Aalis ako
Nakipagbeso sila kay Auntie at daddy bago umupo sa upuan na kaharap namin. Shock pa din ako at sa kanila lang nakatuon yung atensyon ko. Anong ginagawa nila dito? Napansin ko namang nakatingin sakin si Auntie kaya ay umayos ako ng upo. Noong nakilala nila si Anthony ay hindi sila nagtanong kung bakit si Anthony na ang boyfriend ko at hindi si Jake. Hindi din sila nagtanong about kay Lucy. Alam ba nila kung anong nangyari sa amin nung mga panahong wala sila?
Awkward na ngumiti sakin sina Lucy, tiningnan ko naman si Maxine at hindi niya tinatapunan ng tingin yung dalawa. Walang emosyon ko lang silang hinarap, ayoko ng makipagplastikan. Pagod na ako. Kung ayaw na sakin ni daddy ay wala akong magagawa doon. Inaamin ko, takot ako sa kanya at natural lang yon dahil tatay ko siya.
Ginagawa ko naman ang lahat para maibalik yung dati naming samahan pero bakit ganon? Pakiramdam ko kahit anong gawin ko ay wala ng maibabalik. Na kahit anong gawin ko mananatiling ganoon pa din ang trato niya sa akin. Parang hindi na siya yung daddy ko. Parang ibang tao na siya. Tuluyan na nga siyang nalason ng kulay na 'to.
"So, can we order now?" Tanong ni Auntie na nakatingin kay daddy, tumango si daddy kaya tinawag na nila yung waiter. Walang emosyon pa din akong nakatingin kina Lucy, ang kapal naman talaga ng mukha nila para tanggapin yung dinner na 'to. Mukhang pareho silang hindi mapakali sa tingin ko dahil hindi sila makatingin ng diretso sa akin. Dapat lang, mahiya naman kayo.
Kumain kami ng tahimik at may awkward na ambiance. Matapos naming kumain ay doon na nagsalita si daddy.
"Venice, I invited them to have a dinner with us to explain. Alam ko kung anong nangyayari sa inyo habang nasa ibang bansa kami. Si Violet ang nakakausap nung mga pinagbabantay ko sa inyo kaya nasabi niya sakin na nag-away nga kayo."
Nalipat naman ang tingin ko kay Auntie, so may spy pala talaga ako? Kami?
"And I want you to say sorry to this two." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Bakit ako ang kailangang magsorry!?
"Tito why Venice!? Siya ang nasaktan dito hindi ang mga walang hiyang yan!"
"Maxine masyado ka ng nawawalan ng galang." Mahinahong sabi ni daddy. Hindi ko na to kaya. Tumayo ako sa upuan ko. Pinipigilan kong sumigaw dahil sa sobrang inis.
"Bakit? Bakit ako ang kailangang humingi ng sorry?" Hindi ko na napigilan ang umiyak. Buong buhay ko wala akong ibang hiniling kung hindi ang maging masaya, kung hindi ang magkaroon ng buong pamilya. Akala ko ay meron na ako non, pero mali ako.
Hinarap ko sila, wala na akong pakialam kung anong itsura ko ngayon. Pagod na pagod na akong magpanggap. Sabi ko noon ay hindi na ako magiging mahina, hindi na ako magiging mabait. Pero bakit pakiramdam ko ay mahina pa din ako? Bakit pakirdam ko ay sa ginagawa kong 'to mas lalo akong nagiging mahina?
"Auntie... anong sinabi mo kay daddy? Binaliktad mo nanaman ba ako? Alam niyo ang tagal ko ng kinikimkim to e, tong galit ko sa inyo. Pilit kitang nirerespeto pero pilit mo ding pinapakita sa aking hindi ka karesperespeto." Napasinghap sila sa sinabi ko,
"What are you talking about!? Sinabi ko lang kung ano ang nireport sakin ng tagabantay mo!"
Nginisian ko siya,
"Really? So, sinabi ba nung spy niyo na ako ang nanloko? Na ako yung mali? Wow. Just wow. Ako yung nasaktan, ako yung naging miserable tapos ako pa din yung mali!?"
"Venice!"
"What now dad!? Sige! Sila na ang paniwalaan mo! Mas paniwalaan mo sila kaysa sa sarili mong anak! Pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na akong saluhin lahat, gusto ko namang lumaban! Gusto kong lumaban kahit alam kong wala akong pag-asang manalo! Gusto ko pa ding subukan, kasi umaasa ako e! Umaasa akong babalik tayo sa dati, pero mukhang malabo na 'yong mangyari." Tumigil ako at pinunasan yung luhang ayaw maubos.
"At kayo, ano? Kasabwat na kayo ni Auntie Violet dito? Ano? Ha? Babaliktarin niyo nanaman ako!? Go! Gawin niyo ang gusto niyo! Okay na e, kakalimutan ko na sana lahat kasi mas iniisip ko yung pagkakaibigan natin, kahit na nahihirapan akong ibalik yung dati pilit ko namang ginagawa yung best ko pero heto kayo at sinisira nanaman yon ulit! Tama na okay!? Tama na!" Kinuha ko na yung gamit ko atsaka umalis doon, hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ay anytime magcocollapse na ako.
Wala akong ibang madinig kung hindi ang sarili kong iyak. Blur na din ang mga nadadaanan ko dahil sa mga pesteng luha na 'to! Hindi ko din alam kung saan na ako papunta ngayon basta ang importante sakin ay ang makalayo sa lugar na 'yon!
Nung sa tingin ko ay nakalayo na din ako ay kinuha ko yung phone ko na kanina pa tumutunog. Nakailang missed calls na sa akin si Maxine at ganoon din si Anthony, alam na kaya niya? May tumawag ding mga unknown numbers. Hindi ko tiningnan kung sino pa ang ilang tumawag pati ang mga nagsend ng messages. I really need a break.
Hindi ko maintindihan, bakit ako pa? Sa dinami dami ng tao bakit ako pa? Nagstay ako ng ilang oras sa park. Tunog pa din ng tunog yung cellphone ko at paniguradong mayamaya ay malolowbat na iyon.
Napatingin ako sa mga taong kasama ko dito ngayon, may pamilya, may grupo ng katulad kong kabataan, at may mga batang walang matitirhan. Simple lang ang suot nila, simpleng buhay lang ang mayroon sila pero kitang kita na masaya sila. Samantalang ako ay may magandang suot at mamahaling gamit pero heto at umiiyak. Tumayo na ako at pinunasan yung mga luhang di pa din maubos ubos. Babalik ako ng bahay ng di nila malalaman, kailangan kong kumuha ng ilang gamit doon. Aalis ako.
Pumara ako ng pampasaherong jeep, dadaan ito sa village namin. Mahal ang taxi at sa ganitong pagkakataon ay kailangan kong magtipid. Pagkapasok ko sa jeep ay agad akong pinagtinginan, siguro ay dahil sa itsura at bihis ko. Panigurado naman kasing nagkalat na ang make up ko ng dahil sa paghagulgol ko kanina. Hindi ko na lang yon pinansin. Mabuti na nga lang at gabi na pati kakaunti na lang ang pasaherong sakay nitong jeep.
Nung matanaw ko na ang subdivision ay agad na akong nagbayad at pumara.
"Bayad po, dyan lang po sa tabi..." inabot ko yung bayad ko bago ako bumaba.
"Good evening ma'am ano po ang--- Ms. Park!" Nginitian ko si manong guard. Alam kong pansin niya na hindi maganda ang mood ko at buti na lang din dahil hindi na siya nagtanong pa.
"Manong... dumaan na ba sina... daddy dito o kahit sino man pong sa bahay ang punta?"
"Wala pa naman pong dumadaan na sa bahay niyo ang punta." Tumango na lang ako at nagpaalam ng umalis. Kailangan kong magmadali dahil ayokong maabutan pa nila ako.
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong nagdoorbell, buti naman at binuksan yon kaagad ng isa sa mga maids, alam kong anytime ay magsusumbong na ang isa sa kanila kaya dali dali akong nagpunta sa kwarto ko at kinuha yung isang maleta ko. Naglagay ako ng mga damit doon, hindi ko alintana kung anong damit na ang nakukuha ko basta ay makakuha lang ako ng magagamit. Kumuha din ako ng isang sapatos, kinuha ko lang ang mga importanteng bagay atsaka isinarado ang maleta. Hindi na ako nag-aksayang maghilamos o magpalit man lang ng damit. Tinanggal ko lang yung high heels ko atsaka nagsuot ng doll shoes bago lumabas ng kwarto.
Naabutan ko ang ilang maids at ilang mukhang bodyguards sa labas. Napairap na lang ako sa kawalan at diretso pa ding bumaba hanggang sa makarating ako sa pintuan.
"Pasensya na po ma'am, pero bilin ng daddy niyo na huwag kayong paalisin." Hindi ko sila pinansin at pilit na binuksan yung pintuan kaso ay masyado ailang malakas. No choice ako kung hindi gawin to.
Bumalik ako ng kwarto atsaka nilock ang pinto atsaka tinabunan iyon ng mabibigat na bagay. Ayaw niyo akong padaanin sa maayos na pintuan? Edi dadaan ako sa bintana.

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...