It was me
This will be kinda long, but this is worth reading.
This is a story of a friend of mine.
(january 27 2019)
Mag isa na naman ako sa bahay, wala sila mama at papa, pati si ate. But since na bobored ako, at hindi na ako nakakapagsulat, I will write here my chika about last week. Pauwi na kasi ako galing school non mga around 7pm, 6:30 kasi labasan namin e, papaliko na ako sa kanto, may bola na gumugulong papunta sakin ang cute kulay pinkish na may orange na designs, I looked around, tahimik naman? Sa Subdivision kasi namin bawal maingay pag gabi na,wala naman akong nakita, sinipa ko nalang yung bola sa gilid para kung kanino man yun makita pa niya, "Ate Alex" nagulat ako, kasi sa likod ko siya nag appear, "oh? Gabi na bat dito ka pa?" Naka smile lang siya sakin super adorable ng face niya, "si kuya kasi pinag titripan ako, tinatago niya yung bola ko" hay nakahinga din akong malalim, kasi ang weird. "Ikaw ate? Gabi na ah" sabi ko "ganito talaga lagi kong uwi every wednesday", "ahh okay po, samahan na kita pag uwi" tapos hinatid niya ako sa amin ang daldal niyang bata, kinuwento niya na, kakalipat lang daw nila sa subdivision, kaya siguro hindi ko siya mamukhaan, pumasok na ako ng gate tapos kumakaway siya sakin sa labas, taposss ang blurred ng mukha niya hays siguro, lumalabo na talaga mata ko, then yung ate ko galit na galit pag pasok ko ng bahay, ang gulo daw kasi ng kwarto niya, tapos sa akin sinisisi, e wala naman ako sa bahay buong maghapon? Tapos sigaw siya ng sigaw, si mama naman pinagsabihan na siya kaya tumahimik na.
Then kinabukasan, may meeting kami for thesis, sa bahay ko nalang sila pinapunta, kasi sabi ni mama, para di na daw ako mapalayo. Nung makarating na sila, ang iingayyyy, buti kagrupo ko din yung bestfriend kong si Mikee, diba na kekwento ko na rin dito yun, kaya lahat ng mga idea sa thesis, sakanya galing, matalino e.
Hay nakakapagod naman magsulat. Papangit ng papangit yung sulat ko. Kinagabihan non, naghanap ako ng libro na babasahin, may nakita ako sa sala, may name "Francheska**%==¢{¢" huh? Siya na naman? Siguro hiram ng hiram tong si ate ng mga libro sa kaibigan niya tas hindi binabalik, pati sa kwarto ko may ibang libro dun nakapangalan sa francheska na yan, tapos kapag magulo kwarto niya, sa akin magagalit. Alam mo naman, sa lahat ng pinagsususulat ko dito, puro ata kay ate tas sa pag ka galit niya ibang kwento dito, but whatever. Nangangalay na kamay ko.
Pero may hindi talaga ako makakalimutan na ichichika sayo, may time na, mag isa ako sa bahay, tas may naglalaro ng bola sa labas ng kwarto ko. Wala naman akong kapatid na maliit, sa sobrang curious ko, nagbukas ako ng pinto, nakita ko yung bataaaaaaa!!!! "HI ATE!" Tas nakangiti siya, TAPOS WALA SIYANG MATA!!!
OUT OF NOWHERE, BIGLANG GANON NANGYARI, NAGISING AKO, NASA SALA NA AKO, HINDI KO ALAM YUNG NANGYARI, BASTA HINDI KO ALAM KUNG NANANAGINIP BA AKO, OH KUNG ANO BA TALAGA, sa sobrang kaba ko uminom muna ako ng water, ang tagal ni ate umuwiiii, ayoko ng ganitong klase na may vacant every weekdayss, ako lang lagi mag isa sa bahay, tinawagan ko si Mikee, sabi ko, samahan ako, tapos okay daw, mamaya maya kumatok na siya, naka smile siya sakin ang weird kasi hindi siya pala smile, TAPOS HAWAK NIYA YUNG BOLA NUNG BATA, sabi ko "San mo nakita yan" sabi niya "Dito sa labas ng pintuan niyo" like what da heck girl, nababaliw na ako. Binalewala ko nalang muna, tapos umupo kami sa sala, yung sala namin is, sa likod ng sofa hagdanan pataas, tapos may tumatakbo sa itaas, tinitingnan tingnan ko si mikee kung naririnig ba niya pero, tumatawa lang siya sa pinapanood namin, ang weird kasi hindi naman siya ganon! Even the most funniest joke can't make her smile nor laugh, "ATE MIKEE" HOLYCOOOOW! yung bata pababa ng hagdan, ganun pa rin yung mata niya! PATI SI MIKEE! Tumakbo ako papalabas ng bahay, hindi ko na alam yung nangyayari sakin, naging madalas na yon, na parang panaginip, pero feeling ko hinihimatay lang ako, tapos bumabalik ako sa sala, dahil dun lumala yung panic disorder ko, simpleng bagay lang, nababaliw na ako, kaya ngayon, nagkukulong ako sa kwarto, ano man marinig ko pinapangako ko sa sarili ko na"
That is the last page written on my friend's diary, bago siya ma diagnosed Feb 2019.
She told me to tell about her story, nag basa ako ng ibang pages, puro mga taong to, yung nasa kwento niya, nagstart lang around Nov 2018. We are not closed, but she's been a part of my life, cause she helped me sa acads, I visited her sa Hospital, and nakita ko nagsusulat siya, yung mama niya nandoon, bawal na siya mag isa, bigla bigla daw kasi siyang nagbabago, at hindi siya aware don, iba yung nasa isip niya, yun yung mga nasa kwento niya, alam niyo ba yang mga capslock na tinype ko? Sobrang diin niyan sa papel, yung last part na "sarili ko na. . ." biglang guhit tas napunit yung papel sa sobrang diin nung pagkaka sulat. Habang tinatype ko to, hindi ako natatakot, naaawa ako para sakanya, cause she don't know. She is just scared, ayun nalang nafifeel niya. She is Francheska, yung mga book na nakikita niya, sakanya yun, mahilig siya magbasa, in her real personality, siya din yung ate na sinasabi niya, wala talaga siyang kapatid, lagi niya daw nagugulo kwarto niya tapos magagalit, siya rin si Mikee, sobrang talino niya talaga, at siya din yung bata, kahit sa hospital, dala dala niya yung bola niya, tapos minsan na makikita daw niya yun, sobrang takot niya. The last time we talked, Oct 29 she wrote on a note, sabi don
"Nobody knows the real me. Even myself, I don't know me. I just wanted to be normal, some of them are gone, the kid, my bestfriend mikee, ate, but who hunts me everytime now is Alex, who always smiles at me, and telling me she gonna kill me"
She thinks before that she is alex, pero Si Francheska talaga siya, ngayon na under medication siya, sana gumagaling na siya dahil nagiging aware na siya na siya sa Francheska, pero sa ngayon, si Alex naman ang nakikita niya.
Rosie, Antipolo Rizal.