Manliligaw
"Bessy! Pagsabihan mo nga yang manliligaw mo! Punong puno na ng bulaklak tong bahay! Aba, may balak ba yon na patayuan ka ng flower shop!?"
Natawa ako sa sigaw ni bessy mula sa baba, nagmomovie marathon kasi kami at kakatapos pa lang naming kumain ng lunch. Sabado ngayon kaya walang klase. Yung barkada naman hindi ko alam kung san napadpad.
Pagpasok niya sa kwarto ko ay nakasimagot pa din siya, "Akala ko naman yung pinadeliver na nating pagkain yung dumating! Yun pala bulaklak nanaman atsaka chocolates!" Maktol niya at ihinagis sakin yung isang plastic na puno ng chocolates, balak yata talaga ni Anthony na magkaroon ako ng diabetes.
"Ang bitter mo bessy, if I know, kilig na kilig ka sa effort ni Anthony, ayaw mo lang ipakita dahil walang sweetbones yong si Stephan." Sabi ko at tumawa, sinamaan niya naman ako ng tingin.
"E walang hiyang Stephan kasi 'yon! Nagtampo yata noong party. 2 weeks na bessy! 2 weeks niya na akong dinedeadma! Nakakainis na siya ha, ang sarap iumpog sa pader!" Ramdam kong gigil na gigil na talaga siya. Halos mawasak na nga yung unan sa sobrang pagkakalukot niya don.
"Bat mo ba kasi biniro ng ganon bessy, tao din naman yon, mukha lang talagang hindi. Pero syempre, mahal ka non kaya masasaktan talaga yon. Ikaw ba naman sabihan ng pinapaasa lang e."
2 weeks na mula ng matapos yung party, mula ng nagtapat si Anthony, at mula ng nag-away yung dalawa.
Nag-isip saglit si bessy kaya nanood muna ako, inulit naming panoodin yung crazy little thing called love, ang ganda talaga ni p'nam! Nasa kalagitnaan nako ng kilig nung bigla akong hinampas ni Maxine,
"Hoy Maxine! Makahampas!"
"E anong gagawin ko bessy! Hindi ko na alam yung gagawin!"
"Puntahan mo,"
"San ko pupuntahan?"
"Kung nasaan siya, malamang."
"Bat ko pupuntahan?"
"Kasi mahal mo,"
"Ah... oo nga mahal k--- teka! Sinong may sabing mahal ko yung mokong na 'yon!? Hindi naman ah!"
Napailing na lang ako atsaka pinagpatuloy yung panonood, minsan hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan to. Mukhang takas sa mental e.
Maghapong nakatunganga si bessy, ako naman busy lang sa pagtetext, si Anthony kasi, pumipick-up lines. Ang corny. Hahaha!
Anthony 💕: Kung magiging pamasahe ako, gusto ko ikaw ang gas.
Napakunot noo ako nung mabasa ko yung panibagong message niya, mukha ba akong gas?
Ako: Ayusin mo ha. At FYI, hindi ako mukhang gas at lalong hindi amoy gas! 😡
Anthony 💕: Ooops! Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako! ☺😂😘
Aba'y! Sira ulo 'to ah! Magrereply na sana ako kaso nagtext na ulit siya,
Anthony 💕: Alam mo kung bakit? Ikaw kasi ang dahilan kung bakit ako nagmamahal.
Napatanga ako sa banat niya. Noong una nagloading pa sakin hanggang sa nakuha ko din yung gusto niyang sabihin. Ang mais! Hahaha! Hindi pa ako nakakarecover sa gas at pamasahe niya nung magtext siya ulit.
Anthony 💕: Ito pa last na.
Pinigilan ko yung ngiti ko atsaka nagtype ng irereply. Ang galing magpakilig ng mokong. Expert masyado e.
Ako: Siguraduhin mong kikiligin na ako dyan ah, pag yan corny ulit, babatuhin talaga kita ng mais pag nagkita na ulit tayo.
Pagakasend ko non ay biglang tumunog yung ringtone ko. Buti na lang at nakatulala si Maxine, paniguradong bubulyawan nanaman ako non dahil sa pagkabitter niya.
Calling... Anthony 💕
Sinagot ko na kaagad yung tawag, hindi naman ako ganoon kapabebe no.
"O?"
"Gandang bungad naman, don't you know how to greet your suitor?" Ay, demanding.
"Hello my suitor... why did you call?" Pasweet kong sabi, "O ayon, okay na?" He chuckled.
"Ang taray mo talaga, kaya mahal kita e,"
"H'wag mo nga akong binobola."
"Hindi kita binobola, ito naman. Osige na, ito na yung knock knock ko."
"Akala ko ba pick-up line?" Natatawa kong sabi,
"Basta! Game na, knock knock!" Pinipigilan ko na yung pagtawa, sobrang hyper niya kasi.
"Who's there?"
"Mahal mo," nag-isip pako sandali, parang nadinig ko na yung ganitong knock knock, hindi ko lang maalala kung saan. Paniguradong mawawaley to. Hahaha!
"Mahal mo who?"
Saglit na tumahimik ang linya, hininga niya lang yung nadidinig ko, kinakabahan ba siya? Oh my god, si Anthony? Kakabahan? Oh c'mon.
"When I see your face, it's not the thing that I would change, coz girl your amazing, just the way you are..." ang ganda ng boses niya, masarap pakinggan... pero teka, parang may mali, ginagago ba ako nito?
"Ako ba e ginagago mo talaga?" Tanong ko pero tinawanan niya nanaman ako,
"Why?"
"Where the hell was your knock knock their!"
"What?" Ugh! Kainis na ha!
"Asan yung mahal mo don!"
"Hayy, you're seriously asking that Margarette?" Seriously asking pang nalalaman to. Malamang knock knock niya yon!
"Duh Anthony, duh! Hindi ka naman nagjoke e. Nasan nga yung mahal mo?"
Bumuntong hininga ulit siya bago nagsalita, at pagkatapos niyang magsalita ay parang ako naman yung naubusan ng oxygen, "Ito... kausap ko."
-
Kanina pa kami tapos mag-usap ni Anthony pero hindi pa din ako makaget-over sa mga pinagsasabi niya, lalo na doon sa mga pick-up lines at knock knock niya, ano bang ginawa ng unggoy na yun sakin at nababaliw ako!
"Bessy, mas mukha ka ng baliw sakin, you're so creepy na. Ngiti ngiti ka dyan then biglang iiling, hindi ka naman ganyan noong inlove ka kay Jake." Sinamaan ko siya ng tingin, minsan talaga tong best friend ko hindi alam kung paano pigilan ang bibig.
"Ay sorry, hindi ka pa ba moved on bessy?"
"Duh, malapit na bessy, konting push na lang!"
"So you mean... hindi pa nga?" Bigla siyang sumeryoso, teka bat big deal kung hindi pa ako totally nakakamoved on?
"I really don't know, hindi ko pa naman sila ulit nakikita, last lang nung party."
"Nung nakita mo silang magkasama noon, anong nafeel mo?" This time nagkasalubong na yung kilay ko, bat ba tinatanong to ni Maxine? Pero ano nga ba yung naramdaman ko?
"Wala naman, naiinis lang ako sa pagmumukha nila, pero wala namang... uh... pain?"
"Good, moved on ka na. Bitter ka lang talaga." Sabi niya atsaka tumawa. Hayp!
"Bat mo ba natanong?"
"Duh bessy! Malamang, paano na lang si Anthony kung di ka pa pala nakakamoved on kay Jake diba? Ano yon? Papayag kang magpaligaw kahit nasa process ka pa ng moving on? Isip din Venice ha," sabi niya atsaka ako iniwan dito sa sala.
Oo nga no? Bakit ba hindi ko naisip 'yon, pero si Anthony, hindi ba ay mahal niya si Lucy? Is he making me a rebound? At ako? Hindi ko na nga ba talaga mahal si Jake? Ugh! Ang gulo!
Pero... isa lang naman yung sigurado ko e, na importante sakin si Anthony, at hindi ko hahayaang mawala siya sakin.

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Fiksi RemajaSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...