Si Anthony kasi...
Nandito kami ngayon sa isang mall kung saan magshoshopping ng bongga! Sobrang lapad ng ngiti namin habang naglalakad, weeee. Dalawang araw na mula nung ganapin yung contest at sobrang saya ko nung kami yung nag-uwi ng title, akala ko magiging bitter yung dalawa pero kinongratulate pa nila kami ng nakangiti. If I know masakit yun sa kanila. Tss. Sila Maxine naman napatakbo sa stage atsaka ako niyakap samantalang kinotongan naman nila Luhan si Anthony kaya ayon sumama ang tingin ni Anthony. Nagpicture picture pa non kami tapos may mga audience din na nagpapicture samin, feeling artista pa kami that time.
"Waaaaah! Sabi sayo bessy kayo ang mananalo! O diba? Worth it ang paghihirap niyo! May pang shopping tayo ngayon! OMG!!!" tili nitong si Maxine at hinampas hampas pa ako sa braso kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ang babaeng 'to.
"Waaaaaaah! Ate Venice yung sa role play! ANg galling galling niyo doon lalo na yung suntukan at iyak effects! Bongga!" natawa naman ako doon, kung alam mo lang stephanie. Totoo talaga yon, maliban sa suntukan chenabells.
"Ay nako, tara na nga at excited na akong pumili ng mga damit!" Sabi ni Lisa kaya nagtungo na kami sa isnag store. Binigyan nila kami ng isang credit card at uubusin ang laman non. Yung laman nung card is yung price ng napanalunan namin.
Maghapon lang kaming nag-shopping, bili dito bili doon. Pero syempre hindi lang damit at gamit ang binili namin, bumili din kami ng madaming pagkain. Abaaa, syempre dapat naming lubusin 'to.
"Hey Mark! Mukhang bagay 'to sayo oh!" Nakangiting sabi ni Jandi atsaka may tinapat na damit kay Anthony, hindi naman ah, mas bagay kaya sa kanya itong hawak ko.
"Anthony, ito ba? Mukha kasing bagay sa 'yo." Nakangiti kong sabi,tinaasan naman ako ng kilay ni Jandi kaya tinaasan ko din siya ng kilay, totoo naman ah. Ang pangit ng kinuha niyang damit mas maganda yung sinusuggest ko.
Nagtatakang napatingin naman samin si Anthony, tapos kumunot yung noo niya tapos unti-unti siyang ngumiti bago kinuha yung hawak ko. Problema ng isang 'to? Napatingin naman ako kay Jandi nung padabog siyang umalis. Anyare don? Bahala nga siya, madapa sana siya. Ewan ko kung mabait lang talaga sa akin yung tadhana ngayon at nadapa nga talaga siya, nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin sa kanya na nakasubsob ngayon sa tiles. Bwahahahaha! Tarantang lumapit naman sa kanya si Anthony,
"Hey, you alright?"
"Damn it!" Inis niyang sigaw at lumabas ng shop. At nung tuluyan na siyang makaalis pakamot-kamot sa ulo si Anthony habang pabalik banda sa pwesto ko kaya hindi ko na napigilang mapahagalpak sa tawa.
"Hoy margarette, don't tell me nababaliw ka na dyan at bigla ka na lang tumatawa." Nakakunot noong tanong ni Anthony, dapat naiinis ako pero mas feel kong tumawa kaya mas lalo akong humagalpak sa tawa.
"Hoy babae! Tumahimik ka nga nakakahiya na, nakatingin na sila sa atin." Masamang tingin ang binigay sa akin ni Anthony at iritang binulong sa akin ang mga salitang yon.
"HAHAHAHAHA pffy... Okay.. woooh!" Pilit kong kinopose yung sarili ko kasi nagf-flashback talaga yung scene kanina mula sa paghalik ni Jandi sa tiles at sa pagkamot ni Anthony sa ulo niya na parang walang idea sa nangyari. HAHAAHAHAHA! Nung mahinto na ako sa pagtawa tinulak ko na si Anthony papasok sa fitting room at namili pa ng ibang damit. Ako na ang mamimili para sa mokong kasi mukhang wala siyang balak bumili.
"Hoy Margarette, Bagay ba?" Napatingin naman ako kay Anthony na inayos pa yung damit na binigay ko, hmmm sabi na bagay sa kanya yan eh.
"Pwede na, ito naman isukat mo." Sabi ko at irita naman siyang bumalik ulit sa fitting room. Bumagay naman sa kanya lahat kaya ayon kinuha na namin, matapos naming magshopping eh naisipan naming kumain muna. Gutom na gutom na din ako, hello! 1:00pm na din kaya! At ilang oras din kaming palakad lakad at paikot ikot dito sa mall.
Kumain kami doon sa isang Japanese mini resto na nakita namin, gusto ko sana mag jollibee kaso andaming tao kaya dito ang bagsak namin, umorder yung tatlong lalaki samantalang nagseselfie naman kami at kasama na namin si jandi.
"Hey, Jandi.. bakit ba ang init ng ulo mo sa amin ni Maxine?" Tanong ko, uh napaka straight to the point ko ba?
"Kasi ayoko sa inyo." Sabi niya atsaka itinuon na yung atensyon niya sa cell phone niya.
"Hayaan niyo na 'yan si Jandi ate Venice, lagi lang talagang meron." Sabi ni Stephanie habang nakangiti at tatawa tawa pa kaya sinamaan siya ng tingin ni Jandi. Maldita talaga, makasabi ako ng maldita akala mo ako eh hindi.
"Grabe ha! Ang tagal ninyo nakipaglandian pa siguro kayo doon." Inis na sabi ni Maxine atsaka na kinuha yung pagkaing hawak nila.
"Ang sungit mo talaga, hindi kami nakipaglandian, alam mo naming ikaw lang eh." Sabi ni Stephanie at tsaka pa tinaas baba ang kilay niya, ang lalaking 'to napakalandi. Nakatikim tuloy siya ng batok kay bessy.
"Ang kapal ng apog mo ha! Tigil-tigilan mo ako panpan at baka magkapasa ka na ng tuluyan sa mukha. -___-" Inasar naman ng mga 'to si Stephan. At wow, panpan? Kelan pa nagkaroon ng nick name na panpan 'tong si Stephan? Mukhang tanga eh.
"Wala pa nga, basted na. Poor guy." Iling iling na sabi ko, at tiningnan niya ako ng masama kaya tinaasan ko siya ng kilay, abaaaa!
Natapos kaming kumain na sobrang ingay sa mesa namin, nakakahiya pero masaya naman kahit paano, ang ingay kasi ng mga kasama ko, pati kung ano-anong kalokohan ang pinaggagagawa. Pagkatapos naming kumain ay naglibot ulit kami sa mall, tumingin tingin ulit sa iba't-ibang shops, at bumili ng mga pagkain. Kelan ba ako huling nakaranas ng ganito? Oh, well. Wala naman akong pakialam sa ganito, okay na ako na si bessy lang ang kasama. Mabubuhay ako kahit mag-isa lang ako, kaya kong mabuhay ng walang kaibigan. Duh, hindi kagaya dati na halos lahat ng school mates ko kaibigan ko.
-
Weeks had passed, literature namin ngayon at sobrang daldal nitong katabi ko. Kesyo bakit daw ang gwapo niya, bakit daw ang panget ko. Diba!? Nang-iinsulto na ang isang 'to eh! Tanda ko noong una napaka cold ng aura niya tapos serious pa, akala ko talaga isa siya sa mga guy na nababasa ko sa mga stories na paborito ko. Pero pang front act niya lang pala 'yon, eh kasi ngayong mas tumatagal ko silang nakakasama nalalaman ko yung talagang ugali nila. Nailing pa ako kasi sabi niya ayaw niyang may kumakausap sa kanya so back off daw, pero ngayon makalapit samin akala mo sino eh.
"Hahahaha! Ang pangit mo talaga margarette, ewan ko ba bakit natitiisan kon tingnan yang mukha mo." Napatingin ako sa kanya at inis siyang sinapak. Walangyang 'to namemersonal na talaga eh. FYI, sa ganda kong 'to? Bulag ba siya?
"Aray! Ba't ba bigla kang nananapak!" Inis niya akong tiningnan habang hinihimas yung bandang pisngi niya na sinapak ko. Kasalanan ko pa ha?
"Sino bang bwisit na kanina pa daldal ng daladal at namemersonal dyan ha?"
"kasalanan ko bang matamaan ka sa sinasabi kong pangit ka! Sabagay, pangit ka naman talaga." Sabi niya habang tumatango-tango pa. Ugh! This guy is really getting into my nerves! Kinuha ko yung notebook ko at binato sa kanya. Tumama naman iyon sa braso niya,
"Ikaw ha! Sumosobra ka na! Child abuse ka!" Inirapan ko naman siya at hindi na pinansin, napakalaking epal talaga ng damuhong 'to. Tumingin na lang ako sa nagdidiscuss na teacher namin, baka mamaya eh mapalabas na kami sa sobrang ingay at gulo nitong si Anthony, sarap talagang bigwasan. Akala ko tatahimik na siya kaso kinalbit niya nanaman ako, huminahon ka Venice, wag mo lang siyang pansinin calm down...
"ANTHONY! PWEDE BA TUMAHIMIK KA NA AT MAKINIG KAY MA'AM!" hindi na ako nakapagtigil at tuluyan na akong tumayo at sinigawan siya habang pinaghahampas. Napatigil nman ako ng bahagya siyang ngumuso sa harap at nakita ko yung teacher namin sa literature na nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin ng masama.
"Hehehe, ma'am si Anthony kasi... uhm sige ma'am makikinig na daw siya." Umupo agad ako sa upuan ko at mabuti na lang dahil nagpatuloy na si Ma'am sa discussion, nakita ko naman yung ngisi ni Anthony. Ugh! This guyyyy!
--------
Edited: 3/25/16

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...