ANWC: 20

1.3K 50 7
                                    

Blush

Naaamoy ko ang tapang ng pabango niya, pero kahit matapang yon parang hindi siya nakakainis amuyin. What? Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko!

Lumakad na kami sa red carpet na hinanda namin, mahaba itong carpet at abot talaga siya hanggang stage. May mga flowers din sa gilid ng nilalakaran namin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Akala ko ba mag-gigirls hunting kayo? Paano kayo makakapag girls hunting kung escort namin kayo?" Taas kilay kong tanong. Nakatingin ako ng diretso kahit alam kong nakatingin na siya sakin. Gago tong si Anthony, ano bang ginagawa niya?

"Atsaka... tumingin ka nga sa nilalakaran mo, baka madapa ka pa sa ginagawa mo." Bigla naman siyang tumawa. Yung mahina. Syet na malagkit!

"Nastar struck lang ako sayo, Margarette." Tawa niya. Ano ba Anthony! Wag ka ngang malandi!

"Hindi din ako maghahanap ng babae. Sa tabi mo lang ako, hanggang matapos ang party."

Hindi na lang ako nagsalita. Pakiramdam ko kasi bibigay na ako kapag nagsalita pa ako, baka manginig lang ako. Isa pa ay parang kinakapos ako sa hangin. Ugh! Pisti talagaaa!

Tahimik lang kaming naglakad sa red carpet. Medyo madami na ding mga estudyante at out siders ang nakaupo sa mga pwesto nila. Sa kasamaang palad, Love song pa talaga yung back ground music namin.

Hindi lang naman kami ni Anthony yung naglalakad pero bakit ganito yung epekto nung kanta sakin?

Pagkadating namin sa gitna ay huminto kami para magpatake ng picture, ganoon din ang ginawa nung iba. Nakita ko na ang mga kasama namin na nakaupo sa pinakaharap, sa harap pa talaga sila umupo ha? Mga baliw talaga.

Naglakad ulit kami matapos yung picture hanggang sa makarating na kami sa stage. Tinanggal na ni Anthony ang kamay niya sa bewang ko at tinanggal niya na din ang kamay ko sa braso niya.

Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa ginawa niya dahil makakahinga na ako ng maluwag, o malulungkot kasi hindi ko na siya hawak.

Inalalayan niya ako hanggang sa makaakyat ako sa stage, nakita ko pa si Lucy, at nakita niya din kami. Gaya ng ginawa sakin ni Anthony ay inalalayan din ni Jake si Lucy habang papaakyat ito ng stage. Wala akong panahon sa kanila ngayon kaya hindi ko na lang sila pinansin.

Tumingin ako sa crowd, hindi nakatuon ang atensyon nila sa stage at may kanya kanya silang gawain, may ilang nagkwekwentuhan, nag-aasaran, at kung ano ano pa.

Kita ko naman sa malapit sina bessy, at ang mga mokong ay kinawayan pa ako, pero agaw pansin talaga ang kaway ni Stephan kasi tumungtong pa siya sa upuan, partida nasa pinakaharap sila niyan ah. Nabatukan tuloy ni bessy.

"Attention Students of Miyaki Academy, and visitors!"

Napatingin silang lahat dito sa Stage. Ang secretary ang nagsalita, siya at ang Auditor ang magiging emcee ngayong gabi.

"Can we borrow a little time from you? Hahaha! Sorry for interrupting  your businesses guys! Mukhang nagkakatuwaan na kayong lahat dyan ah! Ano sa tingin mo partner?"

"Oo nga partner! Mukhang hindi pa nag-uumpisa ang party e nag-eenjoy na sila!"

"So before tayo mag-umpisa, magpapakilala muna kami.... I'm Jesaila Natividad, secretary of SCMA!" Masigla talaga silang dalawa, kung tutuusin ay silang dalawa ang pinakamadalas kong nakakausap kapag magkakasama kami.

"And I'm Nikki Lim, the Auditor of SCMA!"

Nagpalakpakan ang mga tao, may mga lalaking out sider pa ang sumigaw. Mga loko.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon