ANWC: 16

1.5K 49 3
                                        

Damoves ni Stephan

"Ang gandaaaa! Ang ganda nung mga damit natin!" Sigaw ng isa kong kaklase, oh well. Ako pumili eh.

"Kaso, pare-pareho tayo. Di bale na nga!" Sabi pa nung isa. Ito kasi yung naisip ko, mas maganda kung same na lang kami ng mga damit na susuotin. Walang pabonggahan, walang kawawa. I mean, may mga scholars lang naman kasi dito. At kung ganito ang gagawin ko mas makakatipid din sila kahit papaano. Lalo pa't half lang naman ang binayaran nila dahil nga scholars sila.

Pumunta na ako sa harap para iannounce yung dapat na iannouce. Nandito kasi kami sa Gym namin para less hassle. Kasama ko din dito sa taas ang iba pang officers. Ipapaliwanag na namin ang mga gagawin sa ball, okay na lahat, ang pagbibigay na lang ng invitations ang problema pati na din kung anong mangyayari sa ball.

"Hello students of Miyaki Academy, I know that you don't want to see me here in front talking to all of you like a boss. Pero kailangan, that's my duty. Ayoko... pero dapat." Saglit akong tumigil atsaka tiningnan silang lahat, tahimik silang nakatingin sa akin at may ilang nagbubulungan. Expected ko na 'to.

"So alam niyo namang may ball na gaganapin this Friday night ang school natin hindi ba? And that gown you are holding will going to be our gown that night." Tahimik pa din silang nakikinig, nakita ko naman sila Stephanie sa baba, kasama sila Maxine at ang iba pa na nakangiti sa akin kaya napangiti na lang din ako. Napansin ko namang nagulat yung mga kaschool mate ko sa pag-ngiti ko, nagbulungan nanaman ulit sila. Rumors all the way.

"So... as I was saying, Friday night will be our night. We need your help para ikalat 'tong mga invitations sa mga out siders. Kayo na ang bahala kung sino ang want niyo iinvite. Madami namang invitations so bawat students ay mabibigyan ng 5 invitation cards. Wag niyo din kakalimutang sabihin sa mga pagbibigyan niyo nito na wag iwawala ang mga cards na 'to. Kasi ito yung magsisilbing gate pass nila....

...and about sa outfit natin, yung shoes na isusuot niyo is kami na ang magpoprovide. Hindi ba ay napag-usapan na natin 'yon? So before kayo pumasok dito sa Academy ay iiwan niyo lahat ng sandals niyo sa labas or kung gusto niyo magtsinelas na lang kayo at ipauwi niyo na lang sa mga kasama o maghahatid sa inyo yon." Sabi ko at napasinghap naman sila doon.

"Paano 'yon? Paano kapag hindi kasya yung shoes sa amin?" tanong nung isang estudyante, nginitian ko naman siya.

"Kaya nga namin kinuha 'yong mga size niyo noon ay para masigurado naming kasya ang mga binili namin." Sagot ko naman.

"Bakit ba kayo ang kailangan na mamili ng susuotin naming sapatos sa ball? I want to wear a black stiletto." Sabi nung isa pang babae. Sasagot na sana ako at inuubos nila ang pasensya ko ng biglang sumigaw si Maxine.

"Excuse me Miss? Pero wag mong ismallin yung sense of fashion namin, panigurado namang mas may taste kami, kesa sayo." Napailing na lang ako kay bessy at kinindatan niya naman ako. Eww. Lesbi. Hahahaha!

"So.... May tutol pa ba?" Wala nang nagsalita kaya tumingin ako sa mga iba pang officers para sila na ang magpalwanag sa iba pa. Lumapit si Lucy kaya sa kanya ko binigay yung Mic na hawak ko, nagkatitigan pa kami before ako tuluyang humakbang. Aaminin ko, namimiss ko na sila. Pero... masakit pa din kasi.

Bumaba na ako ng tuluyan sa stage at sinalubong naman ako nila Lisa,

"Ang galing ng speech mo sa taas pres!" Ngiting sabi ni Stephan, mukhang masaya ang isang 'to ah.

"Mas magaling 'to si bessy, natahimik yung mga school mates natin eh." Naiiling kong sabi.

"Bessy nakakainis kasi eh, tayo yung pumili non! Tapos kung makainsulto yung bruhildang 'yon akala mo naman ikinaganda niya." Inis na sabi ni bessy kaya natawa na lang kami.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon