PS: Credits to the Video. 😊
-
Sobrang bilis ng pangyayari. Tinatakbo ko na ngayon ang haba ng pasilyo nitong ospital. I can't loose someone important to me again... no... not dad, not Anthony, not my friends...
Hinawakan ko ang kamay ni daddy, nakapikit siya at payapang nakahiga sa stretcher habang tinutungo namin ang emergency room. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak, kung ano anong senaryo ang pumapasok sa isip ko at tiyak kong di ko kakayanin kapag isa sa mga senaryong yon ang nangyari.
Nang marating na namin ang Emergency Room ay hindi na ako pinapasok sa loob. I want to be with my dad while he's in that situation pero alam kong hanggang dito na lang muna ako. I will wait, just go back dad. Please, huwag ka munang sumunod kay mommy... hindi ko pa kaya...
Dad saved me, dad saved us... akala ko kanina ay katapusan ko na, pero nagulat ako ng biglang may umagaw sa baril na hawak ni Aunt Violet and I saw dad. Mabilis ding kumilos ang mga pulis na siguro ay kasama nina daddy, I saw Tyler and Lex helping Anthony to get up.
And then... I heard a bang and saw dad lying... cover with his own blood..
Parang huminto ang tibok ng puso ko ng mga oras na yon. I don't know how to react when I saw my dad with a lot of blood in his stomach. Tila natauhan si Aunt Violet that time kaya madali siyang naaresto ng mga pulis. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, ang alam ko na lang ay kailangan ni dad madala kaagad sa hospital.
It's already three hours since my dad entered that room. At alam kong konting oras na lang ay makikita ko ulit siya with his eyes open. I know na magiging maayos ang kalagayan niya. I know..
Maxine Veronica Arissa's POV
Nandito kami sa presinto at inaayos ang kasong kinasangkutan ni Violet. Tahimik lamang siyang nakaupo sa silya at nakatingin sa kawalan habang si Lisa naman ang kumakausap sa mga pulis. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya. Narinig namin lahat ng sinabi niya kay Venice. She go through a lot of pain, hindi ako nagsisisi sa ugaling ipinakita ko sa kanya pero naaawa ako. Hindi niya naman kasalanan kung nagmahal siya, pero ang kasalanan niya ay ang nagpalamon siya sa galit niya.
"She's your mom?" Dinig kong tanong ng pulis na kumakausap kay Bea. Tumango naman si Bea.
Naawa din ako kay Lisa at Venice, ang dami na nilang pinagdadaanan tapos dumagdag pa ito. Sa murang edad nila ay kailangan na nilang pagdaanan lahat ng hirap.
Natigil ako sa pag-iisip ng abutan ako ni Stephan ng jacket at cofee na mukhang galing doon sa vendo na nadaanan namin kanina. Ngumiti ako at nagpasalamat.
"Wow babe, mukhang hindi ka galit ngayon ah." Kumunot ang noo ko.
"Galit?"
"Oo. Lagi ka kasing nakasigaw. Parang laging galit. Buti nga ngayon at kalma ka, nagpasalamat pa. Ano bang nakain mo ng mabilhan kita non araw-araw?" Napasimangot ako sa sinabi niya atsaka siya sinamaan ng tingin. Minsan na nga lang akong maging mabait kikwestyunin niya pa.
"Kalma babe, sabi ko nga tatahimik na ako." Sabi niya pa atsaka tumawa. Napailing na lang ako at napangiti.
Stephan really change me. Akala ko ay hindi ako mahuhulog sa kanya ng ganito kalalim. Pero kahit hindi ko sabihin, alam kong alam niya na mahal ko siya, it's just that I am not showy and I'm happy because he's okay with that.
Nung maayos na namin ang lahat ng dapat ayusin ay dumiretso na kami sa ospital. Venice need us, she need me.
Nung marating namin ang ospital ay nakita ko kaagad sila sa harap ng Emergency Room. Agad na lumapit si Lisa na sinundan naman ni Luhan. Lucy is hugging Venice while the others are in silence. Napansin ni Jandi ang presensya namin. Sumenyas ako sa kanya na lumapit siya na ginawa niya naman.

BINABASA MO ANG
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...