ANWC: 15

1.6K 57 5
                                    

Bonding

Sabado ngayon, at sobrang saya ko kahapon nung pumayag ang dean sa plano ko, binigyan na din nila ako ng budget para maayos na ang mga dapat maayos. Wala naman kaming problema sa budget, what do you expect? Miyaki Academy is a prestigious school. Ang problema ko lang ay yung mga maarteng estudyante sa school, sana lang talaga mapilit ko sila ng hindi dinadaan sa dahas.

Ilang araw na kaming hindi nakakapag-bonding na magbabarkada at inaamin kong namimiss ko na sila kaya sasamahan daw nila ako ngayon. Nandito ako sa sofa katabi si Maxine at inaantay yung barkada, susunduin daw kasi nila kami, kaya eto kami ngayon at naghihintay. Sanay naman na akong maghintay. Kumbaga immune na immune na ako kaya hindi na ako ganoon kainip. Don't get me wrong, hindi ako humuhugot I mean lagi naman akong naghihintay kay Maxine, eh napakabagal niyan. Maya-maya nakarinig kami ng busina ng motor, sino ba yon? At talagang bumusina pa. Ikinagwapo niya ba yon!?

"Bessy! Ikaw na nga ang tumingin sa feeling gwapo na bumubusina na 'yon! Akala mo eh kinagwapo niya yon! Kainis!" inis kong sabi, nakakainis talaga.

"Chill, bessy, magkakapimples ka na niyan! Masyado kang inis. Hahaha!" tumayo na si bessy para tingnan ang hinayupak na 'yon. Wala pang ilang minute eh narinig ko na yung sigaw ni bessy na parang tuwang-tuwa. Aba ang babaeng 'to natuwa ba 'to doon sa bumubusinang hayop?

Dali-dali akong lumabas nung tinawag niya ako, kinuha ko na din yung mga gamit ko kasi dala niya na yung kanya, nilock ko ang pinto atsaka dumiretso palabas ng gate at doon ko nakita ang apat na motor na nakapark sa labas ng bahay, seriously!? Tig-iisa ng motor si Anthony, Luhan, at Stephan, tapos nakaangkas naman si Lisa kay Luhan, tapos si Stephanie eh nakaangkas din doon sa isa pang motor at hindi ko kilala kung sino ang magdadrive ng motor kung san siya nakaangkas.

"Ate Venice! Ate Max!" masayang bati sa amin ni Stephanie at pinakilala sa amin yung kasama niya. "Si Tyler pala, Tyler Tanche, best friend namin nila Jandi! Tyler sila Ate Venice at Ate Max, kaibigan namin sa Miyuki Academy." Nakangting nakipagkilala samin yung Tyler at sinuklian din naman namin siya ng ngiti, mukha namang mabait.

"Waaaaah! Tara na bessy! Sakay na tayo!!" At ang babaeng 'to hinila hila pa ako, wala na akong nagawa nung umangkas siya kay Stephan, alangan namang ipagsiksikan ko pa sarili ko kila bessy eh alam ko namang wala na akong lugar don at merong isang naghihintay sakin. Again. Don't get me wrong, erkey? I mean, wala naman kasing kasama si Anthony, alangan namang iwan ko siya.

"Sasakay ka ng motor ko, ng naka-shorts?" Nakita kong napataas naman ng kilay si bessy kaya napailing na ako, ayan nanaman sila.

"Paki mo ba? Akin na nga iyang helmet ng makaalis na tayo!" Napailing na lang din si Stephan at binigay na yung helmet kay bessy, nung nakasakay na siya sa motor ay sumakay na din ako sa motor ni Anthony, inabot niya sa akin yung isa pang helmet.

Maya-maya ay isa-isa ng umandar yung mga motor ng mga kasamahan namin, at kami ang pinakahuling umalis. Para kaming mga nagi-stroll kasi magkakatabi yung motor nila, enjoy na enjoy naman sila bessy at talagang nagsisigawan pa sila. Mas binilisan ni Anthony yung andar nung motor kaya napakapit ako ng mahigpit sa kanya.

Huwaaaaa! Katapusan ko na ba!? Huwag naman sana. *cross fingers* Okay, ako na OA. Nagkatinginan naman silang apat, Anthony, Luhan, Stephan, at Tyler. Ano bang gagawin ng apat na mokong na 'to? Maya-maya ay nagsitanguan sila, mukha namang naexcite yung mga bruha at may feeling din ako na nagpupustuhan ang apat na 'to. Bunulong si Tyler kay Stephanie at mukhang naintindihan naman ni Stephanie ang sinabi ni Tyler.

"Margarette, kumapit kang mabuti. Okay?"

Tumango naman ako kahit na alam kong hindi ako nakikita ni Anthony, atsaka kumapit ng mahigpit. Alam kong delikado ang gagawin nila, haller! Race 'to mga tsong! Nagsimula ng magbilang si Stephanie kaya mas napakapit ako ng mahigpit sa bewang ni Anthony. Ganoon din naman ang ginawa nila Lisa.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon