Photoshoot
"Next week, Saturday night po ang contest ma'am, sir. So may time pa po kayo to practice your talent, may photo shoot din po tayo this coming Saturday, whole day po yun." Aba, may photo shoot pa. Tango tango lang ang ginagawa namin. Well malelate na talaga kami, Isisisi ko lahat to kay Anthony mamaya. Nandito lahat ng mga kasali sa contest, pero may apat na absent. PaVIP eh.
**
1:30pm na, syets. Kanina akala ko mamamatay na ako sa sobrang bilis magdrive ni Anthony ng motor ._. Pinark niya na motor niya atsaka kami tumakbo papuntang room, takte. Third floor pa yon! Halos masubsob subsob ako sa hagadan makaakyat lang at makadating lang sa room, bwisit na Anthony 'to ang bilis tumakbo! Kabayo ata 'to eh.
"Ang bagal mo Margarette ah. Bilis!" Aba't! Ako pa ang pinapagalitan? Binilisan ko na lang pagod na din ako at baka himatayin pa ako kapag sumagot ako dahil sa kawalan ng oxygen.
Kumatok siya ng dalawang beses sa pinto atsaka niya binuksan, nagdidiscuss yata 'tong teacher namin shems! Napatigil silang lahat at nagtinginan sa amin. Nag-aantay ata ng sasabihin or reasons kung bakit ngayon lang kami, siniko ko naman 'tong si Anthony.
"Ah, sorry ma'am we're late." Napaface palm na lang ako sa sinbi ni Anthony, takte yung reason bakit kami late asan naaaaaaa!
"Why are the two of you were late?" Ayan na sinasabi ko eh.
"Ma'am, my apology. Sinamahan po kasi ako ni margarette sa bahay, may naiwan po kasi akong importanteng papers. Ayaw niya po akong samahan kanina kaso nagpumilit ako kaya po ayun." Hindi na nagsalita si Ma'am tumango lang siya, sign na pwede na kaming maupo. Ayos din palusot nitong mokong na 'to ah.
Nagpatuloy na si Ma'am sa discussion, naupo na din si Anthony pero nakatingin sa aming dalawa yung apat ._. Bahala kayong tumingin dyan. Buti na lang at may klase kasi paniguradong uusisain nanaman kami ng mga to.
Napatingin ako bigla kay Lucy, naramdaman ko kasing nakatingin siya sakin, at tama nga ako. Hindi ko alam kung anong meaning nung mga tingin niya, para kasing ang lungkot niya. Oh well the hell I care.
I just focused myself in listening on what our teacher's discussing until her time in our class ended. After our last class in the afternoon I immediately pick-up my things and run to the door of our class room as fast as I could.
I am actually half-walking and half-running through the corridor when I accidentally bump into someone, Ugh. Who the hell bump me? I pick up my books, nahulog eh, takte yung bumangga sakin di man lang ako tinulungan!
Pag-angat ko ng ulo ko isang student galing 4-E pala, how did I know? ID. Sa section na yun nandun lahat ng mga bitch girls like the girl here in front of me.
Napataas ang isang kilay ko ng tingnan niya ako mula ulo kong maganda hanggang paa kong maganda. Tsaka siya ngumisi, aba. Nanghahamon ba 'to? Kahit tumatakbo akong Valedictorian papatulan ko 'to, kilala ako sa school na may pag-kabitch din, alam niya yun for sure. Maliban na lang kung transferred student siya na sa tingin ko naman ay hindi. Nagmamadali ako kaya lalakad na sana ako paalis ng harangan niya ang dadaanan ko. Thefuck! Ano bang problema ng punyemas na 'to?
"Problem?" I ask, while scanning her from head to toe. Feeler 'tong isang 'to, kala mo sinong maganda kung makaharang sakin eh.
Ang iksi ng suot niyang skirt as in, super! Then fitted yung blouse na suot niya eh dapat maluwang yun kahit kakaunti. Tapos blonde hair siya, yung pagkakulay pa naman yung parang kulay ng buhok ng mga nasa kanto. Then ang kapal ng foundation at blush on niya at may color red pang lipstick.
Yung totoo? Sa school ba talaga to dapat napasok o sa club? I'm not judging her, I'm just stating a fact. Ngumiti siya atsaka nagpamewang eses, style niya hula ko tapang-tapangan lang 'to eh.
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Fiksi RemajaSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...