit pa buhay niya ang magiging kapalit. Ang mga kaibigan ko, si daddy.. kahit na alam nilang magiging delikado ang buhay nila kapag malapit sila sa akin ay hindi pa din nila ako iniwan.

"Let's get out of here. You need to be safe.."

"N..nasan ang iba? Si daddy?"

"I'm sure that they are safe, so please Margarette. Do as I say."

Tumango na lamang ako at sinunod ang sinabi niya. Pinoprotektahan nila ako, nagpapasalamat ako doon pero hindi ko hahayaang pati buhay nila ay maging delikado dahil lang sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakalabas din kami ng kwarto. Mas lalo kaming natagalan sa paglabas ng dahil sa mga nagkalat na mesa at upuan. Patuloy lang kami sa pagtakbo, hindi ko na alam kung saan na kami sumusuot para lang makaalis sa letseng building na to.

Habang tumatakbo ay bigla na lamang may tumunog na cellphone, napatingin ako kay Anthony at nakitang nagliliwanag ang bulsa ng pants niya.

"Your phone.." napalingon siya sa akin at saka kumunot ang noo, alam kong sa panahon ngayon dapat ay hindi cellphone ang inaalala ko. Pero paano kung sina daddy yan? O isa sa mga kaibigan namin? O baka importanteng tawag? "Baka importante."

Tumango siya atsaka kahit hirap ay kinuha ang cellphone sa bulsa niya.

"Hello?" Putol putol na tugon niya sa kabilang linya, patuloy pa din ang pagtakbo namin palabas. Kami lang ang tao dito sa hallway na tinatakbuhan namin kaya tanging si Anthony at ang mga hakbang lang namin ang nadidinig ko.

"Jandi?"

Agad akong naalerto ng nadinig ko ang pangalan ng kaibigan namin. Agad akong napahinto sa pagtakbo at ganoon din siya.

"Shit! Where are you---okay okay, I am already with her---what? I can't hear yo--hello?" Napatingin siya sa cellphone niya bago nagmura. "Damn!" Ibinulsa niya itong muli kaya nagtanong na ako.

"Why? Nasaan daw sila? Ayos lang ba sila?"

"Yes. They are all at the parking lot, so hurry Marg, we need to go there." Tumango tango na lamang ako, kinuha ni Anthony ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papunta sa parking lot.

Habang tumatakbo ay bumabalik sakin lahat ng alaala ko simula pagkabata. Kung paanong masaya kaming pamilya.. kahit na hindi ko nakasama si mommy noon masaya ako, dahil nandiyan si daddy, si Bea, at kahit si Aunt Violet. Pero ang sayang yun pala ay may kapalit na lungkot at sakit.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon