ANWC: 19

1.4K 46 6
                                    

Escort

Nag-aayos na kami nina bessy para sa night mamaya. Hindi ko alam kung ano ang mafefeel ko, kung maeexcite ba ako o kakabahan para sa magiging out come ng pinaghirapan namin. Sina Luhan ay hindi dito nag-ayos, gusto daw nilang surprise ang maging looks nila. Mga loko e.

"Stephanie, patulong nga, pazipper nung likod." Sabi ni Jandi, dumating dito si Jandi kagabi after naming mag truth or dare. Nagulat pa nga ako e.

Tinulungan naman siya ni Stephanie, wala akong galit sa kanya, hindi ko lang talaga maintindihan yung ugali niya, atsaka parang may galit siya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako atsaka naglagay ng kaunting blush on sa pisngi ko.

Kanya-kanyang make up kami ngayon, hindi na kami kumuha ng make up artist kasi dagdag gastusin pa 'yon, isa pa kaya naman naming mag make up. Hindi ko din kasi trip yung make up nung iilang make up artist e.

Maya maya ay natapos din kami, ang cucute naming tingnan dahil pare-pareho kami ng suot!

"Guys, picture tayo!" Biglang sabi ni Stephanie, nag-agree naman kami at nagdikit dikit para makapagpicture. Buti naman at hindi naging KJ si Jandi.

Unang pose namin ay nakangiti, ang pangalawa naman ay pare-pareho kaming naka fierce at ang pangatlo ay wacky.

"Ang gaganda natin! Bwahaha." Sabi ni bessy na agad kong sinuportahan,

"Oo nga! Paniguradong maglalaway ang boys pagdating nila mamaya." Nagtawanan naman kami,

"Hindi lang sila ang maglalaway, baka pati ang mga outsiders na pupunta ay maglaway sa atin." Gatong pa ni Jandi na mas nagpahagalpak samin.

Ayos din naman pala 'tong si Jandi, minsan lang talaga ay inaatake ng pagkamaldita.

"Tara na sa baba guys, doon na lang natin sila hintayin, mukhang todo talaga ang pag-aayos ng mga yon para magpa-impress e." Yaya ni Lisa. Tumango naman kami habang tumatawang nagpunta sa baba. Doon na lang siguro namin sila hihintayin sa sala.

Ala sais pa naman ang umpisa ng event at alas kwatro y medya pa lang naman, mabilis naman sigurong magmaneho ang mga 'yon para makarating kami kaagad sa Academy. Kailangan kasi na maaga kami doon dahil ihahanda pa namin ang mga susuotin na sapatos ng mga estudyante. At ichecheck ko pa kung maayos na ba ang lahat.

4:50 na sila dumating, pagkalabas namin ng bahay ay agad na umalingasaw ang matapang nilang pabango.

"Pinanligo niyo ba ang mga pabango niyo? Abay, ang tapang ha!" Sabi ni bessy, Van ang sasakyang dala nila ngayon, hindi ko alam kung anong klaseng Van dahil hindi ko naman hilig ang mga sasakyan. Mabuti naman at hindi nila naisipang mag dala ng bigbike. Baka matadyakan ko sila isa-isa kung sakali.

Agad na kaming pumwesto sa loob, may driver silang dala, sa harapan din nakaupo si Anthony, sa pang-unang upuan naman kami nina Stephanie at Bessy umupo. Sa likod namin ay si Lisa, Luhan, at Jandi at sa pinakalikod sina Tyler, yung isa pang lalaki na inimbitahan ni Jandi at Stephan. Si Tyler ang inimbitahan ni Stephanie, silang dalawa nga lang yata ni Jandi ang may inimbitahan sa amin e.

Habang nasa byahe ay walang ginawa ang mga babae kung hindi ang mag-ayos samantalang puro kalokohan naman ang mga pinagsasabi ng mga kasama naming lalaki. Ang mga mokong na to, wala talagang magawang matino!

"Paramihan tayo ng mabingwit na chixx mamaya mga fafs!" Hamon ni Stephan. Na agad namang sinang-ayunan ng iba. Napakunot naman ang noo ka nung tuwang tuwa ding sumang ayon si Anthony. Tawa ka dyan!

"Umatras ka na gago! Panigurado namang ikaw ang kulelat mamaya." Tawa ni Lex, yung lalaking inimbitahan ni Jandi na tropa din daw pala nina Tyler.

"Ulul!"

Napailing na lang ako sa kaingayan nila. At napataas na lang din ang kilay ko dahil mukhang excited pa sila!

"Maghahanap ka ng chixx mamaya, Stephan?" Taas kilay na sabi ni Bessy. Natawa naman kami ng nanahimik siya at agad na umiling.

Buong byaheng tinatarayan at binabara ni bessy si Stephan, hindi ko tuloy alam kung maaawa ba ako sa kanya o matatawa.

"Ang aaga naman ng mga estudyante dito." Sabi ni Luhan, napatingin ako sa labas at madami na ngang estudyante ang nagkalat, may ilang nakatambay pa sa may 711 kasama ang mga date yata nila, may ilang papasok na ng school.

"Oo nga. Kung sa school 'to, malamang gabi na dadating ang mga estudyante." Dagdag pa ni Stephanie.

"Hindi kasi pwedeng malate ang mga students dito. Nakasanayan na namin yon, na dapat on time o di kaya ay maaga." Paliwanag ko.

"Oo nga. Tsaka pag late kasi ay maapektuhan ang grades namin, kahit pa event lang to at walang kinalaman sa Acads." Dagdag ni Lisa.

"Lipat na kayo ng school. Sa school namin walang bawal." Sabi ni Jandi, napatigil naman kami sa suggestion niya, niyaya ba talaga kami nito? Nung mapansin niyang natahimik kami at tumingin sa kanya ay kumunot ang noo niya.

"What? Nagsusuggest lang! Kung ayaw niyo, di wag!"

"Himala lang kasi Jandi! Akala ko ba mainit ang dugo mo sa kanila?"

"Paki mo ba Anthony? Tigilan niyo nga ako!" Inasar pa siya ng mga lalaki hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa school. Palihim naman akong napangiti dahil sa inaasta niya,

Isa kasi sa itinuturo sa amin ang pagdating sa tamang oras. Ang Akademyang pinapasukan ko ay nagtuturo ng puro kagandahang asal. Yun bang lahat dapat ay maayos. Kailangan perfect.

Kaya siguro dito din ako pinag-aral ni daddy dahil gusto niya maging perfect ako. Ayaw niyang mapahiya sa mga katrabaho niya, hindi naman pwedeng successful siya tapos yung anak niya lampa o kaya ay mangmang.

Pagkapark na pagkapark ng sasakyan ay isa-isa na kaming lumabas. Naunang lumabas si Anthony at pinagbuksan kami ng pinto, tinulungan niya pa kaming bumaba.

"Naks gentleman!" Pang-aasar ko. Umiling lang siya at tumawa. Aba! Mukhang good mood ah. Good mood yata kasi madaming babae ang nagkalat.

At mukhang nagpapagood shot lang para sa kalokohan nila mamaya. Sus.

Nung makababa na kaming lahat ay sabay sabay na kaming naglakad papasok ng Academy, nauuna kaming mga babae at nakasunod naman sa likod yung mga lalaki.

Halos mabali na nga din ang leeg ng mga estudyante at outsiders sa kakatingin sa amin. Hindi naman kasi maitatangging good looking kaming lahat. Magaganda kami, gwapo sila. San ka pa diba?

Nung tuluyan na kaming makapasok ay agad ng tumabi si Stephan kay bessy kaya napahiwalay siya sakin. Ang mokong na yon! Napatingin ako sa pwesto ni Stephanie at Lisa. Lalapitan ko sana kaso nilapitan din ni Tyler at Luhan. Wala akong choice kundi si Jandi ang lapitan. Hindi naman siguro ako tatarayan nito ano?

"O, bat ka tumatabi sakin?" Bungad niya kaagad nung lumapit ako.

"Odi wag. Bahala kang maging loner dyan!"

Tinalikuran ko siya at nauna ng maglakad papasok. Letse.

"Ay tangina." Mahinang bulong ko, walang hiyang Jandi. Binangga ba naman ako! Nauna na din silang pumasok, kasama niya na si Lex, edi sila na ang may date. Mga walang puso. Matapos kong patulugin sa bahay, aba!

Inayos ko yung damit ko atsaka tumayo ulit ng maayos, papasok na sana ako ng taas noo kahit mag-isa kaso biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.

"I'll be your escort tonight.... miss pres."

Hinawakan niya yung bewang ko at inilagay niya yung kanang kamay ko sa braso niya. Syet!

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon