ANWC: 30

1K 36 2
                                    

Dad...

Matapos yung dramahan namin ay nag-asaran na lang kami at nanood na ng movie. Minsan naiisip ko, i'm only sixteen, pero ganito na ang nararanasan ko. I fell inlove at the age of fourteen I guess. Jake is one of my childhood friend and childhood crush, until nagkaaminan at naging kami. Nagtagal din kami ng isang taon. And then boom nagbreak kami nung fifteen ako. Magdadalawang taon na rin simula nung mangyari yon. At thankful ako dahil nakamoved on na ako.

I know, ang bata ko pa para sa ganito, but I know my limits. Alam ko kung kailan dapat tumigil.

May ilang papel pa ang nagkalat sa maliit na table dito sa living room, mamaya na namin yon aayusin pagkatapos nitong movie. Pauwi nadin daw sina Maxine at dito na kakain si Stephan pati Anthony, magtetake out na lang daw sila para di na hassle sa pagluluto.

"Anthony, pagkagraduate natin anong kurso ang kukunin mo?" Pag-uumpisa ko ng topic, minsan nacucurious din ako sa mga bagay na gusto niya at gusto niyang gawin,

Saglit siyang nag-isip bago sumagot.

"Civil engineer," napatingin naman ako sa kanya, magaling ba siya magdrawing?

"Hindi ka naman yata marunong magdrawing, diba kailangan magaling ka doon kung gusto mo ang ganong kurso?"

Nanliit ang mata niya atsaka ngumisi.

"Minamaliit mo yata ako Margarette. You know, your boyfriend is not only looks like a model, great basketball player, and kind, but also a great artist."

Minsan talaga gusto ko na lang batukan si Anthony para magising siya. Napakahangin na e, dapat yatang tusukan to ng syringe para mabawasan kahit kaunti lang yung kahanginan. Pinanliitan ko siya ng mata pero tinawanan lang niya ako.

"How about you? What do you want to take?"

Napaisip naman ako don, ano nga ba ang gusto ko?

"Sa totoo lang wala pa talaga. Hindi ko pa kasi alam kung ano yung interest ko."

Natigil kami sa kwentuha ng makadinig kami ng sasakyang huminto sa labas, sila Maxine na siguro 'to.

"Baka sina Maxine na 'to! Buksan ko lang.." tumango naman siya at agad na akong tumayo. Naghuhum pa ako habang papalapit sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko yung sasakyang hindi ganoon kafamiliar, sasakyan ba 'to ni Stephan? Iba talaga pag may pera. Sisigaw na sana ako kaso iba yung lumabas sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko at para akong nagyelo sa pwesto ko. Hindi ako makagalaw, bakit andito sila?

"Dad..."

Dahan dahan silang lumapit sakin, kasama yung step mom ko. As usual, nakataas ang kilay nito at wala namang emosyon si daddy. Namiss ko siya oo. Pero kapag nandito siya wala lang din naman ako sa kanya, hindi niya naman ako nakikita, nasasaktan lang ako.

"Margarette bat--- sir.." agad na yumuko si Anthony para magbigay respeto kina daddy. Napatingin naman si Aunt Violet sa kanya, nakataas pa din ang kilay nito at sinusuri niya ng mabuti si Anthony habang si daddy naman ay nakatingin lang din kay Anthony. Hindi ko alam kung anong iniisip niya dahil wala naman siyang pinapakitang ni katiting man lang na emosyon. Sa tuwing nakikita ko siyang ganito parang mas pinipiga yung puso ko, nagbago lang naman siya simula noong nawala ang kapatid ko. I know, sobrang nagalit siya non dahil kami na nga lang ang meron siya tapos nawala pa yung isa. Ang mas malala ay sinisi nila ako. Hindi ko maintindihan... mahal ko din si Beatrice dahil kapatid ko siya, at alam naman ni daddy yon, alam niya kung gaano ko kamahal ang kapatid ko dahil siya na lang ang nakakasama ko noon. Lagi silang busy ni Auntie kaya kaming dalawa lang ang parating magkasama at magkausap. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon