ANWC: 27

1.2K 40 1
                                    

Sorry

"O, inumin mo muna." Inabutan ko si Maxine ng kape. Nandito kami ngayon sa living room. Medyo kumalma na din siya at nawala yung kaunting epekto ng alcohol sa kanya. Nasabihan ko na din sina Stephanie na nakita ko na si Maxine, gusto pa nilang pumunta dito pero pinigilan ko. Gabi na at magagamabala pa mga yon. Nung una'y ayaw nila papigil pero sa huli ay wala din silang nagawa.

Inantay kong mailapag niya yung tasa ng kape niya bago ko siya binatukan, mahirap na baka mabasag yon. Sayang.

"Aray! Ano ba't nambabatok ka!?" Inis niyang sigaw sakin. Nagising na yata diwa nito.

"Binatukan lang kita sakaling tumino na ulit yang pag-iisip mo."

Napabuntong hininga naman siya bago magsalita.

"Aanhin ko ang matinong pag-iisip kung yung puso ko wasak pa rin?" Kaagad na nanlaki yung mga mata ko. Si Maxine? Humugot? Totoo ba to?

"Bessy. Ulitin mo nga, kukuhanan ko ng video. Dali! Magvaviral-- aray naman!

"Ikaw talaga ang dapat na batukan para tumino kanaman kahit minsan."

"Aray ha. Minsan pigilan mo mga sinasabi mo, nasasaktan ako o!"

"Edi wao." Anakngtinapa?

Maghunos dili ka Venice, kailangan ng kaibigan mo ng masasandalan, broken siya kaya ganyan. Intindihin mo na lang. Inhale... exhale...

"Munggago ka." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Akmang pauulanan ko na sana siya ng mura kaso ay nagsalita ang baliw.

"Dejk. Wag ka ng magsalita, magising pa mga kapit-bahay makakaperwisyo ka pa. Lakas pa naman ng boses mo,"

"Wow ha? Nakakahiya naman daw sayo," inirapan ko siya at natahimik naman kami. Hindi awkward pero hindi din comfortable. Naririnig ko kasi ang paghikbi niya, I'm her bestfriend that is why I'm affected too.

"Bakit ganon? Tangina... bakit mas masakit to? Ang sakit sakit. This is insane... bakit ba ako nagkakaganito? Ah... kasi nga mahal ko siya.." niyakap ko na lang si bessy at hinayaan siyang umiyak ng umiyak.

Ganito siguro talaga kapag mahal mo na yung isang tao. Na kahit sandaling oras lang kayong nagkasama, mas masakit ang mararamdaman mo, mahal mo e.

"Bessy bat ganon? Si ex, higit apat na taon ko ng kilala at nagtagal din kami ng 9 months pero bakit mas masakit to? Ilang buwan ko pa lang namang nakilala si Stephan... pero bakit pakiramdam ko mawawasak ako kapag nawala siya?" Pinunasan niya yung luha niya at sumandal sa sofa, "Dahil ba mga bata pa kami noon? Immature? Bata pa din naman ako ngayon.. pero bakit?" Nginitian ko siya, ngayon yung time na kailangan namin ng seryosong usapan.

"Siguro... yun yung tinatawag nilang true love? I mean.. parang mas malalim na pagmamahal, hindi naman kasi basehan sa pag-ibig yung tagal e. Anong magagawa natin kung kahit sa sandaling panahon lang ay minahal mo na siya ng sobra, diba? Hindi din naman siguro basehan ang taon. Ano naman kung bata ka pa? Pero dapat alam mong limitahan. Normal na sa mga kasing edad natin ang mafall pero alam naman natin kung hanggang saan lang dapat tayo. Makakapaghintay ang ibang bagay, isa pa. Walang kasiguraduhan kung yung mga may gusto satin ngayon, sila pa din yung makakasama natin in the future...

magulo ang buhay pag-ibig, kaya pag pumasok ka dito dapat handa ka. Isipin mo na lang na pagsubok lang yan. Madami pa tayong ibang pwedeng pagkaabalahan maliban sa love. Gaya ng pag-aaral." Napaisip naman siya saglit, maski ako napaisip, in love nga ako kay Anthony tapos yung mga pinag-aadvise ko ganon? Pero tama naman ako. Hindi ko lang talaga na aapply sakin. "Pero pwede din namang pagsabayin yung love at school. Hehehe. Basta know your limits." At dahil don ay nagtawanan na kami. Madami pa kaming napag-usapan, nilabas niya din yung galit at tampo niya kay Stephan. Pagkatapos naming mag-kwentuhan ay nag-movie marathon kami, feeling ko magtatampo sina Stephanie nito.
"Bessy! Selfie!"

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon