ANWC: 23

1.2K 56 1
                                        

Ako lang...

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school, kaming dalawa pa lang ni Stephanie dahil may ginagawa pa yung iba. May binigay kasing project sa amin at si Stephanie lang ang naging kagrupo ko.

"Alam mo ba ate, ang laki talaga ng pinagbago ni kuya, ewan ko ba dun. After nung party nung nakaraan lagi na lang siyang wala sa bahay," pagkukwento sakin ni Stephanie, kinikwento niya si Stephan, kung di ako nagkakamali ay may kinalaman yon kay bessy,

"Tapos parang mas naging playboy siya ngayon, iba iba yung babae niya, dati every 2 weeks siya nagpapalit ng babae, pero ngayon every 2 days na lang!" Nakasimangot niyang dagdag, hindi ko alam kung anong irereact ko habang nagkkwento siya e.

"Tapos---- uy! Hi ate Maxinee!" Napatingin ako kay Maxine na nakabusangot, agang beast mode nito ah.

"Napano ka bessy? Bat parang pasan mo mundo?" Tiningnan niya lang ako atsaka umirap, o, anong ginawa ko dito? Nagkatinginan kami ni Stephanie at nagkibit balikat naman siya,

"Oy bessy, napano ka?"

"Wala..." kumunot yung noo ko, mas lalong kumunot yung noo ko ng makita kong papalapit sanin sina Stephan, Luhan, at Anthony. May kaakbay na babae si Stephan. Ito yung babaeng bumangga sakin dati sa hallway ah!

Pagkalapit na pagkalapit nila ay tumayo kaagad ako,

"You looked familiar girl, did we met before?" Taas kilay kong tanong, nagulat naman siya nung makita niya ako. Magulat ka lang, dahil sa susunod na magtagpo ang landas natin, sisiguraduhin kong iiyak ka na.

"Uh... I don't think so?" Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya o ano.

"Hindi na ako makikipagplastikan sayo... Miss Kate V--- ano nga ulit? Tss. Hindi ka naman kasi importante kaya di ko matandaan ng buo yang pangalan mo."

"Bessy, chillax..."

"Margarette, calm down,"

"Pres, bat?"

Hindi ko sila pinansin at tong babaeng nasa harap ko lang ang tinitingnan ko.

"Again, be careful with who you'll messed with, girl." sabi ko atsaka bumalik sa pagkakaupo, hindi naman ako yung madramang magwawalk out, like duh.

Sandaling natahimik ang caf. Oh, so pinapanood na pala nila kami. Attention again. Nakita ko sina Lucy, at yung mga kaibigan niya na dito nakatingin. Umiwas siya ng tingin nung nakita niyang nakatingin ako sa kanila pero sadyang makakapal yung mukha nung mga kaibigan niya at nagbulungan pa talaga. Mga chismosa.

"So... uh.. pres, guys. This is Kate, Kate Vergara. My...." saglit siyang tumigil at tiningnan si bessy. Konti na lang babatukan ko na talaga to. "Syota ko." Dagdag niya. Akala ko my girl ang sasabihin niya. Psh.

Walang nagsalita, sa pagkakaalala ko kasi walang plastic sa grupo namin. Ramdam niya naman sigurong hindi siya welcome. Nahihiya niya kaming binati, tumango lang naman sina Stephanie at Bessy habang hindi ko siya pinansin. Tumabi sakin si Anthony at tumabi naman silang dalawa kay Stephanie. Si Luhan naman tumabi kay bessy.

Tahimik lang kami sa mesa namin habang inaantay sina Jandi at Lisa. Bat ba ang tagal nong dalawang 'yon. Maya maya ay naaninag na namin sila, si Lisa ay nakangiti at si Jandi naman ay seryoso ang mukha. The usual face.

"Anmeron?" Tanong ni Jandi at umupo sa tabi ni Stephan.

Simula nung party naging ayos na yung pakikitungo niya samin. Ewan ko nga anong nakain niyan eh.

"Uy mga fafi, kumpleto tayo maliban doon sa dalawang ugok na nasa school namin!" Biglang sabi ni Stephan kaya natawa kami.

"Ulitin ko, si Kate nga pala, syota ko." Inasar asar lang siya nung dalawang lalaki dahil paulit ulit na daw siya, habang kami, ay wala pa ding reaksyon, maski si Jandi at Lisa ay walang pinakitang ekspresyon kaya mukhang awkward na 'tong haliparot na 'to.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon