ANWC:7

1.8K 67 3
                                    

Mang inasal

(8:00am)

Nag-iisip pa din ako ng pwedeng gawin, ano bang pwedeng gawin? Saan ba pwedeng pumunta? Aba Venice paganahin mo utak mo kung ayaw mong makakita ng taong bumubuga ng apoy! Sakto naming tumunog ang phone ko kaya agad ko yung tiningnan.

SMS from Lisa,

Giiiiirl! Tara mag-shopping! Ang boring dito sa bahay eh. Niyaay ko na din sila Jandiii. Sama ka naaa.

Woooooh! Savior ka talaga Lisa! Agad akong tumingin kay Maxine.

To Lisa,

Okay. Starbucks, 9am.

Si Maxine lang naman kasi nakakaalam ng isa pang side ko. Ng iba pag ugali ko, hirap na kasi ako magtiwala kaya hindi niyo naman ako masisisi kung di pa ako ganon katiwala sa kanila.

"Maxineeee, punta tayong mall! May ipapakilala ako sayo!"

**Mall

Asan na ba sila? Kanina pa kami nandito, mga 20 minutes na siguro kaming naghihintay. Beast mode pa naman 'tong kasama ko baka mamaya eh mainip 'to.

"Hoy babaita. Matagal pa ba yung mga VIP'ng yon?" Iritang tanong niya sa akin. Asan ba kasi mga yon? Wala pa din talagang pinagbago 'tong kaibigan ko. Mainipin pa din.

"Chill Maxine, malapit na sila." I said, hindi ko naman kasi alam kung nasan ba sila. Tatawagan ko na ulit sana si Lisa ng biglang may tumawag sa name ko, and here they are!

"Wow, ang aga niyo ah. Hindi kayo late." Sarkastikong sabi ko.

"Eto kasing mga 'to ang bagal bagal eh. Sabing bilisan namin kasi nag-aantay ka, sabi ba naman nila bayaan ka daw naming maghintay." Inis na sabi ni Stephanie saba'y nguso. Maganda din 'tong si Stephanie isip bata lang talaga.

"Hoy! Anonggg--- Ay may kasama ka pala pres!" Biglang sabi ni Stephan saba'y tingin kay Maxine at ngiti. Hindi uubra charms mo sa best friend ko Stephan. Napailing na lang ako.

"Ipakilala mo naman kami kay miss beautiful, pres!" Psh, playboy as always.

"Maxine, si Jandi, Lisa, Stephanie, Luhan, Mark and Stephan. Mga exchanged students sa MA."

"Oh, sila ba yung mga VIP na hinihintay natin kanina pa?" Taas kilay na tanong ni Maxine habang nakatingin sa kanila. Kanino pa ba ako magmamana ng kamalditahan? Nyahahaha! Natawa naman ako sa itsura nila wahahaha!

"Kami? VIP?" Taas kilay na tanong ni Jandi, uh-oh. Sa kanilang laaht si Jandi yung di ko gaanong close mukha din kasing mataray pati isnabera. Hindi naman niya ako kinakausap at ganun din ako sa kanya. Naging close din nila si Lisa kaya ayon nakakasama ko na din siya. Mabait naman si Lisa infact siya lang yung madalas kong kusap noon pero di kami friends same kasi kaming lonely sa school. Maganda naman siya, famous, halos lahat ng girls gusto siyang maging kaibigan. Siya lang talaga ang umaayaw. Ewan ko ba dyan.

"Oo, KAYO." Taas kilay with matching roll eyes pang sabi ni Maxine. Bago pa man sila mag-away eh nagsalita na ako baka mamaya san pa to mauwi eh.

"Oh, enough. Tara na. Nagpunta tayo dito para ipakilala ko kayo sa isa't-isa and nagpunta tayo dito to watch a movie right? So, anong movie ang papanoorin natin?" Tanong ko at naunang maglakad, sumunod naman din sila.

"I want to watch pitch perfect 2!" Sabi ni Stephanie.

"I want horror movies." Sabi naman ni Stephan. Itong magkapatid na to eh.

"But I want Pitch Perfect!"

"Horror Movies."

"Pitch---"

"Enough, sino bang gustong manuod ng pitch perfect? I prefer horror movies. So let's do the voting." Sabi ni Anthony, hmmm gusto ko panoorin yug dalawa pero mas gusto kong manood ng horror movies pag sa sine.

"Horror." Saba'y sabay naming sabi which made Stephanie frown.

"Sorry lil sis, sa gwapo sila pumapanig. *smirk*"

"Whatever kuya."

Nauna na kaming pumasok sa sinehan kasi bumili pa ng mga pagkain yung tatlong boys. Pumwesto kami sa gitna, ang pangit kaya umupo sa harap pti sa likod ._. Buti na nga lang at nauna kami sa pila. Sabagay ano pa bang aasahan mo kung yung tatlong lalaki ang pumila? Maya-maya dumating na din sila na may dala-dalang tig-iisang plastic bag galling sa supermarket nitong SM. Ang dami naman yata nilang binili? Katabi ko si Maxine sa left samantalang si Lisa naman sa right, then si Stephanie tapos si Luhan tapos si Jandi at Anthony. Katabi naman ni Maxine si Stephan sa left nag-aagawan kasi sila kanina sa dulong upuan kaso sino pa bang mananalo sa away bata? Psh.

"OMG! Magsisimula na yung movieee. Kuyaaaaaaa! Huhuhu." Sigaw ni Stephanie at nagtakip ng mukha, takot pala 'to? Nyahahaha! Kaya pala ibang movie ang gusto niyang panoorin kanina. Hahaha!

"Ano ba Anie! Wag kang maingay! -____-." Ang layo layo ng pagitan nilang dalawa at ang lalakas ng boses nila ._. Akala ba nila nagmomovie marathon lang kami sa isang bahay? Haller sinehan to -___-

"Eh kasi eh!! Kasalanan mo kuya kapag di ako nakatulog mamaya!!"

Huwaaaaaaaaaa! Ayan na! Ayan naaaa! Tumakbo kayo aba! Gusto niyo bang mamatay!? Huhuhu. Syetness overload! Gustong gusto kong nanonood ng ganitong movies pero syempre takot din ako no!

Wala kaming ginawa buong movie kundi sumigaw at maghampasan nagkapalit palit pa kami ng upuan kasi nagtatago kami tuwing may nakakatakot na scene, at para ngang kami na yung pinanood nung mga tao sa sinehan sa sobrang kalikutan at kaingayan namin. Samantalang yung mga lalaki eh natatawa lang tapos minsan pinapagalitan kami kasi nakakahiya na daw. :3 Paglabas namin ng sinehan samin na nakatingin yung ibang tao, di ko nga alam kung inis ba sila o ano eh, at ngayon lang din yata narealize ng mg kasama ko na nakakahiya talaga ang mga pinag-gagagawa namin kanina.

Matapos naming manood ng movie napagdesisyonan naming kumain muna.

"Saan ba tayo kakain?" Tanong ni Stephan, nagugutom na talaga akoooo!

"San niyo ba gusto?" Tanong naman ni Luhan.

"Tara sa Mang Inasaaaaaaal!" Sigaw ni Maxine dahilan para tingnan namin siya, tiningnan ko iya dahil sa lakas ng boses niya at siguradong tiningnan siya ng mga kasama namin dahil sa sinabi niya kung saan kami kakain. Feeling ko hindi kumakain ang mga 'to doon eh.

"What!? No! I will never eat nor go in that kind of place!" Sabi ni Jandi, Nakoooo.

"Edi wag kang sumama, Hoy bessy tara na! Namiss kong kumain doon!*-*" At nauna na ngang maglakad si Maxine. Tiningnan ko muna sila

"Kung hindi kayo kumakain sa ganong kainan ayos lang, magkita na lang tayo ulit mamaya after kumain." Sabi ko atsaka tumlikod.

"Kumakain ako sa mang inasal! Sama akoooo!" Sigaw ni Lisa, napangiti naman ako.

"Me too!" Sabi ni Stephanie sumunod naman din si Luhan at Stephan, hindi yata sasama si Anthony pati Jandi. Oh well.

"Let's go." Sabi ni Anthony wehehehe.

"What!? Mark! Hindi ako pupunta don! Ayoko kumain don! So cheap, eww."

"Okay, Humanap ka ng kakainan mo then text mo na lang kami kapag uuwi ka na."

"Arghhhhhhh!" Akala ko susunod sa amin si Jandi pero inis siyang naglakad papalayo samin. Maldita din pala ang isang yun? Mas maldita pa samin ni Maxine .___.

Pagkadating namin sa mang Inasal nandoon na si Maxine sa malaking mesa at nakaupo. Aba agad nakakuha ng pwesto ah, may mga inorder na din siyang pagkain at ang dami. Wehehehe. Unli Rice? Humanda na ang mag crews dito. Uubusin namin yan! Bwahahaha.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon