Bessy
"So ano? Start na tayo?" Sabi nung photographer, syet na malagkit! Bakit kasi andito sila? Bakit sila sumali? Napatingin ako kay Anthony na nakayuko, oh napano 'to at bakit nag-eemo? Don't tell me....
"May gusto ka ba kay Lucy?" Mukhang nagulat siya sa tanong ko kaya napatingin siya sa akin ng nakakunot ang noo. Oh inaano ko 'to?
"Eh ikaw, may gusto ka ba kay Jake?" Bat kilala niya si Jake? O______O
"How'd you know him?" Gulat kong tanong, hindi pa naman nila kami napapansin nakatalikod kasi sa kanila si Anthony at ako naman syempre natatakpan niya kalaking tao ba naman eh.
"He's my ex." Diretso kong sagot. Well dapat naman siguro hindi na ako maging apektado, Hello! Last year pa yun! And dapat naka move-on na ako! Nakita kong nagulat nanaman siya. Magugulatin ba ang isang 'to?
"Oh ikaw naman sumagot sa tanong ko, do you like-----" Hindi niya na ako pinatapos magsalita atsaka sinabing
"Yeah, I like her---- No, I love her." Woah! Lakas ng tama nito kay Lucy ah? Oh well sorry siya sila na ni Jake. Sila na ng ex ko.
"Okay! Jake and Lucy you're next! Get ready!" Sigw ng photographer, hindi pa din kami napapansin nung dalawa ngayon. Masaya silang nag-uusap doon eh. They're happy, yeah. Ha-ha-ha.
"Tara na?" Sabi ni Anthony saba'y lahad ng kamay niya. Gentleman? Naks. Sino pa ba ako para magsungit? Kinuha ko na yung kamay niya at nung patayo na ako....
TANG-INA mo ka talaga Anthony! Paker! Binitawan niya ako napaupo tuloy ako ulit. Bullshit!
"Hayuf!" Inis kong sigaw sa kanya at siya? Ayon tawa ng tawa. Putragis 'to. Inis akong tumayo at hinabol siya, bwiset ka anthonyyyyyyyyyyy!
"Hoy! Tumigil ka kakatakbo! Ibabato ko talaga 'tong batong hawak ko!" Inis kong sigaw pero tinawanan niya lang ako. At ako naman 'tong may sa tanga ayon natapilok. Ih! Ang malas ko!!!
"O-ouch! Shit." Waaaaaaaaaaaaaaah! Ang sakit! Hinayufak talaga 'tong Anthony na 'to! Nakita ko namang napahinto siya sa pag-takbo at dali-daling lumapit sa akin. Ang sakit talaga!
"Ay nako. Tatanga tanga ba naman eh." Nadidinig kong sabi ni Anthony habang papalapit sakin. Eh kung ihambalos ko kaya sa mukha niya tong malaking bato na dahilan kung bat ako natapilok? Sinamaan ko lang siya ng tingin at ayon tinawanan niya nanaman ako.
"Halika nga,"Sabi niya atsaka ako binuhat, aba dapat lang no, di kaya ako makatayo! Paano na kami makakapag-photo shoot ngayon!?
"Wooooh! Nice! Ang gandaaaa!" Napatingin kaming pareho doon sa photographer na sumigaw. At tsaka narealize na kanina pa pala nila kami pinapanood. Wow. Just wow. Nakita ko ding nagulat si Jake at Lucy na nandito kami, and I don't care. Maya-maya nagsilapitan sila samin except sa dalawa.
"Oemgeeee. Ms. Pres! Ang cute niyo sa lahat ng picturessss." Ha? Pictures?
"Ha?" Wala sa sarili kong tanong.
"Ito oh!" Tsaka pinakita sakin ni Lisa yung DSLR nung photographer na halos puno ng shots namin ni Anthony simula kaninang nag-eemote kami. Bakit di ko napansing kinukuhaan na pala nila kami ng picture!? Pero sabagay ang ganda ah. Para kaming ewan, parang bata ganon. ._.
"Ikaw tol ah, may sweet bones ka din pala! Hahahaha," Sabi ni Luhan. -___-
"Tss! Gago!" Sabi naman ni Anthony saba'y batok kay Luhan at ayon nagtawanan mga tao dito. Anong nakakatawa?
"Anthony!" nakangiting sigaw ni Lucy habang papalapit sila sa amin habang magkahawak kamay. Paki ko?
"Oh, Lucy."
"Venice...." Nagdadalawang isip na tawag sakin ni Jake. Nginitian ko siya, isang ngiting parang walang nangyari between me, my ex best friend and him, my ex boyfriend.
Kaming apat na lang ngayon ang mag-kakausap, okay na daw yung pictures namin sabi nung photographer, kaya di na nila kami kukuhaan ulit.
"Venice..." Sabi ni Jake, nakatingin sa akin si Lucy at siya. Habang katabi ko naman si Anthony na nakikiramdam lang. Hindi ako tumitingin, ayokong tumingin. Ayoko.
"Venice, please..." Tsaka niya hinawakan yung kamay ko kaya napaatras ako ng upo, alangan namang tayo eh my fracture nga paa ko diba? At ayon nasagi ko si Anthony.
"Uh.. S-sorry." Ngumiti lang siya. Malakas ka na Venice hindi ba? So harapin mo na sila, dali na.
"Besh oh, s-sorry. Venice, please.." Heto nanaman siya umiiyak. Shete naman ba't ba parang sila yung nagmumukhang kawawa? E diba dapat ako? Ako yung niloko eh! Ako yung naiwan! Ako yung nasaktan! Tumingin ako sa kanila, kaya ko 'to.
"Hmmm, bakit?" Sabi ko at seryosong nakatingin sa kanila, hindi ako plastic na ngingitian sila kahit alam kong nasasaktan ko.
"Sorry..." Saba'y nilang sabi ng nakayuko. Pang-ilang sorry na ba nila yan? Pero bawat sorry nila wala akong sinagot kundi tama na, nangyari na, tapos na.
"H-hindi naman namin sinasadya na---"
"Stop it. Ayoko MUNANG marinig ang kahit anong sasabihin niyo, save that kapag nakalimot at handa na talaga ako."
-
Hayyyy! Friday na! At wala kaming pasok ulit ngayon, saya diba? Nyahahaha. Next week pa yung contest so wala pang dapat asikasuhin kaya matutulog muna ako ngayon pambawi sa mga tulog kong kulang.
Pipikit pa ulit sana ako kaso may nagdoorbell. Sinong lapastangan ang pumindot ng door bell ko sa pinto? Wala akong inaasahang bisita ngayon, at gaya ng sinabi ko walang ibang nakakaalam ng bahay ko maliban sa kanila.
Hinayaan ko lang yung nagdodoorbell baka kasi hindi naman importante kaso teng-ene ayaw tumigil nung nagdodoorbell at binubulabog ako, kaya tumayo na ako. Wala akong pakialam sa ayos ko. Paki ba nila kun di pa ako naghihilmos o nagtotooth brush? Duh!
Padabog akong bumaba ng hagdan at padabog kong binuksan ang pinto at syempre padabog ko ding binuksan ang gate na ready to sigaw na sa kung sinonggumambala sa akin kaso natameme ako.
"Maxine?" Kukurap kurap kong sabi, waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ang best friend ko! Niyakap ko naman siya ng mahigpit! Waaaaaaaaah!
"Hoy babae, makayakap ka naman dyan! Ang baho baho mo pa oh! At yakkk bad breath ka pa!" Sabi niya sa akin at pinagtulakan ako, wow! Great best friend!
Tinulungan ko siya sa mga dala niya para ipasok yun sa loob. Ang dami niyang dala! Tatlong maleta at tatlong malalaking box. Yung tatlong maleta puro damit at kaartehan niya ang laman grabeee. Tas yung tatlong box naman puro chocolates, pagkain, pasalubong. Waaaaaaaah!
Naligo na muna ako bago ko kalkalin yung tatlong box yiiii, excited na ako sa mga makakalkal ko wahahaha. 2 years din kaming di nagkita nitong si Maxine at ngayon lang ulit kami magkakausap. Nag migrate kasi sila papuntang Japan 2 years ago.
Childhood frenemy kami nyan wahahaha. Kami kasi yung mag best friend na nagbubullyhan, pero siya pinakabully! Pag kaharap ko siya I'm just that typical girl na maingay, madaldal, makulit etc. Siya lang naman kasi nakakaalam ng tunay kong ugali. Well maliban kay Lucy, Jake at sa parents ko. After ko maligo dumireto aad akoo sa mga bagahe niya atsaka yun pinagbubuksssss. Yung dalawang box puro kaartehan, shoes, damit, make-ups habang yung isang box punong puno ng pagkain! Yaaaaay! Mas malaki to kumpra doon sa dalawang box at andaming chocolateesssss. Kumuha na ako ng isa at binuksan tsaka kinain. Nyahaha.
"Hoy bruha! Papuntahin mo na si Jake at Lucy ng makapagbonding naman tayo!" And that hit me. Oo nga pala, hindi niya pa alam yung nangyari.
"Ah, busy mga yun." Sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain nung chocolate khit wala na akong gana.
"Ha? Anong busy! Walang busy busy! Ako na nga tatawag!"
"Veronica, wag ngayon." Napatigil naman siya sa sinabi ko. Tumayo ako atsaka lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Sumunod naman siya.
"Venice, bessy. May nangyari ba?" Sabi niya na halatang nag-aalala. Walang nakakapagkwento sa kanya kasi sa 2 years hindi nman kami nakakapag-usap. Nung panahong BH ako wala akong karamay kundi ang sarili ko lang. Pero naiintindihan ko naman siya, busy siya masyado kahit na 17 pa lang siya. Meron na siyang sariling boutique sa states kaya ayon. Huminga muna ako ng malalim atsaka nagsimulang mag-kwento.

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Genç KurguSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...