Thank you
Ayos na lahat, at ang pagbaba ko na lang ang kulang, kinuha ko ang maletang dala ko at itinapon iyon sa baba. Bermuda ang babagsakan non kaya hindi yon makakalikha ng malakas na tunog.
Nasa ikalawang palapag itong kwarto ko, hindi naman ganoon kataas pero hindi din mababa. Huminga ako ng malalim bago tuluyang sumampa sa bintana. Kailangan kong makababa bago pa tuluyang bumalik sila daddy.
Dahan dahan ang pagpapadausdos ko sa mga telang pinagtagpi tagpi ko, sana lang ay hindi ito maputol o matanggal sa pagkabuhol. Dahil pag nagkataon siguradong lagot ako. Nasa kalahati pa lang ako nung naaninag ko yung sasakyan nina daddy sa di kalayuan kaya kahit na takot ako ay binilasan ko na ang pagdausdos ko sa mga tela at nung tuluyan na akong makababa ay dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at nagtago sa mga halaman. Sana lang ay hindi nila ako makita!
Nakita ko ang pagbukas at sara ng pintuan kasabay ng paglakad ng mabilis ng isang sapatos na alam kong kay daddy, sinundan iyon ni Auntie at ni Maxine. Nung masiguro kong clear na yung daan papalabas ng bahay ay dali dali akong tumakbo papuntang gate. Nagulat ako ng biglang sumigaw ang isa sa mga body guards ni daddy, naagaw non ang atensyon ng mga nasa loob ng bahay kaya nagsilabas sila. Nakita ko si Maxine na halatang nag-aalala na, si daddy na halatang pagod na, at si Auntie na bakas ang saya sa mga mata. Oh well, alam kong gustong gusto niya itong pag-alis ko. Hindi naman ako papayag sa ganon, babalik ako. Kailangan ko lang ng pahinga. Tumalikod na ako at tumakbo kahit na ang hirap dahil sa maletang dala ko.
"Venice! Come back here!" Malakas na sigaw ni daddy, hindi ko alam kung nagising ba ang mga kapitbahay namin dahil don at wala na akong pakialam, ang nasa isip ko lang ngayon ay kung paano sila tatakasan. Pagtingin ko sa likod ay hinahabol nga nila ako, shit! Saan ako pupunta? Tumakbo lang ako hanggang sa makarating ako malapit sa gate, hindi ko akalaing makakaabot ako hanggang dito!
Napatigil ako ng makita ko ang ilang lalaki doon na mukhang body guards din ni daddy, ugh! Paano ko ba to tatakasan!? Bumuntong hininga ako. Mukhang wala akong choice kung hindi ang harapin sila, lalakad na sana ako ng biglang may nagtakip sa bibig ko. Halos lumabas na yung puso ko sa kaba ng hilain niya ako papunta sa isang madilim na iskinita. Nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit yung pagkakatakip niya sakin at ganoon din ang paghawak niya sakin.
Oh my god! Alam kong maganda ako pero ayokong mamatay sa ganitong paraan!
"Relax Ven, it's me Tyler..." tyler? Napatigil ako sa pagpupumiglas at binitawan niya naman ako.
"Oh my god! Tinakot mo ako! Bwisit ka!" Tinawanan lang ako ng mokong. Muntik na kaya akong atakihin sa puso!
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ako nga ang dapat na magtanong sayo, bakit ka tumatakbo at hinahabol ng mga lalaking yon?"
Ah... nakita niya pala 'yon.
"Mga bodyguards 'yon ni daddy, medyo nagpasaway lang ako kaya ayon," sabi ko atsaka tumawa. Hindi ko nga alam kung paanong pagtawa yung ginawa ko. Mukhang hindi siya kumbimsido pero tumango na lang siya.
"So, saan ba ang punta mo at may maleta ka pang dala?"
Saan nga ba ako pupunta? Siguro ay tutuloy muna ako sa kung saan man mura. Basta may matutuluyan, ligtas, at malinis. Di bale na kung maliit mag-isa lang naman akong titira doon at pansamantala lang naman siguro yon.
"Ah... pasabay ha, kailangan kong takasan yung mga mokong na humahabol sakin. Sabihin mo kapatid mo ako or kamag-anak basta dapat hindi nila ako makilala."
Napakunot ang noo niya kaya napabuntong hininga ako. Wala na talaga akong ibang maisip na paraan kung hindi ito lang.
"Huwag ka ng tumanggi! Basta dapat ay hindi nila ako makilala, yang mga nasa gate na yan, body guards din nina daddy kaya please, ililibre kita ng pagkain mamaya pag nakalabas na tayo! Basta hindi masyadong mahal ha! Kailangan ko ng pera ngayon."
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...