"Hindi ko alam kung anong eksaktong date pero ang nataandaan ko April2012 iyon ng umuwi kami sa probinsya ng ate ko, Sobrang saya ko nun kasi iyon ang unang beses na makikita ko ang tanawin ng probinsya namin.
Pagkababa namin ng barko sinalubong agad ako ng mga pinsan ko at niyayang manguha ng siniguelas sa simenteryo. Sobrang saya ko nun kasi ang babait Nila at mukang tatagal ako dun mag-stay.
Nang sumapit na yung gabi, bigla akong nanaginip (Ewan ko kung panaginip yon o bangungot hahahah basta) Isang babae pa ikot ikot lang sya sa paningin ko at nagsasalita, pero ramdam ko na gising ako nun (nanaginip ng gising) Hindi ko lang talaga alam kung bakit Hindi ko mamulat yung mga mata ko at Hindi ko maigalaw ang mga binti at braso ko nun pati pag sumisigaw ako walang lumalabas na Boses . pilit Kong nilalabanan yung babae at nung nawala sya para akong kinuryente kasi pag-gising ko nanginig buong katawan ko.
Kinabukasan, kinuwento ko Kay ate yung nangyari, sabi nya baka daw may na bulabog kaming espiritu sa simenteryo.. pero bakit ako lang yung nakaranas ng ganun? dapat damay-damay kaming magpipinsan e 😂
Hanggang ngayon ganun nangyayari sakin ARAW-ARAW. Pinipigilan ko minsan matulog kasi Alam kong makikita ko na naman yung Babae na yun😒 Di nako masyadong natatakot kasi sanay na ko.
-Ano po ba pwede Kong gawin para ma-stop lahat ng to?lagi naman ako nagdadasal e😭 Member pa nga ako ng Legion Of Mary samin."
Legionis
Antipolo