Knowing each other
Hindi pa din ako tumitigil sa paghikbi. Kailan ba ako mauubusan ng luha? Hindi na nga ako ngumangawa pero patuloy pa din ang paglabas ng mga tubig sa mata ko.
Kahit nahihirapan na ako sa pagtayo dahil sa panghihina ay tumayo pa din ako para makapunta sa kama. Gusto ko munang magpahinga...
Natigil ako sa pagluha ng nagclick ang pinto at ibinuga non si Anthony, may hawak siyang susi at nakatingin sa akin. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman niya pero alam kong nasasaktan siya. Nasasaktan siyang nagkakaganito ako...
Lumapit siya sa akin at niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik at umiyak sa kanya.
"Shh... it's going to be okay. Calm down, Marg, calm down..."
Unti unting gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa presensya ni Anthony. Pakirdam ko habang nandito siya ay safe ako. Safe sa kahit na ano, safe sa kahit na sino.
-
Nandito pa din kami sa kwarto kung saan ako natulog kagabi. Tahimik lamg kaming pareho at tumigil na din ako sa paghikbi. Masakit ang mga mata ko at alam kong namumula at namamaga ito ngayon dahil sa sobrang pag-iyak ko.
"I know that you're still not okay so i'm not going to ask you that question. But I want to say that I will do anything jus to make everything fine. Just please, please don't leave like that. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin kagabi... maski ang bestfriend mo ay hindi alam kung nasaan ka kaya nataranta ako ng sobra.."
Hinaplos ni Anthony ang buhok ko at hinalikan ang noo ko, napabuntong hininga ako. Kaya siguro siya nagalit dahil doon.
"Hindi ka man lang nagpaalam sa akin tapos maaabutan ko kayo ni Tyler na nagtatawanan sa harap ng 711. Pakiramdam ko non balewala ako---"
"Ano ka ba naman Anthony! Hindi ka balewala pwede ba? Ang drama mo talaga! Nakalimutan mo na bang ikaw ang boyfriend ko? Nakalimutan mo na bang ikaw ang mahal ko? At kung nagseselos ka man kay Tyler, hay nako. Kay Stephanie lang yon at isa pa, barkada mo yon!" Mahabang litanya ko. Napailing na lang siya at mukhang nagpipigil ng ngisi. Gusto lang yata nitong marinig kung gaano ko siya kamahal e.
Nagtalo pa kaming dalawa ngunit pabiro lang. Inasar asar ko siya at ganoon din siya sakin. Mukha na nga kaming bata dahil sa ginagawa namin.
"Sus! Ikaw nga mukhang mananapak na nung nakita mo kami ni Tyler!" Asar ko atsaka humagalpak. Napasimangot naman siya kaya mas lalo akong tumawa.
"Sino ba dito yung nanigas nung nakita ko, yung tipong para siyang nakakita ng multo. Epic!" At siya naman ngayon ang humagalpak, nginiwian at sinamaan ko siya ng tingin,
"Magluto ka na nga lang ng tanghalian doon! Dahil girlfriend mo ako, dapat ay prinsesa ako dito." Sabi ko atsaka siya tinulak tulak palabas ng kwarto habang siya naman ay tawa pa din ng tawa.
"Pikon," bulong niya bago ko tuluyang isara ang pinto.
Paglabas niya ay napangiti na lang ako. Abnormal talaga. Inayos ko muna ang higaan bago dumiretso sa banyo para maligo. Pagkabukas ko ng shower ay dinamdam ko ang lamig ng tubig na umagos mula mukha hanggang katawan ko. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig. Kung nasa bahay lang ako malamang ay mas gugustuhin kong magstay maghapon sa banyo kaysa makita ang asawa ni daddy.
Makalipas ang higit sa dalawang oras ay lumabas na ako ng banyo atsaka nagbihis. Nakasuot ako ng shorts na above the knee, hindi ganoon kahaba at hindi din ganoon kaiksi atsaka nagsuot ng puting t-shirt. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para matulungan si Anthony. Gaya kanina, naabutan ko siyang nakasuot ng apron at nakaharap sa kalan.
BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...