New life to begin
"Bessy! Bumaba ka na diyan at malelate na tayo!"
Mas lalo ko pang binilisan ang kilos ko dahil sa sigaw ni bessy. Jusko, baka mamaya ay akyatin nanaman ako non dito at hilain na ako pababa. Tumingin akong muli sa salamin at inayos ang buhok ko. I am with my light blue dress and my hair is tied into a bun with some strands of hair at the side of my cheeks.
It's our graduation day. Sa wakas ay magkokolehiyo na kami. Senior high was really a great adventure. Marami kaming naranasan na hindi nararapat na maranasan ng mga kabataang gaya namin. Nakaramdam ako ng saya, galit, lungkot, at sakit...
Pagkababa ko ay nakita ko si Bea, Lucy, Luhan, at Bessy na naghihintay. Nakangiti silang lahat at nagseselfie habang si Maxine naman ay kanina pa pumapadyak padyak at tumitingin sa relo. Nung makita nila ako ay agad nilang kinuha ang mga toga nila samantalang hinila naman ako ni bessy palabas.
"Bessy dahan dahan naman! Nakaheels ako o!"
"E kung mbilis ka sanang maglakad diba? Gagraduate ka na lang, mabagal ka pa din. Hay nako Venice!" Napasimangot ako sa panenermon niya. Gagraduate na lang ako, puro sermon pa din siya.
"Nasan ang iba?"
"Nauna na ate, ang tagal mo daw kasing mag-ayos e."
Ako pa talaga ang sinisi nila? Kasalanan ko bang kailangan kong paghandaan to? Atsaka kinakabahan kasi ako! Nang makarating kami ng school ay nadidinig ko na ang graduation song namin, mukhang late na nga talaga kami. Dali-dali kaming bumaba ng sasakyan at dumiretso na agad sa loob, pagdating namim sa quadrangle ay patapos na ang kanta namin, palihim kaming nagpunta sa mga pwesto namin. Katabi ko si Lucy samantalang malapit lang din ang upuan ni Bea sa amin.
"Hey, bat ang tagal niyo?"
"Kinakabahan ako e, di ko napansin yung oras." Pareho kaming natawa sa sinabi ko kaya napatingin samin yung ilan pa sa mga kaklase ko.
Buong programme ay kinakabahan ako, kung ano ano ang naiisip ko, paano kapag nahimatay ako mamaya habang nagi-speech? Ugh. Bakit ba kasi kailangang magspeech ng Valedictorian? Yes, madami akong gustong sabihin, ang kaso nga lang ay hindi maalis sa sistema ko ang kaba.
"....again, I dedicate these achievements to my family and friends. Thank you for all the love and support!" Nang matapos ang speech ni Lucy ay nagbow siya. Ayan na, ako na---
Nung tinawag na ang pangalan ko ay dahan dahan akong tumayo. Pakiramdam ko ay nanginginig pa din ako. Mygad, Ven! Wag kang masyadong kabahan! Bago makaakyat ng stage ay bumati pa sa akin si Bea at ang ilang mga kaklase at schoolmates na nadadaanan ko, nadaanan ko din si Lucy na niyakap ako before ako tumungtong sa stage.
Nang humarap na ako sa lahat ay mas lalo akong kinabahan. Maririnig ng napakadaming tao ang saloobin ko. Ngumiti muna ako atsaka nagbow bago nagsalita sa microphone.
"Uh.. Hello po! I am actually nervous right now, hindi ko alam kung paano o saan mag-uumpisa... but seeing you all, listening to me mas gumagaan ang pakiramdam ko. So first, I am very thankful for those persons who never leave me from the very start until now. Yung akala ko ay iniwan ako pero nakasubaybay lang pala sakin mula sa malayo. Thank you. You know how much I love you guys." Tumingin ako sa mga kaibigan ko, kina Bea, at Lucy na nasa mga candidates at kina Jandi, Stephan, Stephanie, Luhan, Anthony, at Maxine na nasa guests. Hindi dito nagpatuloy ng pag-aral si Maxine, matapos ng lahat ng nangyari ay nagpaalam siya sa amin na gusto niya munang tulungan sa business ang daddy niya which is nakakatuwa dahil alam kong magkakaayos na sila ni Tito.
"Madaming pinagdaanan ang grupo naming magkakaibigan, we started as strangers, enemies, na nauwi sa napakagandang samahan. Kapag may problema ay sama sama naming nilulutas, problema ng isa, problema na din ng lahat. Dati... kinwestyon ko siya. Bakit? Bakit kailangang mangyari sakin ang mga pinagdaanan ko non? Bakit ako pa? Bakit hindi na lang yung ibang tao na walang ginawa kundi manghamak ng kapwa nila? But then lately, I realized, God will never give you anything na hindi mo kayang lampasan. May tiwala siya na malalampasan mo ang pagsubok na yon kaya magtiwala ka din sa sarili mo.

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...