Hello po itago nyo nalang ako sa pangalang ej.....
Nakakita na ba kayo ng kakaibang pamilya? Marahil hindi pa pero isheshare ko sa inyo ang pamilya ko...
Ang pamilya namin ay halo halo ang lahi, hindi sa baliw o may tililing pero kami ang naiibang pamilya.
Isa na dito si lolo juan at kanyang mga pinsan isa silang "Aswang Slayer".. Pumapatay sila ng aswang sa capiz nung araw pa ng kanyang kabataan, kilala sila sa lugar na kanilang tinitirhan dahil nga sa kanilang ginagawa.
Tuwing gabi meron silang dala dalang itak,buntot ng pagi,samurai at ano pang panlaban sa mga aswang..kapag nakakasagupa daw nila ang mga aswang nagaanyong hayop to upang atakihin sila, dahil nga sa mga dala nilang pangontra natatalo nila ang aswang dala dala ang ulo nito..
Pangalawa ang Tiyo at tiya ng aking mama, tuwing umuulan lumulubog daw ang mga ito sa lupa upang manghingi ng gamot sa mga lamang lupa..
Pangatlo ang lolo ng aking mama, isa siyang mangagamot ngunit magtataka ka dahil marami syang librong latin, nung natutulog ang lolo ko sa kanyang tinutulugan sumigaw sya ng " Impakto!! May impakto sa balikat ko" una di ko pinaniwalaan hanggang sa ako ang natulog sa hinihigaan ng lolo ko...
Meron akong nakitang mga puting duwende, oo as in marami sila at ang sabi nila sa akin "Umalis ka na, at baka maabutan ka pa ng duwendeng itim" at biglang sa pagmulat ng aking mata, nakita ko itim na duwende sinlaki lang sya ng Coke mismo at ang pangit ng mukha...marami pang hiwaga ang nangyayari sa lolo ko...tatlong beses syang namatay at nabuhay, astig di ba?
Pang apat ang Tito ko. Isa syang Psychic/Witch/Exorcist/Paranormal expert/ oo isa syang witch, pero hindi black witch, isa syang white witch..at ako naman ang apprentice nya..
Parang Sorcerers apprentice lang hahaha....tinuturuan nya akong magcontrol ng six sense at iba pa...
Ito lang muna kasi marami pang kwento ang di ko nasasabi..