Nangyari po ito when I was in grade school dko na matandaan ang year pero matured enough para sa mga bagay bagay. Nung nasa Sta Cruz Laguna po kasi kami dhil sa khirapan before naputulan kami ng kuryente kaya ang ginawa ng parents ko nakikabit sa pinsan ko sa kabilang bahay lang gamit ang mahabang extension. So ang may ilaw lang samin ay ung baba. At sa taas kandila na lang ang ginamit namin. Naging ganun ang set up ng bahay namin na umabot din ng matagal. Dahil wala nga kaming kuryente nakikinood kami sa tindahan mga dalawang bhay lang ang pagitan mula sa amin. Ang natira sa bahay ay si ate lang. Actually d talaga siya masyado lumalabas ng bhay since bata siya may pagkalampa kasi daw. So kami ng nanay ko at 2 kuya ko ay nasa tindahan and father ko nmn nsa cavite nagtatrabaho. Around 7 or 8 pm na non sabi ng nanay ko ""umuwi ka na may pasok ka pa bukas"" dahil takot sa mother ko sinunod ko nalang siya. Then pagdating ko sa bahay bukas ang ilaw at may kandila na sa taas kaya matapang akong umakyat. Doon ako nahiga sa paahan ng ate ko tabi kasi kami ng nanay ko at ang nasa kabilang side namin ay double bed kung san ang tulugan nung 2 kuya ko. Paghiga ko iba ung pakiramdam ko parang ewan biglang bumilis tibok ng puso ko. Naisip ko na lang na baka sa pagtakbo ko at pag akyat kaya binalewala ko. Tumagilid ako saglit at napatinga sa double bed ng mga kuya ko ng may nakita akong taong nakahiga sa baba. Napakunot ung noo ko at napaisip ako. Nandito pala si kuya. Tinititigan ko lang siya malaki ang katawan at medyo mataas at mataba kaya akala ko si kuya ko talaga aninag mo nmn ang korte ng katawan niya kasi dun banda nakatapat ang liwanag ng buwan, ng bigla ko narinig ang mga boses ng kuya ko at mga kalaro nila sa bahay ng tita namin umuuwi kasi sila mga 10pm na at walang liwanag ng kandila don dhil may nakaharang na plywood sa pagitan ng higaan. Nanlaki ung mata ko, nanlamig kamay at paa ko at d ko magawang makagalaw sa takot. Hindi ko alam kung saakin ba siya nakatingin o sa bintana kung saan kita ang malaking puno ng sampalok. Ung isip ko gulong gulo hindi ko alam gagawin ko hanggang sa napakanta ako ng worship songs ung tipong sa isang kanta iba iba ung lumalabas na lyrics napaghahalo ko lhat. At nang nagkalakas ako ng loob inabot ko dahan dahan ung kandila sa kabilang side ko habang nakatingin pa din sa double bed. Hind siya gumagalaw kaya nung naabot ko ung kandila tinutok ko agad sa higaan nila kuya habang patuloy pa rin sa pagkanta. Biglang nawala ung lalake sa higaan. At sa sobrang ttakot ko patuloy pa rin sa pagkanta at nung Nakatayo na ko dahan dahan ako humahakbang papalapit sa hagdan. Binaba ko ung kandila na nasa baso habang patuloy sa pagkanta. At ng nasa hagdan na ko karipas ako tumakbo pababa at lumabas ako diretso sa nanay ko. Naiiyak na nanlalambot ako paghawak ko sa kamay ng nanay ko. Tinanong niya ako kung bakit daw ako tumatakbo at bkit pa ko lumabas. Doon ko na sinabi lahat sa nanay ko at nagpalipas lang kami ng ilang minuto umuwi kaming magksama. Sinundo namin sila kuya sa kabilang bahay at don ko nakita sila kuya na naglalaro ng kotse kaya napaisip ako na totoo ung nakita ko sa bahay kasi hindi dw sila lumalabas ng bahay ni tita. Nakauwi na kami nakahawak ako sa braso ng nanay ko natulog.
Ilang araw ang lumipas nakauwi si tatay galing trabaho naikwento ko sa kanya ung nangyari. Kinagabihan nagsaksak ng isa pang extension para umabot sa taas inilawan ni tatay at biglang sinabi ""kaibigan wag naman dito natatakot mga anak ko baka pwede sa iba na lang"" pagkasabi ni tatay non nagdasal siya ng mahina pagkatapos biglang humangin ng malakas papaunta samin as in isang direction lng eh apat ang bintana namin sa taas kaya imposible na padiretso lang ang hangin. After non bumaba na kami at kumain. Kinabukasan si kuya walang pasok natutulog daw siya taas ng double bed ng biglang umuga ung higaan ung parang lindol daw sa lakas. Minura dw niya ito at ilang saglit tumigil tapos naulit na naman sumilip daw siya sa baba wala daw tao. Tinignan niya sa ilalim wala daw tao tinanong niya si nanay na nagluluto sa baba kung umakyat daw ba siya nagalit pa daw si nanay. Mabilis kasi siya hapuin dahil highblood at that time nagluluto siya. Then si nanay nagkwento din nakaranas din daw siya ng katulad kay kuya. Kaya naniniwala sila sa kwento ko about sa malaking lalake sa double bed. Hindi lang pala ako ang may karanasan sa higaan na yun. Pagkagraduate ko ng elementary sa manila na ko nag aral at sila nanay at kuya lumipat na din ng tirahan dto sa santa rosa. 9years ng walang tao sa bahay na yon at maging mga kapitbahay namin ay may nakikita naman na babaeng nakaputi na nakapwesto sa Cr. Kaya may nakasulat sa pintuan na haunted house.
Salamat po sa nagbasa slightsmile emoticon pasensya na mahaba hehe slightsmile emoticon
Totoo po ang nangyari samin ..J
Santa Rosa Laguna