Part 1 link
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1500385926795676/Sa mga nagsasabi na malimali grammar ko pasensya na ha? Hindi ko na meet yung standards mo when it comes to GRAMMARZSXS.
Pero ikukwento ko na.
Binisita ko siya kanina sa hospital, cause it's her birthday today. (Not sure if mapopost ba sa day na ginawa ko to Nov 7) nandoon yung mga ibang kamag-anak niya, hindi dapat ako magtatagal, kasi magpapa enroll pa ako.
Nung nakita ko siya, I was happy cause it's her birthday. But at the same time, nanlumo ako nung nakita ko siya, pumayat na siya lalo, lubog mga mata, may mga pasa at sugat siya. Pero yung mama niya masaya. Habang nakaupo ako sa tabi ni Cheska, I asked her mom.
"Ate *toooot* (Baka kasi makilala kung sino si Cheska, very confidential din kasi kahit ipinaalam niya yung story niya) kamusta naman po?"
She smiled.
"Okay naman, rose, sabi ng doctor gumagaling na siya"
Gumaan pakiramdam ko, BUT, Cheska's face isn't that happy.
Kakarating ko lang, pero paunti na ng paunti umaalis mga kamag anak ni Cheska, even though hindi naman sila sobrang dami, hanggang sa, kami nalang dalawa, naghatid kasi mama niya sa isa nilang kamag anak na hindi alam yung sakayan.
This conversation, that I will never forget in my whole life.
Me: "Kamusta? Did you enjoy your birthday?"
C: "Yes ate, thank you for coming ha, ikaw lang naman hinihintay ko e"
Me: "You know I'll never forget your birthday"
C: "Ate, anong sabi nila?"
(She's asking about the story that she wanted me to share)Me: "Sabi nila, you are having a tough battle, and they will pray for you"
C: "Ano kaya ulit feeling ng maging normal?"
Me:"Cheska, you are normal, yung utak mo lang hindi, you can still be better, there's always a hope, normal ka, nasa utak lang na hindi ka normal, mentally ill ka, but still normal, diba sabi ng doctor mo, gumagaling kana? Aren't you happy with that?"
C:"No"
Me:"Ha? Why?"
C:"Hindi ko alam, basta alam ko sa sarili ko na hindi pa din ako okay ate"
Me:"Ha bakit?"
C:"Kung nagiging okay na ako, why is she getting worst ate?"
*She cried* yung iyak niya, parang sobrang tagal na niyang iniipon.
Me:"Cheska what do you mean?"
C:"Did you see this?"
Pinakita niya mga pasa niya na nakita ko kanina, maliliit lang kasi, kaya hindi ko tinanong, pero, nung inangat niya yung damit niya, damn, alam mo yung parang latay na pinag hahampas? Tapos puro pasa, violet na may green, pati sa likod may kalmot.
Naiyak ako sa sobrang awa ko.
Me:"Sino may gawa niyaaaan?"
C:"Ate sabi nila, ako lang daw, pero tingnan mo yung kalmot ko sa likod, hindi ko makakalmot yung likod ko ng ganyan"
Oo nga. Pati ako naloloka? Sinoooo? Sino yun?
C:"Si alex, nagagalit siya sa akin. Papatayin daw niya ako, kapag mawawala na siya, ate natatakot ako, parang totoo talaga siya ate, ate baka sundan kaniya o si mama tapos kayo yung saktan"
Grabe yung hagulgol niya, hindi ko mapigilang umiyak.
She gave me something And I hugged her so tight.
"Cheska, just believe okay, sasamahan kita sa battle mo, you can get rid of this, you are stronger than your fears, you are powerful, you have God within you, in Jesus name you will be healed"
Habang yakap ko siya, nanaas yung balahibo ko, kasi hindi na siya umiiyak. Tumatawa siya. . .
Napa atras ako, kasi, hindi ko alam nangyayari, like, parang papatayin niya ako,
C:"Sinong niloloko mo? Hahahahaha"
Tumakbo ako sa pintuan, kasi sobrang nakakatakot na siya, as in parang papatayin na niya ako, but instead of chasing me, she faced the wall, na parang pinipigilan yung sarili, sinasapak niya yung wall, she's screaming, I don't know what to do, I am stucked, frozen, I open the door to call the doctor pero hindi ako umalis, yung paa ko? Parang hinihila papalapit sakanya, as in may kumo control para lapitan siya,
Nung napa upo ako sa bed niya, yung kamay ko biglang lumapat sa likod niya tapos hinagod,
Me:"Cheska"
Yung boses ko, parang galing sa tuyong lalamunan.
She faced me, nagbago aura niya
C:"Ate? I am sorry? Did I hurt you? Ateeeee?"
Hindi na ako nakapag salita, parang bigla akong nakarinig ng sobrang tinis sa tenga ko, nag so slow mo ata lahat, naalala ko nalang pag alis ko, dumating na yung doctor at yung nurse, yung mama niya, inalalayan ako palabas. Nakikita ko siya sa maliit na glass sa door, nagpupumiglas siya nung tuturukan siya. She is screaming.
"NOOOO! NOOO! PLEASE NOOOO! HINDI AKO YUN!! NO PLEASE BELIEVE ME! MAMA! NOOO PLEAAASEEEE! MAMA PLEASEEE!? MAMAAAA! HELP ME! NOOOOOOOO!"
While watching her losing her strength sa pagpupumiglas, umiiyak na naman ako, while typing this umiiyak ako, kasi, hirap na hirap na siya. Hirap na hirap na talaga siya. Ang sakit ng puso ko ngayon, mas masakit pa sa break up.
Habang nasa door ako, napansin ko hawak ko padin yung binigay niya. Pero nung binasa ko kanina pag uwi ko. Sobra na rin akong, naiiyak, as in sobra. Ang sakit na ng ulo ko ngayon kakaiyak. Kasi sobrang pray na talaga.
I am sharing this for you to help me to pray for her.
Next time ko na ishare yung letter niya na yun dito, gusto niya ipaalam, hindi ko pa kaya ngayon, habang binabasa ko, bigla bigla akong napapalingon, biglang may bumubulong kasi sakin ng "Ate, tulong".
Hanggang dito nalang muna.
Not Really Rosie, Antipolo Rizal