Hi po.. 99% percent explenation sorry haha (huwag po sanang ireveal name ko) So nagbabasa din po ako dito sa spookify pero minsan lang kase matatakutin din ako so eto na po yung story ko.
2011, I was nine yrs. old umuwi kami ng lola ko at ng mama ng lola ko (gets ba) dito sa pinas. Well galing kami ng San Francisco Cali. Sa U.S. So ayun normal lang naman naninibago ako sa bahay kasi nung bata ako balik balik nalang ako sa dalawang bansang to'. So eto.. memorize ko na ang lugar. At medyo ang creepy sobra..
Explanation ( para maintindihan yung storya): We live in pampanga but ang mga anak ng lola ko ay born sa U.S pati kaming mga apo niya. So bale dun kami talaga sa U.S umuwi lang ako para mag aral dito. So eto nga.. ang house namin dito ay simple lang. Pagpasok mo ng namin may space para sa car (which my lola parks the car na yung trunk naka harap sa daan or gate haha hope you get it?) So ayun may maraming space pa para sa harap ng bahay namin. Nasa left side yung parking ng car. So sa harap ng car ay kwarto ng mama ng lola ko na may bintana sa harap (which is makikita mo pati yung daan kapag nasa loob ka ng kwartong yun). Tapos terrace na pagpasok ng bahay namin may isang kwarto (which is yung unang kwarto, kwarto yung ng mama ng lola ko) tapos pangalawang kwarto so magkatabi sila tapos may living room and then banyo tsaka pangatlong kwarto which is malapit lang sa banyo. and then may lababo din na di namin ginagamit kasi may kusina naman sa baba. So sa baba may isang kwarto tapos kusina na yun. Malaki lako din yung baba ng bahay namin. Sa likod naman ng bahay namin. Maraming laman yun. You may know what I mean. Di naman basura kundi mga nakikita ng ibang mga taong may third eye or basta haha. So ngayon 2016 kakatapos lang magawa ng bahay may second floor na sa taas sa harap namin so maluwang na may isang kwarto dun. Which is kwarto ko pero di pa tapos ngayon kase wala pang pintura tsaka mga gamit. So eto na back to the story. Done nako sa explanation haha.
2012, I don't know the exact date but alam ko ang exact year nito. This was thr first creepiest thing I knew when I was a kid. So umaga to' nangyare kase papasok ako sa school non. Naglilinis ng bahay yung tita ko so papasok ako ng banyo kase kakagising ko nun pumasok ako para umihi (as usual) tapos yung tita ko naglilinis malapit sa cr. Pero malayo siya dun sa pintuan. So pagkatapos kong umihi ubos na yung tissue roll so nasa taas ng kabinet yung mga tissue roll so umakyat ako dun sa toilet bowl para kumuha ng tissue roll ng biglang. NAMATAY YUNG ILAW BES! Seriously. Tumakbo ako palabas kasi alam mo naman kung bukas yung ilaw o hinde at kung napundi diba?! BES NAKAPATAY SININDI KO ULIT! Tas tinanong ko tita ko kung siya ba nagpatay nun sabi niya hindi daw siya super curious din ng mukha nung pagkasabi niya nun. Syempre alam kong di siya yung kase ang bilis kong bumaba sa toilet bowl. Dun na nagsimula lahat ng creepy things sa bahay na to'.
2013, nasa kwarto ako. Kakatapos ko lang magwalis kasi nung bata pako at wala pa sa teens eh masipag akong bata haha. So eto napapatulog nako nakapatay ang tv at aircon ang tanging nakasindi lang ay electric fan. Sa kwartong to' (pngalawang kwarto sa bahay) eh kwarto ng lahat noon to'. Luma na kasing bahay ito. So sa room na to'. pgpasok mo may bintana sa harap (kung kakapasok mo lang mula sa pinto 😂) tas katabi ng bintana sa banda taas sa may left side ay aircon sa bandang baba nun ay kama tapos sa rigt side ng bintana katabi nun ay tv. tapos katabi ng tv yung kabinet tapos sa kabinet na yun nakapagitna yung salamin. So ayun EXPLAIN NANAMAN. So hapon yun nangyari ng pumasok ako sa kwarto at humiga ako sa kama. Ng biglang GUMALAW MGA GAMIT NA NAKASABIT SA PINTUAN! OMAGHAAD! tulad ng twalya sinturon pamaypay (yung sa pang ihaw na pamaypay ng matatanda) shet na malagkit! Pero binalewala ko kase wala ako sa mood matakot non.
2014, nangyari ulit yun palakas ng palakas! Bawat nangyayari yun eh once lang in a year pero nung year 2014 TWICE NANGYARI! Same din nung last year 2013 ganun din pero palakas ng palakas eto ha?! WALANG HANGIN O ANUMAN NUNG UNANG NANGYARI YUN HINDI LUMINDOL AT WALANG TAO SA LABAS NG KWARTO! Ang CREEPY diba? Napakabata ko pa nun. 😱
2015, hindi nga nangyari pero one time naglalaro akong lutu lutuan sa likod ng bahay namin may apat na mangga dun yung dalawa samin yun tapos yung isa pang dalawa sa kapitbahay namin pero katabi ng bahay lang namin yung mga manggang yun yung isang malaking puno ng mangga sa likod namin eh sa kapitbahay namin yun. May higante don na itim (alam niyo na tawag don) na nakita ang tatay ko noong di pa ako isinilang. Tulad ng sinabi ko madaming laman ang likod namin kasi maluwag din yon at napakadilim pagsapit ng gabi. May natamaan nga akong taong maliit dun at batang lalaki na nasagi ko daw nung tumatakbo ako. Ang creepy talaga. At nakakatakot dahil marami rin taong may napapansin sa bahay namin. Pero ako sanay nako pero natatakot padin ako.
2016, ito yung taon na bumubukas na third eye ko. Meron ang tatay ko nito imposible ding di ako magkaroon. Ang nanay ko wala naman. Pero malakas kasi ang dugo ko sa tatay ko kaya marami akong nakuha sa kanya. Bata palang ako broken family na ako dahil sa tatay ko. Nakuha ko na lahat ng itsura sa tatay ko pero ang ugali ko mas lamang ang nanay ko sa ugali ko no'. Heller loyal mudra ko eh di man lumagpas 3 boys ng mommy ko no'. So eto na talaga. unti unti ngang bumubukas third eye ko. Monday to' nangyare. Iniuwi ako dahil sumumpong sakit ko na asthma at sakit sa puso (hb te?) 2nd. subject ko yun nangyari so hapon di ako pumasok at bandang 2 nagrest ako at natulog. Sa kalagitnaan ng tulog ko. Gumalaw nanaman yung mga gamit sa pintuan at sa sobrang lakas nagulat ako. Tumayo ako sa kama sa sobrang gulat ko at binukas ang pintuan. Padaan palang ang lola ko sa harap ng pintuan ng kwarto. Sobrang lakas akala ko siya yung pumasok. Btw. Yung mama ng lola ko kakapanaw lang nung aug. Imposibleng siya yun dahil natahimik na siya. At di na siya nagpaparamdam simula nung nailibing siya. Tinanggap niya pagkamatay niya. At di na muling bumalik pa at nagparamdam. Balik ako sa tulog ko. At pagkatapos nun normal na ang lahat. Ngayon naman dec. 7 gabi na hindi ba? Natatakot na ako kaya ako biglang nagkwento dito sa spookify. so eto may nakasinding maliit na ilaw na panggabi sa kwarto, actually kasama kong matulog lola ko dito so eto tulog na siya habang ako nagpatugtog at nagigwiyomi. Ng bigla akong napaptingin sa salamin dahil sa babaeng nakaputi na pang bride ang gown at nakabelong puti wala itsura. Lumilinaw lumilinaw ng biglang naglaho. Tapos tumingin ako sa bandang pintuan wala naman tumingin ulit ako sa salamin at andun nanaman siya. Tumingin ulit ako sa pintuan dahil yung twalayang nakasabit dun ay parang humuhugis madre. Palagi nalang bawat gabi ganito. Tapos bawat nasa kwarto ako at nanonood parang may puting maliit na ilaw na lumulutang tapos pagtitingin ako bigla mawawala. Minsan nga may nakikita akong maliliit na tao (dwende) pero kaagad ding nawawala. Pakalat kalat sila sa bahay buti nga di ko sila natatamaan kase bawat paparating alo sa destinasyun na papunta ako umaalis na kaagad at di ko na makikita ang itsura. May puti. May itim. At minsan parang lumulutang at naglalaro ng habulan. Madami akong nakikitang ganito kahit saan ako magpunta. Simula ng nagpatawas ako kahapon marami na din akong nakikita. Pero di ko pababayaan ang sarili ko. Dahil di ko dapat sila kinakatakutan. Dapat sila ang matakot sakin. Pero kahit na ganon at nagpaparamdam sila sinisitsitan ko nalang sila na umalis na at wag ng magparamdam. Kaya ayun. Sana nagustuhan niyo. Sino sa inyo yung unti unti ring bumubukas ang third eye yung tipong kagaya ko na nararamdaman ang kilabot?
Unique i