Dinaan ko na lang sa kain lahat nung nagising ako. Nag isip ako ng mabuti. Di pa naman kasi uso ang internet that time kaya wala akong alam sa mga ganun so nabuo ang desisyon kong magpacheck-up. After 2 days, nagpunta na ko sa psychiatrist and 2 nights na din hindi nagparamdam si Aru. The doc said na magtravel ako, maghanap ng taong mapagshare-an ng problema ko, sumayaw/gym/zumba, basta yung galaw buong katawan at itake ang meds. Bago matulog, iclear ko daw mind ko.
Gabi, same day nung nagpacheck-up ako, matutulog na sana kaso may naririnig akong tawa. As in super annoying. Pagkatapos nung nawala na, inantok ako at nakatulog. Aru is back. Tawa sya ng tawa at di ko malilimutan ang sinabi nya.. ""Pinerahan ka lang ng doctor na yun. Di nga nya maipaliwanag ang sinabi mo eh"" at tawa pa rin sya ng tawa. Sinigawan ko sya at pinilit nya akong mag relax.
(Gawa ko scenario. Sorry lang kung mejo kulang at shortcut ang discussions kasi nasa 10-15 years na to nangyari. At ang mga nakalagay dito ay ang mga natandaan ko lamang and of course hinding hindi ko ito malilimutan. Na change man ang ibang sentence construction, ganun pa din ang thought)
Aru: Mag usap tayo. Pirmahan mo na to.
Me: Ayokong mapunta sa impyerno.
Aru: How do you describe hell?
Me: One word, fire.
Aru: No no. Wanna see hell? Mababago yang paniniwala mo.
Me: Tigilan mo ko.
Aru: Life is a choice.
Me: Choice pero may rason at plano si God kung bakit.
Aru: So bat nangyari sayo to? Anong rason at plano you think? Hindi involve ang God sa desisyon ng mga taong nagdala sayo sa sitwasyong ito. Maging sayo, hindi. Tama na ang hypocrisy, sarili mo lang niloloko mo. It's a choice. Choice ng ex mo patayin baby nyo. Choice ng mama mong itago ang sakit nya sayo. Choice mong tumigil sa pag aaral. May choice kang baguhin buhay mo at maghiganti pero it's up to you kung paano mo gagawin yun. Kung iaasa mo lang lahat sa Kanya o sa paniniwala mong rason rason na yan edi ikaw na ang tanga at kasalanan yan. Ikaw ang gumagawa ng kapalaran mo.
Me: Choice na kung choice pero may rason ang mga yun.
Aru: Tumigil ka sa studies kasi gusto mong magwork muna, yun ang rason mo. Ang mangyayari? Mahihirapan kang maghanap ng trabaho in the future dahil wala kang degree. Yan ang effect ng maling paniniwala mo.
Natahimik lang ako. Half way parang oo tama sya.
Aru: Punta tayong impyerno kahit 30 secs lang.
Me: Ayoko ---- (interrupted)
Aru: Wag kang matakot. Safe kaya dun enjoy pa.Bigla kaming nagteleport sa isang amazing na lugar. Alam mo yung feeling sa tiyan pag pababa ang elevator? Ganun naramdaman ko saglit.
Aru: See? everything is here. Timing lang na after mass ang naabutan natin. Di masyado bongga.
(Is this for real? Beyond expectation. Ang laki laki ng pool sa side na yun, may falls at may canopy walk papuntang clouds. Then partly cloudy mejo kumikidlat, all of the flowers are red, nag eenjoy ang mga tao, parang pool party, may inuman pa at iniihaw ang mga pulutan that time)
Bumalik na kami sa room kung saan kami madalas mag usap.
Aru: Ganyan lang buhay namin jan. Pag nabobore, may mga ginagawa kami depende sa gusto ng karamihan. Sige na pumirma ka na.
Me: Hudas ka tigilan mo ko. Alam kong hindi yun ang hell. Ang impyerno ay apoy.
Aru: Bakit, may kakilala ka ba o may alam ka bang nakapunta na ng impyerno? Ako lang yung kakilala mong taga impyerno. Never nanloko at nagsinungaling si Satan sa kahit na sino at labag sa batas namin na manloko ng taong tutulungan namin. We understand you kaya ka namin napili.
Me: Hindi ako pipirma.
Aru: Yang sinasabi mong apoy, okay. It exists. Pero wala kaming kontrol doon dahil para lamang yun sa mga taong binigyan ng ikalawang pagkakataon na mabuhay muli sa ibang katauhan. Para magkachance mapunta sa langit at para sa mga ubod ng sama na hindi rin natanggap sa langit. Iba kami. Ang impyernong pinakita ko sa iyo ay para sa mga taong napipili naming tulungan at naging kasapi namin.
Me: (Tahimik lang)
Aru: Yung mga nasa impyernong apoy, doon lang sila mananatili hanggang sa gusto ni God. Operator lang ang iba sa amin pero wala kaming kontrol. Yung mga tao sa pinuntahan natin, sila ay maaring mabuhay muli sa ibang katawan kung gugustuhin nila.
Me: Nalilito ako. But now I know.
Aru: Naiintindihan ko. Pipirma ka na ba?
Me: Di ko alam.
Aru: Ipapakita ko sayo ang buhay mo sa mundong ito kung hindi ka pipirma.
Me: What do you mean?
Itutuloy...
PS: Akame talaga real name ko mga besh. Half Hapon po ako. 🙂
At yung Rule #12, sorry. It's not what you think. Explain ko sa susunod.Akame