ANWC: 14

1.5K 56 1
                                        

Theme

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung lumipat sa school namin sila Anthony, at mas lalo kaming naging malapit sa bawat isa. Aminin ko man o hindi unti-unting bumabalik yung dating ako, nakakangiti na ako ngayon, nakakatawa, nakikipagbiruan, nagiging normal na ulit at dahil yon sa kanila. Sabi ko lalayo ako sa kanila pero heto ako mas lalong napalapit. Ayoko lang kasing masaktan katulad dati. Pero alam ko namang iba sila sa kanila. Unti-unti na din naming nakakasundo si jandi pero tahimik at nagsusungit pa din siya, sus if I know kaibigan na din ang turing niya sa amin, nag-iinarte lang siya. Tsk. Wahahaha!

Medyo nagiging busy ako ngayon dahil ako ang nag-aasikaso ng lahat sa darating naming ball next week. Ako ang nag-aayos ng lahat, mula sa theme, pagkain, visitors as in sa lahat-lahat. Simpleng ball lang ang naisip ko, hindi masquerade ball or whatsoever.

Ang theme ay purple and black. Dapat nga pink at black kaso nagprotesta yung tatlong boys, pero yung ball namin ay hindi lang para sa school namin. Mag-iinvite kami ng ibang school na dadalo sa ball namin. Ang ibang members na ng student council ang mag-aasikaso non kasi hindi ko na talaga masisingit ang paghahanap ng school sa dami ng ginagawa ko, tnutulungan din ako ng tropa sa pag-aayos ng up-coming ball namin at aminin ko man o hindi ay talagang thankful ako kasi tinutulungan nila ako. Juskooo, mababaliw na yata ako sa dami ng gawain!

"Jessie, naayos mo na ba yung mga list ng menu natin para sa party?' tanong ko sa treasurer namin habang iniscan ko yung picture ng kalalabasan ng venue namin.

"Yes pres. Okay na yung menu! Sinigurado kong walang malalason next week at masasarap ang mga pagkain." Natatawang sagot naman niya sa akin kaya napailing na lang habang nakangiti. Ang babaeng yon.

"Baliw. Sige na tulungan mo na ang iba doon." Sabi ko atsaka pumuntang stage. Hmm. Maganda siguro kung black yung tela ng curtain na gagamitin namin na may touch of purple din. Tapos sa gilid roses, uh roses ba? Maganda ba yon? Eh kung santan na lang kaya para maiba? Ugh! Nakakainis naman!

"Oh, bessy inis na inis ka dyan. Bakit mo ba inaaway yang stage." Sabi ni bessy habang umiinom ng zagu. Gutom na din ako pero wala akong gana hay.

"Eh bessy, hindi ko kasi alam kung anong design ang babagay sa stage, yan na lang ang kulang. Okay na lahat." Frustrated kong sabi atsaka ko ginulo yung buhok ko. Azar talaga!

"Bessy okay na yung simple, wag mong isipin yung iisipin ng iba. I know you, kahit na nagiging bitch ka alam kong iniisip mo pa din yung iisipin ng iba, kung magugustuhan ba nila yung gagawin mo o hindi." Sabi ni bessy at saka ako nginitian, napangiti na lang din ako. She really know me. "Ang hugot mo bessy ah!" natatawang sabi ko kaya hinampas niya ako at nagtawanan kami. Hmmm oo nga pwede namang hindi ganon ka-elegant ang kalabasan ng stage. Bakit kaya hindi ko gawing simple? Napangiti naman ko sa naiisip ko at binago ang kakaunting details para sa ball. Alam kong magagalit sa akin ang dean at ang mga teachers pero for sure na mag-eenjoy ang students dito. Napangiti ako ng malapad sa ideyang naisip ko.

--

Friday na ngayon, isusubmit ko na yung pagbabagong ginawa ko, hindi man halata pero kinakabahan ako!

"Ano ka ba ate Venice, panigurado namang magugustuhan nila yan! Aja!" Sabi sakin ni Lisa, nakakahawa ang good vibes ng babaitang 'to. Ayan tuloy nakangiti na ako.

"Oo nga naman bessy! Abaaa, pinaghirapan mo yan kinailangan mo pa ang encouraging words ko para maisip mo yan!" Ang hangin talaga nitong bessy ko.

"Oo na lang," Natatawang sabi ko,

"Tss, I know. Magiging palpak yan." Nakangising sabi naman ni Jandi.

"Jandi!" Inis na tawag ni Stephanie kay Jandi, ano bang problema ng isang 'to sa akin? Napaka insecure.

"Alam kong maganda yung gawa ko, at expected ko ng maiinsecure ka. Pero pwede ba? Wag mong ipahalata masyado dahil lalo ko lang napapatunayan na mas angat ako kesa sayo." Sabi ko at ngumisi, ewan ko ba bakit yun ang nasabi ko, sumosobra na kasi siya eh. Hindi ako yung tipo ng taong ipagpipilitan yung sarili ko sa taong halata namang ayaw ako.

"Bitch." Inis niyang bulong kaya humarap ulit ako.

"Yes I'm a bitch, bitch-er than you," again, I smirk.

"That's my best friend!"

"Ayan! Ginalit mo si ate Venice!"

Pumasok na kami ng office, nagpaiwan na lang si Stephanie doon pati si Jandi, baka daw kasi mamaya eh kung ano nanamang gawin nitong si Jandi at masira pa yung presentation ko.

"Oh Venice, why are you here?" tanong sa akin ni dean atsaka sinarado yung binabasa niyang folder.

"Take your sit, first." Sabi niya ulit kaya naupo naman kami ni Maxine sa sofa dito sa office niya.

"What brought you here Venice?"

"Hmm, Ma'am may kaunti po kasi akong binago about sa theme ng party. Iaannounce ko po iyon mamaya sa kasamahan ko after kong ipasa sa inyo ito kung papayag ba kayo sa mga pagbabagong ginawa ko." Nakangiti kong sabi kahit deep inside eh kabadong kabado na ako, perfectionist kasi itong si ma'am, at mataray din pero mabait naman siya sa akin kahit papaano.

"Bakit ito ang naisip mong theme? Ms. Park?" Nakataas kilay niyang sabi, ayan na.

"In-eexpect ko na po ang tanong niyong yan Ma'am, kaya ko po yan naisip kasi alam ko namang hindi lahat ng babae na nag-aaral dito sa Miyuki Academy ay sosyalera talaga at sanay sa mga bonggang damit at stilettos, gaya na lang po ng ilang kilala ko, mas gusto nila ang simple at yung kumportable sila. Naisip ko na din na parang ang pangit naman para sa image ng school kung gagawin natin yan sa ball, pero hindi po ba ball iyon? Ginawa po natin yon para mawala sa stress yung mga estudyante. Panigurado naman po ako na gusto din yan ng ilang estudyante natin, hindi po ba may subject tayo na how to be a better lady? Hindi ba madami din ang bumabagsak doon? Pero madami din naman ang pumapasa, so ang gusto ko lang sabihin is matuturuan natin yung ibang students dito kung paano maging simple kahit sa ball lang." Mahabang paliwanag ko, ewan ko ba kung may sense yung sinabi ko o kung naipalabas ko ba yung gusto kong sabihin. Tiningnan kami ni ma'am at hindi ko alam kung anong susunod niyang sasabihin, parang nag slowmo lahat. Ano ba 'to! Ako? Kinabahan ng ganito? Hindi ako 'to! Si Margarette to! Shittt!

"Okay, make sure na magiging maganda ang kalalabasan nito. I trust you."

----

Edited: 3/25/16

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon