Hidden pain
Hell week namin ngayon, at ngayon na ang last week nina Anthony dito sa Academy, super busy naming lahat to the point na hindi kami nagkakausap-usap. Pangatlong araw na din to na hindi kami nagkakasama ni Anthony. I mean, yeah tuwing break time naman sabay sabay kami pero puro research papers ang hawak namin.
Mas doble yung pagkabusy nina Anthony dahil inaasikaso pa nila yung report nila pagbalik nila sa St. Peter,
"Okay class. I think you need to finish all of your works so I'll give you my time. Good luck seniors!" Naghiyawan kami nung sinabi yon ni Ma'am Presilda, buti naman at naisipan niyang bigyan kami ng time.
"Guys, tara sa garden? Bilisan nating tapusin to para makapagbonding naman tayo mamaya!" Sabi ni Stephanie,
"Oo nga! Aalis na kami bukas kaya dapat mag-enjoy na tayo ngayon."
"Makasabi ng ganyan Stephan? Parang di na magkikita ah!"
"Syempre di nako magpapakita sa inyo, uutangan ko kayo mamaya e." Sinamaan siya ng tingin nina Lisa pero tumawa lang siya, abnormal talaga.
Lumapit ako kay bessy na tahimik na ginagawa yung mga dapat niyang gawin. Hanggang ngayon ay hindi pa din sila ayos ni Stephan, pero masaya din ako kasi yung lalaking chinicheer niya noon sa kabilang team ay nakakasama niya ngayon. At least may nakakapagpagaan ng loob niya.
"Bessy tara na."
"Sunod ako bessy, dito ko na to tatapusin." Sabi niya ng hindi nakatingin sakin. I know, ayaw niyang sumama samin. Umiiwas siya gaya ng ginagawa niya nitong mga nakaraang araw. I cam't blame her, I know na nafall na siya kay Stephan, ayaw niya lang aminin, ayaw niya lang pag-usapan.
"Bessy--" bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay pinutol niya na ako,
"I know bessy, dito ko na to tatapusin, susunod ako. Sasama ako." Wala na akong nagawa nung sinabi niya yun at nginitian niya ako, isang malungkot na ngiti. Hindi talaga ako sanay na ganito siya kaya napabuntong hininga na lamang ako at tumango.
"Okay, then see you later?" Tumango siya kaya tumalikod na ako at kukunin ko na sana yung gamit ko kaso wala na sila sa pwesto ko. Anthony hays.
Nauna ng lumabas ang mga kasama namin, sumunod na din ako at nakita ko nga sila sa harap ng class room na nag-aasaran, si Anthony naman ay nakasandal sa gilid ng pinto habang bitbit ang mga gamit ko.
"At dahil kinuha mo na yan, ikaw na magbitbit hanggang garden."
"Bewm! Under!"
Inasar siya nina Luhan at Stephan kaya naghabulan silang tatlo hanggang sa garden.
"Paano... paano nagagawa ni Stephan na ngumiti ng ganyan?" Napatingin ako kay Lisa dahil sa sinabi niya, ganoon din yung dalawa,
"I mean... look at Maxine, she really look wreck. She always look sad, halos hindi na din natin siya makausap. But look at Stephan, he always smile, he always laugh, whenever he's with us he looked happy---"
"Don't be blinded by the physical image. Subukan mong tingnan yung mga mata niya, kung totoo nga ba talagang masaya siya. Sometimes being happy in front of people is easier, nobody will think or know that deep inside you're dying because of the fvcking pain." Nakatingin lang sa kawalan si Jandi habang sinasabi yon, bakit ba humuhugot ang isang 'to? "Huwag kayong magpapabulag sa panlabas na anyo, subukan niyong tingnan yung loob, baka may makita kayong sikreto..."
Napakunot na ng tuluyan yung noo ko. What the fvck is that? Anong ibig niyang sabihin?
-
Nandito na kami sa garden at pare-pareho kaming tahimik, sila busy sa mga papel na hawak nila, ganoon din ako ang kaso ay hindi naman sa papel napupunta ang focus ko, hindi na kasi maalis sa isip ko yung sinabi ni Jandi, what the hell was she said? I mean... okay, am I making that a big deal even if it is really not?
Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko na dapat isipin yon.
"What's the problem?" Napatingin ako sa katabi ko, ang gwapo ng unggoy na to. Nakakainis.
"Wala, sumasakit lang yung ulo ko sa mga papers na to."
"Paano hindi sasakit yung ulo mo e nakabaliktad ang mga yan,"
Napatingin ako sa papel na hawak ko at tama nga si Anthony, nakabaliktad ang mga to. Stupid Venice.
"O-oh! Oo nga no? He-he," napailing na kang siya sa reaksyon ko at bumuntong hininga,
"I know, i'm not yet your boyfriend, but i am willing to listen, if you have problems i'm always here, willing to do my best to help and make you feel better." Hindi ko alam kung bakit, pero habang patagal ng patagal na nakakasama ko sila-- siya, parang lalong bumabalik ang dating ako. The weak, the vulnerable one. Bumabalik ako sa dati dahil pakiramdam ko ay may poprotekta nanaman sakin, but I don't want that to happen again, the betrayal, ayoko ng matraydor ng mga mahahalagang tao sakin... kaya sana, sana tama lang ang desisyon kong mapalapit sa kanila.. sana..
Nagpatuloy lang kami sa ginagawa namin, nakasandal na ako ngayon kay Anthony habang tahimik na binabasa yung research paper na ipapasa ko, maya maya ay narinig ko ang tawa ni bessy kaya napabangon ako at agad na napatayo, naaninag ko siya na papunta dito kasama si Steve. Yung lalaking chinicheer niya noon, kita ko yung mga ngiti niyang simula nung prom ay hindi ko na nakita, i'm happy kasi napapangiti ng ganyan ni Steve si bessy.
"Hi guys! Tapos na ako, and this is Steve nga pala..." tiningnan niyan si Steve atsaka ngumiti, "Boy friend niya." Dugtong ni Steve kaya agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ko,
"Excuse me! Asa!" Hinampas naman siya ni bessy, pero tinawanan lang siya ni Steve
"Oo na, stop harrasing me Max, magkakapasa ako sige ka." Binelatan naman siya ni bessy at awkward na tumingin samin, napansin niya siguro yung awkward aura.
"So.. uhm... pwede bang sumama satin si Steve sa lakad...mamaya?" Umpisa ni Maxine sa topic, nagulat ako. Lakad barkada yon, ayoko sanang pumayag but ayoko din namang humindi. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Stephan,
"Why? Is he belong?" Natahimik kami, nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Maxine at ang pagbuntong hininga ng mga kasama namin.
"Yes, he is. He's my friend kaya---"
"He is just your fvcking friend, not ours," he said again emphasizing the words your and ours.
I smell war.
"Kahit na! Kaibigan ko pa din siya! Why so rude!?" Hindi na napigilan ni Maxine at tumayo na siya, hinawakan naman ni Steve yung braso ni Maxine para kalmahin pero sadyang napuno na yata si bessy.
"I'm not rude, i'm just stating a fact. He is not our friend so it means that he's not belong."
"May problema ka ba sakin tol?"
Napakapit ako kay Anthony atsaka siya binulungan, "Anthony... baka magkagulo,"
"Yes. Your fvcking presence is bothering me. So could you bring back your ass in where you fvcking belong?"
Napatili na lang kami ng sa isang iglap ay nagsusuntukan na sila sa harap namin, lumapit si Anthony kay Steve at si Luhan naman kay Stephan, si bessy naman ay sumisigaw na kaya nilapitan ko na siya at hinila sa tabi ko.
"Damn! Stop this fvcking scene!" Sigaw ni bessy at tuluyan na nga silang naawat pero nandun pa din yung tensyon sa dalawa. Mukhang stress na si bessy dahil parehong pumutok ang labi nung dalawa. Ano ba kasing problema ni Stephan?
Sa huli ay si Steve ang nilapitan ni bessy kaya lumapit si Stephanie sa kapatid niya.
I'm not really sure kung sino ang dapat panigan this time. But I know that both of them needs a friend. Hindi ko kukunsintihin si bessy pero kailangan niya ng kaibigan, kailangan niya ako... kami.
"Pwede ba Stephan? If you have a fvcking problem then huwag mo kaming idamay!"
"I'm not. Hindi ko kayo dinadamay at hindi ko kayo gustong madamay. I'm just fvcking hurt right now, sayang lahat ng effort ko sa pag-ngiti. Fvck." And with that stephan left us hanging.
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...