Beatrice
Patuloy lang ako sa paghikbi at patuloy lang din si Anthony sa pagpapatahan sa akin. Sitting beside him calm me, and having him makes me feel safe.
"Cry, just cry to ease the pain.." he whispered softly,
Magsasalita na sana ako kaso nahihirapan ako dahil sa sobrang pag-iyak
"Shh. Nahihirapan kang magsalita. Don't talk. Save that for later, I'll listen."
Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na din ako. I gave Anthony a small smile bago hinarap ulit silang lahat. I want to say thank you to him pero mas ayos siguro kung mamaya ko na lang yon sasabihin.
Kaya ko pa ba? Kaya ko pa bang marinig ang mga sasabihin nila? Kailangan. Kaya kahit hindi ay dapat kong kayanin.
When Maxine explained their side ay wala na akong ibang maramdaman, gustuhin ko man siyang ngitian para sabihing ayos lang ang lahat ay hindi ko magawa. Parang naulit lang yung nangyari sa akin noon, the betrayal, but this time it's different. Hindi iyon ganoon kalaking kasalanan pero pakiramdam ko ay mas nasaktan ako ng sobra. Siguro ay dahil nasaktan na ako ng isang beses, mas dumoble ang sakit ngayon dahil pakiramdam ko ang tanga tanga ko. Nangyari na yun sakin noon pero bakit hinayaan kong mangyari pa ulit yun ngayon.
All of them looked worried. Even my father..
"I'm ready to listen again. Don't worry to much about me." I said. Anthony held my hand. Siguro ay nakita niya ang panginginig ko. Wala akong sinasabi pero alam niya agad kung ano ang kailangan ko. God, what did I do to him? What did I do for him to love me like this?
Tumikhim si Jandi kaya nalipat sa kanya ang atensyon ko.
"Hindi ko na papaikutin pa ang usapan, kahit naman anong gawin ko ay masasaktan at masasaktan ka sa sasabihin ko." For the record, that made me smile. She's really harsh. At sa puntong yon alam kong hindi nila ginustong umabot ang lahat sa ganito. Hindi nila ako pinagtaksilan. Ginawa nila ang dapat gawin para sa ikabubuti ko. Lahat sila, lahat ng taong nandito sa loob ng office ngayon. Lahat sila ay mahal ako.
"Oh my god ate Ven, you... you smile... you smiled!" Tuluyan na akong natawa sa itsura ni Stephanie. Tila natigilan naman ang mga kasama namin pero si Anthony at daddy ay nakangiti lang. I know. Ano man ang malaman ko ngayon, ano man ang maging reaksyon ko, hindi sila aalis sa tabi ko.
"I... I'm happy because you're laughing right now. Kahit na sobrang dami mong pinagdaanan at pinagdadaanan ay nagagawa mo pa ding tumawa.." Tiningnan ko si Maxine atsaka siya binigyan ng ngiti na hindi ko maibigay sa kanya kanina. "It's because of you. All of you are making me happy. I know that it's not your intention to hurt me. Biktima lang kayo ng kademonyohan ng kung sino man yon." Nakaramdam ako ng galit. Galit sa taong gumagawa nito sa akin. Ano ba ang kasalanang nagawa ko para gawin niya ito?
"You really look like your mother. Nakuha mo na nga sakanya ang itsura mo, pati rin ang ugali. Ano kaya ang namana mo sa akin?" Napangiti ako sa sinabi ni daddy. Ganito kami noong kasama pa namin si Beatrice.. kung nasaan man siya, sana... sana ay ayos lang siya..
"Daddy... I'm sorry... about what happened to Bea---" naputol ang mga sasabihin ko at nanigas ako sa sinabi ni daddy..
"It's okay. In fact, your sister is safe. She's okay..."
My sister... Bea... she's alive and okay! Oh my god!
"Really dad? Where is she? Is she mad at me? Oh my god! Daddy I want to see her! I want to see my sister!" Hindi na ako mapakali. I really wanted to see her. Ilang taon ang nawala sa amin. Ilang taon ko siyang hindi nakasama. Ilang taon akong nangulila sa kapatid...

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...