ANWC: 26

1.2K 44 4
                                    

Broke into pieces..

Natahimik kami pag-alis ni Stephan. Agad kong tiningnan si bessy at nakatulala na lang siya. Si Steve naman ay nakatingin lang sa kanya.

"Stephanie, kami na." Biglang sabi ni Anthony kaya nalipat sa kanila ang atensyon ko. Tumango si Stephanie na ngayon ay nanlulumo, at lumapit naman sakin si Anthony.

"Stephan need us. Take care of your friend too. I love you," ngumiti ako at tumango. Umalis sila ni Luhan para sundan si stephan, alam kong kahit di nila sabihin ay mahalaga ang bawat isa sa kanila. Sobra.

Maxine Veronica's POV

Nagulat ako sa sinabi niya, he's fvcking hurt? Why? Is it... because of me? Is he jealous? Sa sobrang dami ng iniisip ko ay nakalimutan ko ng nandito nga pala si Steve, may sugat siya sa labi. Sobrang lakas siguro talaga ng suntok ni Stephan, pero pumutok din yung labi ni Stephan, shit.

"U-uh, hey... kailangan magamot ng labi mo. T-tara sa clinic..." ngumiti siya sakin at tinulungan ko siya sa pagtayo,

"Guys, dalhin ko lang siya sa clinic ha? Text ko na lang kayo mamaya." Nginitian ko sila atsaka tumalikod, pero bago pa man kami makahakbang ay nagsalita si Stephanie na siyang ikinaestatwa ko.

"How could you..." unti-unti akong napatingin sa kanya, alam kong nag-aalala lang siya sa kuya niya kaya kahit na gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko ay hindi ko na ginawa.

"Siya pa din ang pipiliin mo? Tatalikuran mo kami... iiwan mo kami?" Agad akong napailing sa sinabi niya, what the hell is she thingking? Hindi ako makapagsalita kakapigil sa luhang kanina pang gustong kumawala mula sa mga mata ko.

"N-no... I---" hindi ko na napigilan at tuluyan na akong humagulgol. Why the hell it fvcking hurts? Ramdam kong napatingin sa akin si Steve pero yung tingin ko ay nakafocus pa din sa mga kaibigan ko, si bessy, nakatingin siya sakin pero hindi ko mabasa ang reaction niya, galit din ba siya sa akin?

Bakit ganon ang iniisip niya? Akala ba nila sobrang dali para sakin ang ganitong set up? Si Stephan ang unang bumitaw pero bakit parang ako pa din ang may mali?

"If you want to leave us, then go. Iniintindi kita ate, kasi alam kong may kasalanan ang kuya ko, ang kambal ko. Pero nasasaktan din siya. I know that he leaved you hanging, kita kong nasaktan ka doon pero it is your fault right? Ikaw ang nagtulak sa kanya palayo." Then it hit me. Oo nga pala, i pushed him away, siguro nga ay napuno na siya sa pagmamaldita ko. But that's me, I mean---if he can't deal with that attitude of mine, i think we better stay like this--as strangers.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, hinayaan ko lang tumulo yung luha kong hindi ko mapigilan,

"Stephanie... I like your brother---oh, i think I love him already, but love is not enough, I mean look, mahal nga namin ang isa't-isa pero hindi naman kami magkasundo, yun bang simpleng bagay lang napapalala pa namin. Hindi pwede ang ganon, we just end up arguing. Siguro we really need to talk, but I guess this day is not the day. Kailangan muna naming magpalamig pareho, at isa pa... hindi lang siya ang nasasaktan at nagseselos dito." I said, hindi na pala ako humihinga habang nagsasalita, wala ni isa sa kanila ang nagsalita, siguro nabigla din sila sa mga sinabi ko. Hindi ko na kaya, i think i need a break...

"I'm so sorry Steve, but I think I can't be with you right now, can you go to the clinic by yourself?" Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit na hirap na hirap na ako. Gusto ko na lang tumakbo paalis dito, gusto kong mag-isa, gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob na ang tagal kong kinimkim. Darn it!

Nung tumango siya ay agad akong tumakbo paalis ng garden, tinawag ako ni Venice but I didn't bother to look back. I'm sorry Ven, pero feeling ko ay hindi ko na talaga kaya..

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon