"Bahay pagamutan ng mga Sundalong sugatan at iba sa kanila dito namamatay"-caretaker
Back when i was in 2nd year High School, I decided na mag rent ng isang Silid, para hindi na ako mahirapan sa pag byahe ( 1 hour travel from Home to School)
So naghanap ako ng room for rent with my 2 girl friends .Puro full na ang mga Silid pa upahan malapit sa School namin, so naghanap kami sa may malapit sa plaza at 500 years old na simbahan, para pag gutom pak food everywhere. (3 minutes walking papunta sa School)
-Fast forward-
So yes , Naka hanap din kami ng ma uupahan bes, Malinis at malaki ang mga silid , Antic lahat ng gamit , lamesa, pintuan, Higaan.. pero ang naka akit sa aking paningin ay yung Piano na facing sa pintuan ng Dati dawng May-ari ng bahay. (200 years ago).
So yun Room naman namin was like 12 steps from the owners bed room.
Our first and 2nd month was quite good with lola mimi, Oo may nakatira doon pero nakikita ko lang sya every 6pm naka wheelchair at may tag name sa gilid ng damit nya na "Mimi" until nag pa renta ang caretaker ng mga lalaki dun sa kwarto ng may-ari ng bahay dati (para magamit daw sabi ni ateng caretaker)
So pag dating ng mga boys, (4 silang umupa sa isang kwarto) parang naging Club ang Bahay na yun.. Lasingan doon, Yusi dito, nagdadala ng chix , envited a lot of friends, nag pa pa music ng malakas as in feeling nila na parang nasa club sila. Every night nila yun gina gawa then kami naman sa kabilang kwarto nag titimpi na while yung isa kong friend lumabas na para mag request na hina.an ng konti yung music kasi kulang nalang isang +1 sabog na tenga namin pati utak sa lakas ng volume.
Pero one night nagulat kami ng mga friends ko dahil walang kaluskos maski tawa or ubo ng mga boys sa labas, ang tahimik sobra, napa dasal kami sa tuwa bess..makaka tulog na din kami ng maayos kahit sang gabi lang. Kaumagahan gandang gising namin, yung isang friend ko lumabas ng kwarto para bumili ng pandesal, nakasabay nya yung isang boarder na boy nag tanong friend ko
F: oi, himala at tahimik kayu ka gabie?
B: (takot ang expression ng mukha)
F: bakit? Pinagalitan kayu ng caretaker! Huh! Buti nga!
B: hindi, ang-ang- Piano kase..a..a..ahh.aa. nag play mag isa nung nag liligpit na kami..
F:Lasing lang kayu.(tawa)ilang gabi na ang nagda an wala na talagang maingay na sounds at tawanan. Parang na feel ko nung time na yun walang nakatira sa kabilang kwarto dahil sa sobrang tahimik.
2:56 am naiihi ako nung time na yun yung feeling na gusto munang umihi sa short mo , kaysa lumabas at pumunta ng C.r, damn! Papunta na ako ng c.r feeling ko may sumusonod sa akin tas nung nasa loob na ako ng C.R na feel ko na nasa labas at may nag hihintay sa akin. (200 years old na C.r mga bes) tss non pak bes! Paa bes! Paa! puting puting paa bes na parang may mga pasa at sugat.. at ako parang hindi na tumitigil ihi ko dahil sa takot! Pumikit nalang ako tas nag dasal. tas nung pagdilat ko wala na yung paa. Tumakbo ako as in like the flash. Pero nung isasara ko nang pintu ng room namin may sumitsit bes! Tumingin ako sa orasan 3:12 am na.damn! Ginising ko ang isang kaibigan ko, yun may narig kaming napaka creepy na tunog ng piano,may nag plaplay, ang kaibigan ko naman nagalit dahil pinag tritripan daw kami ng mga boys, kaya pinuntahan nya (di naniniwala ang friend ko sa mga spirito or multo)
pag tingin nya sa may piano walang tao, at may cover ang piano, kumatok sya sa pintu ng mga boys, walang bumukas, hangang naitulak nya tas pagtingin nya walang tao at gamit..
Nag mura sya ng malakas p*t*ng chuvhu. Galit na galit sya, pero pag daan nya daw sa may hagdan malapit sa isang silid na hindi na ginagamit (silid kung saan nilalagay ang mga sundalo na namamatay noon) Napa tulala sya sa nakita nya at tumakbo. Sabi nya nakita nya daw ang mga bangkay ng mga sundalo tambak tambak ,at may isa dawng parang nurse na puro pasa at sugat na parang nililista ang mga pangalan ng mga sundalong namatay. Pero ang mas worst daw ai tumingin sa kanya ang nurse tapos tinuro anh mga sundalo. Yun pagdating nga kaibigan ko sa room nami, di sya maka pag salita! ma putla at tulala! hindi pa nya e kwenento kung anong nakita nya.
kinabukasan nilagnat sya tas Yung isa ko namang friend bumili ng gamot at mainit na sabaw tas nung napa daan sya sa may lamesang antic (dun daw nag me meeting ang mga leader na sundalo dati) may parang hiyawan at nagtatawanan sa may lamesa pero walang tao. tumaas daw lahat ng balahibo nya sa katawn at nag mamadaling lumakad..
Nag tanong ako sa caretaker kung nasaan na ang mga boys sabi naman nya umalis na daw (walang sinabi na dahilan) tas nag tanong ako if nasaan na si Lola Mimi ? Gulat na gulat ang caretaker sa pag sambit ko sa pangalan ni Lola Mimi.
nag change topic sya, sabi nya na last month nadaw namin doon dahil di nadaw pa uupahan ang bahay na yun, tapos umalis dalidali si ateng caretaker.
-FF-
Last day na namin ligpit na lahat ng gamit namin at nag tambay nalang kami sa may bakery sa labas ng inuupahan namin, nung biglang pumasok si ateng caretaker at nag kwento, sabi nya Umalis ang mga boys daw dahil sa takot at kababalaghan..tas sabi ni ateng na yung Lola mimi daw na nakikita ko ai matagal nang patay, sya daw ang nagbabantay kay lola noon pero inatake sa puso sa mismong lugar kung saan ko sya palaging nakikita.. sabi ni ateng caretaker 200 years old nadaw ang bahay na yun, maraming namatay na dun, at yung piano na tumutugtug ai pag mamay-ari ng isang Strictong español. May na e kwento si ateng caretaker na may isa dawng lalaki na nag deliver ng tubig, kaso pag akyat nya sa hagdan may babae dawng lumulutang palamit sa lalaki.
Tapos meron ding nakikita ang mga taong dumadaan sa bahay na yun isang matanda na palaging nasa bintana .-sorry po.