LJ
Nakaupo ako ngayon dito sa sofa habang tahimik na nililibot ang paningin sa buong bahay. Loko tong mga to, ni hindi man lang ako ininform na may ganitong mangyayari. Nakakatampo, at paano nila nabuksan ang bahay? Sila ba ang kumuha ng susi sa bag ko? Bakit kailangan pa nilang kunin sa bag ko yon ng palihim kung pwede naman silang magpaalam sa akin?
Kanina pa nila ako gustong lapitan pero kada lapit nila ay lumalayo ako, di naman siguro sila manhid para hindi maramdaman na ayoko silang makausap o makatabi man lang.
Puno ng lobo yong bahay, nagkalat iyon sa sahig at yung iba naman ay lumilipad. May hinanda rin silang mga pagkain kaya parang party ang kinalabasan nung ginawa nila. Agaw pansin din yung malaking banner na nakadikit sa dingding dito si living room, nakasulat doon ang salitang sorry at bati na tayo.
Natigil ako sa pagmumuni muni ng may umupo sa tabi ko. Naamoy ko yung pabangong ginagamit niya, ang bango talaga. Kailan kaya babaho ang isang 'to? Tago ko kaya mga pabango niya ng bumaho naman siya?
Hindi ko siya nilingon. Nagtatampo ako sa kanila, sa kanya. Bakit ba? E sa nakakatampo naman talaga e! Nung una hindi siya nag-explain about sa bar, naiintindihan ko naman 'yon e, pero syempre babae din ako kaya natatakot lang ako na baka may hindi magandang mangyari, isa pa ni hindi man lang siya nagtext, ang sama lang kasi sa pakiramdam. Tapos hindi man lang niya ako hinintay at di man lang nagpaalam sa pag-alis nila sa Akademya, at nauna pa talaga silang bumalik sa St. Peter! Anong ibig sabihin non!?
"Margarette..." hindi pa din ako tumitingin, unti unti naman siyang umuusog papalapit sa akin. Loko to ah!
"Stop. Isang usog pa, busted ka na." Banta ko, seseryosohin niya kaya?
"Okay." Napakunot ang noo ko, atsaka siya hinarap ng nakataas ang kilay,
"Anong okay?"
"Okay, hindi na ako uusog."
Napanguso ako, pinipigilan ko yung pag ngiti dahil baka mapansin niya, kailangan niya pang mag-explain bago kami magkaayos. Shit! Ano bang ginagawa mo saking monggoloid ka?
"Hindi ako lalapit, but please, listen to me okay?" Hindi ako umimik, napabuntong hininga siya at ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"I'm sorry because I did not texted you last night, it's just that I don't know what to say, I'm afraid you're mad at me. But because of that you really get mad. And this morning, we helped Stephan in his surprised,"
"Kung ganon, bakit hindi niyo man lang ako sinabihan? Ano to? Di ako part ng barkada?" Inis kong sabi, alam naman nilang may past ako sa mga kaibigan kaibigan na yan tapos ganito?
"No.. that's not like that. Naisip kasi namin na mas makatotohanan kung pati ikaw ay walang alam, isa pa lagi mong kasama si Maxine kaya baka makahalata siya..." dahan dahang paliwanag niya, parang nag-iingat siya sa bawat salitang binibitawan niya.
"Is that so? Okay then, tulog nako." Agad akong tumayo at umakyat papuntang kwarto. Hindi ko alam kung may sumunod ba sakin o kung sumunod ba siya, gusto ko na lang magpahinga ngayon, masyado na yata akong nagiging maarte. Ang pabebe ko na kainis!
Pagpasok ko ng kwarto ay bukas ang ilaw, may pumasok ba dito? Makakasapak talaga ako pag nalaman kong ginulo nila yung mga gamit ko. Dire diretso akong pumasok sa kwarto at agad na humilata sa kama. Hindi na ako nag-isip na maghilamos dahil pagod na talaga ako, physically and emotionally. Maya maya ay narinig ko ang marahang katok at boses ni Anthony, hindi ako sumagot, binuksan niya yung pinto.
"Kaya naman pala..." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. Nginitian niya lang ako. Sipain ko kaya 'to?
"Labas na ako, sigaw ka lang kapag may kailangan ka... I love you, good night." Dagdag niya atsaka pinatay ang ilaw at sarado ng pinto.
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...