No I don't, but. . . (YES SHE IS, PART 5)

16 1 0
                                    

No I don't, but. . . (YES SHE IS, PART 5)

IV. https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1507363526097916/

No, I am a real Rebecca guys, hindi na ako another personality ng kapatid ko I swear, I am sorry ang gulo, sabi ko nga, kinwento ko, the way Rosie wants to. Hindi naman ako nagmamakaawa na paniwalaan niyo ako e, kung mukhang gawa gawa lang, sainyo na yun, wala namang namimilit sainyo, hindi ko naman iseshare yung nararanasan ng kapatid ko, para lang sa wala. At magtatagalog na ako kasi, masyadong bigdeal sainyo yung GRAMMAR.

Mahirap kasi, sa totoo lang, I have Psychology subject, and sa mga behavior ng tao, lagi silang may explanation, pero, bilang kapatid ni Rosie, na ko confuse ako sa pinagaaralan ko, ano bang mas dapat paniwalaan, na ang lahat ba ng nangyayari sa tao, maeexplain ng sensya, o may iba pang dahilan, cause of supernatural creatures or whatsoever.

Mas napa confuse pa ako, nung nakausap ko yung bestfriend ng kapatid ko na si Kate (hindi totoong pangalan), hindi siya other personality ha.

May bestfriend si Rosie na si Kate. Hindi siya other personality, wala na ako maiseshare about sa other personality niya kasi, hindi na nga siya nagsusulat.

Kakalipat lang kasi namin sa new house namin last year, and she met Kate, na kakalipat lang din. Nasa Rural area lang kami, since ayaw namin ng maingay, or maraming tao, kaya medyo malayo yung area namin sa mga cities.

Rosie is selective, kapag nag aaccept ng new friend, and I didn't expect that she will have Kate, who's very different from her real personality. Madaldal si Kate, and siya tahimik, kate laughs so loud, and Rosie don't, like Mikee in her story.

She visited kanina (Nov 21) and she told me something, kasi naalala niya. Na last year, Nov, naglakad lakad sila ni Rosie after school, to find a peaceful place na pwede mag foodtrip. Nagfophone daw siya non, then she noticed Rosie na nang galing sa Mapuno na part nung pwesto nila, nagtanong siya if saan siya galing, sabi ni Rosie, umuwi na daw sila, pagka check ni Kate ng oras, mag si 6pm na, pero parang saglit lang naman daw sila kasi 2:30 sila nakarating dun, katatapos lang daw nila kumain sabay ganun.

Then minsan, daw, nauuna na daw umuwi si Rosie, pupuntahan daw niya si Mikee, hindi kilala ni Kate, kasi pagkaka alam ko at niya, si Kate lang friend niya doon, sabi ko naman sakanya, ah, baka si Mikee, yung another personality niya.

Pero ano kaya yung lugar na yun?

Gusto ko puntahan, parang may nagpupush sa akin na puntahan ko, na ewan, alam mo yung feeling na yung may tumatawag sayo, kinakausap ka, gamit utak, tapos gusto ka papuntahin doon ganon yung feeling as in.

Hindi na ako makapag post kasi, busy sa school, busy pa sa hospital. Ang ikot ng buhay ko ngayon, school, bantay, tulog, school, bantay, tulog. Nahihirapan na din ako magfocus sa school, bigla bigla nalang akong nagkaka roon ng emotional breakdown, nagkaroon na din ako ng panick disorder, dahil sa mga behavior ni Rosie.

Minsan kasi, nagigising ako, nakatayo na siya sa harapan ko, pero hawak niya yung bola niya, niyaya ako maglaro, iba kasi yung kaba ng dibdib ko e, kapatid ko siya, pero natatakot na ako, simula nung nakita ko na yung papel na nasa ilalim ng unan niya.

Tinry ko ibigay yun kay mama, sabi ni mama, gagawan daw niya ng paraan, to know what's really happening to Rosie.

Rebecca, AR.

*Photo.
Why the photo is like that, crafty si Rosie, madami siyang hilig, pero drawing niya, parang bata nagdrawing, at check carefully, there are some codes, and you'll found out what it is if you check it. . .

Ps. My heart is pumping so fast right now.

That photo, binigay agad sa doctor, after I showed to mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon