ANWC: 32

1K 36 2
                                    

Dinner

"Tapos niyo na ba yung pinapagawa ni Mrs. A sa atin?" Tanong ni Lisa habang busy sa pagsusulat, ewan ko ba dito at ngayon lang ginagawa yung iba naming Activity.

"Oo naman. Kami pa ba?" Sagot ni Maxine habang ngumunguya ng waffle. Nandito kami sa cafeteria, busy kaming kumakain habang busy namang nagsusulat si Lisa, ayan, naghihirap tuloy ngayon.

"Bat kasi hindi ko pa to tinapos kahapon!" Inis niyang sabi. Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nagsalita.

Napasa na namin ni Maxine yung mga dapat ipasa at hinihintay na lang namin na matapos si Lisa. Next week ay wala na kaming klase, puro pahapyaw na lang nga ang ginagawa ng mga teachers ngayon e.

Saktong pagkatapos namin kumain ay tapos na din si Lisa,

"Guys! Wait niyo ako dito, ipapasa ko lang to sa faculty room." Tumango naman kami bilang sagot at agad ng umalis si Lisa para ipass 'yon.

"Baliw talaga. Feeling ko nakipagdate lang 'yon kay Luhan kahapon kaya hindi niya natapos yung iba." Napatingin naman ako kay Maxine na nakangisi ngayon.

"Feeling ko din. Porket natapos mo na yung iyo nung isang araw gumaganyan ka ha! Nakipagdate ka lang din naman kahapon!" Binato niya naman ako nung fries na kinakain niya, aba't!

"At least tapos ko na yung mga gawain ko before ako lumandi no! Di tulad ng iba dyan, nahuli pa ng daddy." Agad ko siyang binatukan kaya napatigil siya. Maya maya ay nagtawanan na lang kami.

Mabuti na nga lang at hindi ako pinagalitan ni daddy although nabungangaan naman ako nung auntie kong hilaw. Pasalamat talaga siya at kahit na ang laki na ng galit ko sa kanya e naniniwala pa din ako sa kasabihang respect the elders.

Magkatext kami ni Anthony ngayon, buti nga at nakakapagtext yon kahit na may klase sila. Hanggang next week pa daw kasi yung pasok nung sa school nila. Busy din si Maxine sa cellphone niya, paniguradong si Stephan ang katext nito.

To: Anthony 💕
Wala ba kayong teacher?

Pagkasend na pagkasend ko non ay agad ding nagvibrate yung phone ko. Ang bilis mag-reply ah.

From: Anthony 💕
None. They have a meeting. Where are you?

Agad na kumunot yung noo ko. Pang ilang beses niya na bang tinanong kung nasan ako? Itong mokong na 'to e.

To: Anthony 💕
How many times do I need to say that I'm in cafeteria? May katext ka bang iba at nakakalimutan mong natanong mo na yon kanina?

Pabagsak kong binaba yung cellphone ko pagkasend ko non. Kainis e! Buti nga at pumapayag akong makipagtext sa kanya kahit na hindi ko talaga hilig ang nagtetext! Uso naman kasi ang magkita like duh!

Napatingin sakin si bessy pero nung nagvibrate yung cellphone niya ay nabaling din doon ang tingin niya. Maya maya ay tumawag siya, hindi ko 'yon sinagot. Badtrip e. Nakailang missed call pa siya bago ako makatanggap ulit ng text.

From: Anthony 💕
Hey, sorry na. I just want to know where you are every seconds, minutes, and hours. Alam mo namang wala ako sa tabi mo e. Gusto kong malaman kung nasaan ka, sinong kasama mo, o kung anong ginagawa niyo. Wala akong katext na iba okay? Just you, only you.

Pinigilan kong mapangiti. Hindi pa ako nakakapagreply nung tumawag ulit siya, this time ay sinagot ko na 'yon.

"Marg..."

"...."

"Hey, Marg. Are you mad at me?"

Hindi pa din ako nagsasalita, kinikilig pa ako e! Baka kapag nagsalita ako e kumawala yung tili ko! Kainis!

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon