Finally
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-iisip, should I go home? Matapos kong sabihin kay daddy na pag-iisipan ko ang pag-uwi ay sabay sabay na bumaba sina Maxine kasama si Anthony, tahimik lang silang nakatingin sa amin, malamang ay nasabi na ni Anthony na nandito si daddy. Nagpaalam silang maghahanda ng dinner namin samantalang umupo naman si Anthony sa kabilang sofa, sinamantala ko ang pagkakataong yon para magpaalam na aakyat muna.
What should I do? I don't know... if I did go now, I might see her in our house, I might see aunt violet, masasaktan nanaman ako.. hindi ko gustong hiwalayan siya ni daddy pero hanggat nagsasama kami sa iisang bubong ay walang mangyayari. Ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni Bea, ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng kapatid ko...
Mabait naman si Aunt e, pero gaya ng mga fairytale stories na nabasa ko noong bata pa lang ako, the kindness that they have will slowly vanish. Sa una lang siya mabait, pero habang tumatagal ay lumalabas ang totoo niyang kulay. Nagkaroon sila ng anak ni daddy, si Beatrice, tuwang tuwa ako noon dahil may kapatid na ako. Sabay kaming lumaki at nagkaisip, halos magkasundo kami sa lahat ng bagay, isa pa ay kaming dalawa lang din naman ang palaging magkasama dahil abala sina daddy sa pagaasikaso sa kumpanya, but a nightmare happened, namamasyal kami noon sa park and of course, yaya lang namin ang kasama namin.
Our yaya said that she'd just buy foods so we decided to play while waiting for her, we played hide and seek, siya ang taya. Nagtago ako sa punong nakita ko di kalayuan sa pwesto ng kapatid ko. Humahagikhik pa ako habang nagtatago pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ding dumadating na beatrice sa pwesto ko kaya ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at bumalik sa pwesto namin kanina but i found nothing. Wala si yaya, wala si beatrice... ako lang mag-isa...
I cried and cried, gumabi na ay wala pa din sila, hanggang sa nilibot ko na lang ang buong plaza nagbabakasakaling makita ko pa sila. Pero wala. I don't know what happened next basta ang alam ko ay napagod ako at bigla na lang dumilim ang paligid ko, pagkagising ko ay nasa bahay na ako, at pagkagising ko ay galit na sa akin si aunt, hindi ko alam kung anong alam niya sa nangyari pero hindi ko siya masisisi because it's bea, ako nga na half sister lang ay sobrang nasaktan na paano pa kaya ang ina, diba? Months and years had passed pero mas lalo lang siyang nagalit sa akin until one day, kasabay noong panloloko sa akin nila Jake, pati si daddy ay galit na din sa akin, dahil daw sinadya ko ang pagkawala ng kapatid ko. But that's not true! Hindi ko yun magagawa pero yun ang pinaniwalaan nila. Starting that day ay pinilit kong tumayo kahit mag-isa lang ako. Hindi ko binago ang sarili ko but I made sure that i'll be strong, strong enough to handle everything.. akala ko nagsucceed ako, pero hindi pala. I am not strong enough to handle everything, i needed someone to hold everything with me. And that's my friends and Anthony.
Natigil ako sa pag-iisip because of a knock, "Bukas yan," I said.
I saw Maxine entering, I smile. She sat at the side of my bed and talk.
"I know you're having a hard time to think, kanina ko pa gustong sabihin sayo lahat ng alam ko but it's not my right to say. I am your best friend Ven, I don't want to see you miserable, I don't want to see you like this but I can't do anything about it right now, it's only you who can help yourself think.
I know tito wants you home, he misses you.. a lot. Ngayon ko lang narealize, siguro ay ganoon din ang nafefeel ni papa." She sigh. "Anyway it's not about me, it's about you and your father. He love you, Ven."
"I know that. It's just that I am not yet ready to face him.. to face aunt.. ginagawa ko naman ang lahat diba? But aunt Violet just keep on blaming me about bea's disappearance. I am hurting too. Not just her." She just hug me. That's the least thing I need right now, a hug from a friend, a hug from my best friend.

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...