ANWC: 6

1.8K 81 4
                                    

Flashback

Flash Back lvl 0.0000

"Babeeeeeeeeeeee!" Ang cute talaga ni Jake! Hahahaha. Nandito kami ngayon sa bahay nila at nagbebake ako ng cookies for them. Kasama namin sila tita at tito, Jake's parents. And syempre si Lucy, one of my bff! I'm contented with what I have right now. Wala na akong ibang mahihiling pa, I have a loyal boyfriend, sweet best friends, and of course! A loving father. Ay may hihilingin pa pala ako, na sana maging ayos na ang lahat sa amin ni mama.

"Oh babe? Bakit baaaa?" I ask habang hinahalo lahat ng ingredients. Nasa sala silang lahat syempre inaantay 'tong cookies na ihahanda ko. Matagal pa 'tong matatapos eh kakaumpisa ko pa lang kaya!

"Ang tagal mo naman dyaaaan! Dito ka na! Namimiss na kita!" Adik talaga 'tong si Jake, hahaha. Hindi naman ako nahihiya kahit magsisisigaw siya dyan, actually I'm proud pa nga kasi nasisigaw niya yon eh. Bihira lang kaya yung boyfriend na ganyan. Isigaw ba naman yun sa harap ng parents niya at ng best friend ko? Nakarinig ako ng konting tuksuan at nung okay na yung cookies nilagay ko na sa oven at dumiretso sa sala. Wala na pala sila tito at tita san kaya sila nagpunta? Si Lucy at Jake naman magkatabi sa sofa habang nagkukulitan. Ang cute nila! Hahahaha, hindi ako nagseselos no. May tiwala ako sa best friend at boy friend ko!

"Hoy! Aba nakakaselos na ah! Sa harap ko ba naman maglandian? Kung may affair kayo ayos lang naman wag lang kayong papahuli sakin kasi di ko alam anong magagawa ko." Seryosong sabi ko kaya napatigil sila hahahahaha. Natakot? Pinipigilan ko tuloy matawa, yung itsura kasi nila, lumapit ako sa kanila at umupo sa gitna nila tsaka tumawa.

"HAHAHAHAHA, ang seryoso niyo namang dalawa, I'm just kidding! I know naman na di niyo magagawa yun!"

-

Napahikab ako, shems gabi na pala, at nakatulog din pala ako. Nanood kasi kami ng movies habang nilalantakan yung cookies na binake ko. Loko yung dalawang yun iwan bad aw ako dito sa theater room *pout* Teka asan nga ba silang dalawa?

Nag-inat inat muna ako bago ako lumabas nitong kwarto. San ko sila uumpisahang hanapin? T_______T Saan ba kasi sila nagpunta? T3T Kanina pa ako palakad lakad dito sa loob ng bahay at hindi ko sila makita. Hanggang sa napadpad ako sa garden and beng! Andon sila, 'tong dalawang 'to babatukan ko! Pero mukhang seryoso yung pag-uusap nila, ano kaya yun? Lumapit pa ako ng kaunti para marinig ko ang kung ano mang seryosong usapan na yun. Mehehehe. Hindi naman siguro bad 'to eh dibaaaaa?

"Jake, nakokonsensya na ako " Sabi ni lucy, konsensya? May ginawa ba silang krimen? Saan nakokonsensya?

"Ako din naman lucy, hindi ko na alam ng gagawin. Seryoso." Halatang pareho silang naguguluhan. Ano ba kasi yun?

"Sabihin na kaya natin sa kanya? Siguro naman may iba png paraan diba?"

"Natatakot ako lucy, natatakot ako sa pwedeng mangyari."

"Ano ba yung dapat kong malaman?" Lumabas na ako sa pnagtataguan ko. Para kasing kailangan kona yun malaman as soon as possible. Kung ano man yun. Nabigla silang pareho nung nakita nila ako.

"Venice kasi..... Kasi...." Nagdadalawang isip si Lucy kung sasabihin niya ba, ano ba kasi yun! Kabanas ah!! Huhuhu kinakabahan na kaya akoooo!

"Venice kasi----" Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Jake yung kamay ni Lucy atsaka sinabi yung mga katagang di ko inaasahan na maririnig ko mula sa kanya.

"Kami ni Lucy."

"What!? Teka---- What the heck do you think you're doing Jake!?--- Venice t-that---"

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon