My weird sister-in-law VIII: Q&A

265 4 0
                                    

Kamustasa mga brad. Gusto ko ikwento kaso lang ayaw ni Sam. Pero wag malumbay. May naka tama, karamihan sa mga nanghula, tumama. Sila ang nawawalang sanggre ng encantadia hahaha de joke. Wag kayong malumbay mga bibei, kasi yung kwento lang kung paano sya naging ganon yung ayaw pakwento ni Sam. Mejo tanyag sa lugar nila yung nangyari. Hindi sila talaga taga dito samin, kumbaga dayo. Taga ******* sila talaga, umalis lang sila don, lumayo. Masyado kasing masalimuot naging buhay ni Sam. Igalang na lang natin pero ayos lang naman sa kanya na sagutin yung mga naging tanong ko mula nung umpisa hanggang ngayon.

Q1: Pano sya nakakalabas ng umaga?
- Ang nagbigay sa kanya ng lason, oo lason ang term nya, yung mismong source, demonyo. Kumbaga puro yung lason, kaya may mga perks. Nakakalakad sa araw, hindi uhaw sa dugo. Pero mas malala yung kapalit, madali syang mapikon, madali syang mairita. Malakas ang hatak sa kanya ng dilim, ng kasamaan, noon. Totoo na yung mga katulad nya hindi nakakalabas ng umaga kasi parang isa yun sa mga sumpa, ang tawag kasi sa mga katulad nila noon noon pa, nilalang ng dilim.

- Nakakaya ng mga matandang ganun ang sikat ng araw pag umabot na sila sa certain age. Kumbaga malakas na sila, kabaliktaran nila tayo, sa pagtanda nagiging mas malakas sila. Tayo iba diba, yun ang kaibahan nila ni Paeng sa iba, kasi yung iba, hindi makalakad sa araw pag bagong salin, sila ni Paeng kahit 'bata' pa, oo bata pa silang maituturing kung ikukumpara sa iba.

Hirap explain hahaha! Kunwari ganito, nahawaan ako, tapos yung nanghawa sakin, nahawaan rin lang ng tao na naging ganon, hindi ako agad agad makakalakad sa araw. Pero sila Sam iba, kasi yung source mismo yung nagbigay kay Sam, puro yung lason, nung hinawaan nya si Raphael, mejo puro pa kaya nakakalakad din sya sa araw.

Q2: May napatay na ba sya? Ilan?
- No comment.

Q3: May reflection ba sya?
- Meron, hindi agad nawala reflection nya. Pero habang tumatagal, parang nagkaka glitch yun, nawala na lang nung umabot sya sa taon na sa tingin nya dapat patay na sya dahil sa edad. Si Raphael meron pa, kasi sasampung taon pa lang syang ganon.

Q4: Bakit sya nawalan ng reflection?
- Parang paalala na binasag nya yung batas ng kalikasan.

Q5: Bakit may mga picture sya? Sinong nagpaint nung mga nasa bahay nila?
- Katulad ng sabi ni Adam, ilusyon. Tungkol sa mga painting, sila Adam may gawa nun. Ginawa nila yun para icheer up si Sam nung down na down sya.

Q6: Kelan nya nakilala sila Adam?
- Matagal na, tubig pa lang kami nila Dean.

Q7: Kaparehas nya ba sila Adam?
- Hindi.

Q8: Ano ba sila Adam?
- Half breed. Half human, half engkanto. Nanay nila, sumama sa engkanto. Ang alam ng nanay nila iisang gabi pa lang sya nawala, pero pagbalik nya limang taon na pala. Buntis pa sya nung bumalik, quadruplets sila Adam, magkakapatid sila.

Q9: Sinong mas matanda, sya o si Raphael? Ilang taon?
- Sya. Wag nyo na daw alamin ang mahalaga mas bata syang tignan hahaha.

Q10: Kras nya ba si Dean?
- Hindi. Bestfriend lang talaga walang malisya.

Q11: Pero may kras ka?
- Hindi sumagot pero sumulyap sa isang tropa namin na pinaka baliw na babaeng pwede mong makilala.

Q12: Bakit mo kinaibigan si Dean?
- May nakilala kasi sya dati, na katulad ng ability ni Dean. Kaya nung sinabi ni Raphael, na parang may kakaiba kay Dean, sinundan nya.

Q13: Pano mo naging kaibigan si Dean? Hindi ba nya alam na ganyan ka nung una?
- Dahil sa sobrang curious nya, lalo nung may kumausap sa kanya gamit isip ganto daw nangyari. Tandang tanda pa daw nya kahit yung mismong nakausap nya tawa ng tawa nung kwinekwento ni Sam. May nagsalita daw sa isip nya habang naka sunod kay Dean.
Verbatim:

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon