My parents never left me(Bohol Earthquake)

525 13 2
                                    

I read a story here of my fellow boholano. This story I will share is purely with permission to post/share. Please respect :)

Hi! Ako si nessa. Pangatlo sa 4 na magkakapatid. October 15 normal lang na araw sa aming munting tahanan. Ako ay pinagtrabaho ng aking tiyahin sa mindanao. Ayaw ko mang malayo sa aking mga magulang ngunit kinakailangan. Malaking tulong na rin sa kanila ang perang kikitain ko mula sa pagtatrabaho kila tiyang. Nung araw na yun di ko inaasahan na yun na pala ang huling araw na makakausap ko si nanay at tatay. Paggising ko sa umaga (October 14) kinabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mangyayari. Tumawag ako sa bahay at sabi nila nanay na ok lang raw sila. Gumaan ang loob ko.

Kinagabihan, nanaginip ako. Kinausap ako ni nanay at tatay. Sabi niya na anuman ang mangyari, di kami maghihiwalay na magkakapatid. Etong bahay namin magiging isang maliit na eskinita, maraming pagbabago. Tapos bigla na lang akong nagising alas 5 na ng umaga. Di natuloy ang panaginip ko. Kinutuban ulit ako. Bandang alas 8 nang nabalitaan ko sa TV na nilindol ang Bohol. Tumawag ako kila nanay ngunit walang sumasagot. Kinutuban at naiyak ako. Ayaw kong mag-isip ng masama lalo na nung malaman kong lubhang naapektuhan ang bayan namin. Alas 10 ng tumawag ang kapatid ko. Sabi niya wala na si manang, nanay at tatay pati na pamangkin ko. Di ako naniwala.

Hanggang sa marami ng tawag sa cellphone ko at nakikiramay. Totoo pala. Wala na sila. Tanging nakaligtas ay ang kapatid kong lalaki. Nang makausap ko siya (October 20) dahil dun lang ako nakauwi nalibing na ang pamilya namin. Di ko na nasilayan sila nanay, tatay, manang at pamangkin ko. Tinanong ko kapatid ko kung anong nangyari.

K: Di namin inasahan. Biglaang yumanig ang bahay ng napakalakas. Tapos biglang bumigay ang tinapakan namin. Ang huling narinig ko mula kay tatay ay ""IIligtas mo ang sarili mo"" at yun sa isang iglap natabunan na sina nanay at tatay. Ang paa ni tatay nasa dibdib ko. Sinipa niya ako paitaas para makaligtas ako. Ang itsura ni nanay at tatay, manang at pamangkin ay naka upside down. After 3 hours pa kaming narescue dahil sa sunod sunod na aftershock. Nung nailigtas ako, dun ko pa nakita, napakalawak ng butas. Kinain pala ng sinkhole ang buong bahay. Bubong na lang ang natira. Ate sorry. Di ko sila nailigtas.

Nagyakapan na lang kami at nag iyakan. Sinisi ko sarili ko. Wala ng saysay ang buhay ko kung wala sina nanay at tatay. Sana nasama na lang ako sa kanila. Sa ika 40 days nila, bumalik ako sa mindanao upang ilayo sa emotional breakdown. Di ko namalayan sa kakaiyak ko nakatulog ako. Ginising ako ni gina, anak ni tiyang.

G: Ate ano ba? Kanina pa yang cellphone mo. Ang daming text, basahin mo naman.

Binuksan ko cellphone ko, binasa ko at naiyak na lang ako. Nakatanggap ako ng picture na may angel, babaeng nakalipstick, isang lalaking kalbo at isang babaeng may rosaryo. Alam ko yun. Yung angel, yun ang pangarap ng pamangkin ko. Yung lipstick si manang, di umaalis ng walang lipstick. Yung kalbo si tatay at yung may rosaryo si nanay. Iyak ulit ako at dinasal ko sa Diyos na sana mapanaginipan ko sila at tinupad ni Lord. For the last time nayakap ko silang lahat sa panaginip. Pagkagising ko parang ang gaan na sa pakiramdam. Maayos na rin kaming magkakapatid. Mahal na mahal namin ang isat isa. Kailanman mananatili sila sa puso namen :)

-Nessa

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon