ANWC: 8

1.7K 74 0
                                    

Arcade

"Woooh! Nabusog ako dun ah." Sabi ni Stephan, andami ba naman nilang nakain, ._.

"Ang sarap pala ng pagkain nila dito! Balik ulit tayo dito next time! *O*" Sabi ni Lisa.

"Oo ngaaaa! Dadalhin ko nga dito yung school mates ko next time hohoho!" Sabi naman ni Stephanie.

"Kita niyo kanina kung makatingin kayo sa akin nung sinabi kong dito ko gustog kumain eh parang ayaw niyong sumunod, tapos kayo pa yata yung may pinakamaraming nakain eh." Natatawan sabi naman ni Maxine, nyahaha! Oo nga nakailang rice din sila at naubos namin lahat ng pagkain na inorder ni Maxine kanina. Libre niya na din daw yun parang pawelcome daw niya sa saili niya. Hahahaha! At syempre bawal tanggihan ang grasyaaa! Sabi nila nakakain na sila doon nako. Lier.

"San tayo next?" Tanong ko, hmm gusto ko mag-arcade ngayon. Gusto kong maglaro sa basketball don, o kaya mag videoke bastaa gusto ko muna maglibang kasi pasukan nanaman niyan at magiging busy nanaman kami.

"Kayo ba? San niyo gusto?"Tanong naman ni Luhan.

"Arcadeeeeeee!!!"

"May magagawa pa ba kami?" -Stephan

"Tss" –Anthony

Wahahahaha! Excited kaming naglakad papunta sa Arcadeee. Yes namern! Namiss kong maglaro dun eh. Ngayon na lang kasi ulit ako maglalaro sa Arcade. Pagkadating namin doon diretso agad kami sa palitan ng tokens. Maglalabas na sana kami ng pera ng biglang lumapit yung boys samin.

"Wag na, Kami na." Sabi ni Anthony. Naks! Anong meron at ang bait yata ng mga 'to ngayon?

"Dapat pala araw-araw namin kayong dinadala sa mang inasal kuya Mark para araw-araw kayong nanlilibre!" Hahahahaha! Natatawang sabi ni Stephanie. Ngayon lang ba nanlibre 'tong mga to? Kung ngayon lang aba dapat pala sulitin na namin! Wahahahaha!

"Tss, oh tokens niyo." Sabi ni Mark sabay haggis samin ng tig dadalawang plastic ng tokens.

"Dalawa lang? Gawin niyo ng lima. Minsan lang naman ata kayo manlibre kaya dapat sulitin!" Pang-aasar ko mwehehehe. Napailing na lang sila at bumili pa ng mga tokens tsaka binigay samin. Waaaaah! Mag-eenjoy ako nito! Naghiwalay na kami at nagpunta sa kung saan naming gusting maglaro. Dumiretso ako sa may Basketball *-* At pumwesto sa pinakadulo. Hinulog ko na yung 2 tokens para makapaglaro na ako.

Pang-limang round ko na 'to at hindi pa din ako napapagod. Actually pagod na akokaso nageenjoy pa ako eh, pinagtitinginan na nga nila ako dito kasi napansin yata nilang hindi ako tumitigil kakalaro.

"Kanina ka pa dyan, hindi ka ba napapagod?"

"Waaaaah! Di nashoot! Huhuhu," Nakakainis naman 'tong si Mark! Nakita niyang nagcoconcentrate ako sa paglalaro eh. Tiningnan ko naman siya ng masama, nakita ko pa siyang nagulat nung sumigaw ako. Eh kasi eh saying yun. May nakita din kasi akong teddy bear kanina at ang laki laki non. 5k tickets daw ang kailangan ko kaya dapat galingan ko! Gusto ko yung makuha!

"Tama na yan, pagod ka na oh -___- ang dami mo na ding tickets aanhin mo yan?"

"Ayaw! Kailangan kong makakuha ng 5k na tickets!" Pag-iinarte ko, ngayon lang naman ako babalik sa pagka-isip bata eh kaya susulitin ko na.

"Sa tingin mo magagawa mo yon?" Aba wala yatang belib sakin ang isang to ah? Makikita niya!!!

"Oo naman! Watch and learn!"

Konti na lang, kaya ko 'to! Konting konti na lang talaga!!! Konting konti na lang at sisirain ko na 'tong machine na nasa harapan ko ngayon!! Ugh!!!

"HAHAHAHAHA! Look at your face! Pfft---HAHAHAHAHHA! You look like a volcano pfft-- that anytime hahahahahahaha." Sinamaan ko ng tingin si Anthony, kanina pa ako pinagtatawanan niyan, hindi ba siya nahihiya? Pinagtitinginan na kaya siya sa sobrang lakas ng tawa niya. Nababaliw na ata 'to eh.

Naiinis na ako, kanina pa ako naglalaro ditto at 3,500 pa lang ang ticket ko -___- halos 3 oras na din ah!! Naiinis na talaga ako! Pero kaya ko 'to! Hooooh! Naghulog ulit ako ng dalawang tokens para makapaglaro ulit. Tagaktak na yung pawis ko, ikaw ba naman maglaro nito ng tatlong oras diba?

"Hoy bessy! Aba'y kanina ka pa dyan, nalaro na ata namin lahat dito sa Arcade tapos ikaw nandyan pa din?" Sinamaan ko lang din ng tingin si bessy, tamo 'to! Hindi na lang ako suportahan eh. Natawa naman yung mga kasama namin.

"Ganito lang talaga ako bessy, loyal sa isa." Tumahimik naman sila. Ano ba naman 'tong pinagsasabi ko! Nagsimula na akong magshoot hanggang sa matapos ulit yung time ko. Naghulog nanaman ako ng tokens huehue kaya ko toooo!

Makalipas nanaman ang isang oras eh nadagdagan na yung tickets ko di ko alam kung nakailang tickets na ako basta naamoy ko ang tagumpay!! Nagpahinga muna ako saglit tsaka uminom. Bumili ba naman sila ng pagkain eh, nagutom daw kakaantay sakin. Eh sa gusto kong makuha yung teddy bear eh huhuhu. Nung tumayo ako eh tumayo din si Anthony. Aba gaya-gaya. Nung lumapit na ako dun sa machine takte lumapit din siya! Ano 'to? Galaw ko, galaw niya din?

"Oy, anong trip mo?"

"Maglalaro din ako, pahinging tokens." Binigyan ko naman siya atsaka kami saba'y na pumwesto sa magkatabing machine. Eh baka sabihin niya ang damot damot ko.

Yeeeeeeeey! Waaaaaah naka 5,015 akong tickets huwaaaa! Yesyesyes! Nagtatatakbo agad ako sa cashier atsaka ibinigay yung mga tickets and tinuro yung malaking stuff toy na spongebob *u* Cute cuteeee! Nung naibigay na yung stuff toy sakin ay nagsimula na akong maglakad palabas.

"Hayy salamt at natapos din." Sabi ni Stephan na nag-iinat pa.

"Grabe Venice! Talagang hindi ka nag-paawat hanggat di mo nakukuha yung gusto mo ah. Hahahaha!" Sabi naman ni Lisa, oh well. Sana ganito din ako noon pa man. Edi sana until now nasa akin pa din siya. Pero hindi naman siya kawalan. In fact siya ang dapat manghinayang dahil iniwan niya ako at sumama siya sa bitch friend ko.

"Thank you nga pala sa paghintay." Yan lang ang sinabi ko at ngumiti ng kaunti tapos humarap kay Anthony, kailangan ko ding magpasalamat sa isang 'to kasi tinulungan niya akong makakuha ng tickets. Halos yung 1k tickets eh sa kanya nanggaling. Magaling pala talaga siya maglaro ng basket ball. "Hmm, and Anthony. Thanks for the help." Sabi ko atsaka naunang maglakad.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon