KUYA NIK

402 7 0
                                    

Ang kuya ko ay ipinanganak na normal. Nakakalakad siya, naitataas ang kamay, nakakapagsalita, kagaya na lang ng isang normal na bata. Masayahin siya at laging nakangiti.

Ang nakakatuwa sa kanya, lagi siyang pinagkakaguluhan ng mga kaklase niyang babae noong nursery pa lang siya. Hinahalikan at kinukurot daw siya sa pisnge. Cute siya dati. .

Pero di inaasahan ng mga magulang ko, ang panganay na kuya kong si Kuya Kris, at ang pangatlo kong kuya na si Kuya Joe (hindi nila tunay na mga pangalan) na pagdating ng sampung taon ni kuya ay lalabas ang sakit niya. Ang tawag dito ay Duchene Muscular Dystrophy. Hindi niya naigagalaw ang mga muscle sa katawan niya dahil naninigas ito habang tumatanda siya. Lagi na lang siyang nakaupo sa kanyang wheelchair at naglalaro ng COC sa kanyang tablet.

Kami ang nag-alaga sa kanya. Sina kuya at mama na nagpapaligo sa kanya, at ako naman na helper lang nila dahil sakitin at mahina rin ang katawan ko. Hindi rin naalagaan ni papa si kuya dahil nasa Amerika siya nagtatrabaho.

Close kami ni Kuya Nik. Tuwing wala sina mama at kuya sa bahay, ako ang nag-aalaga sa kanya. Ako 'yung nagpapainom ng tubig sa kanya, nagpupunas ng mukha niya, taga-abot ng ihian niya, at kakwentuhan niya.

Minsan kapag tinatamad ako (inaamin kong tamad ako), naiinis ako at masisigawan siya dahil sa mga utos niya. Oras-oras kasi ay naiihi siya. Di ko naman siya masisi at magi-guilty ako pagkatapos. Maya-maya naman ay magbabati na kami at magtatawanan. Mahal ko si kuya, e.

Taong 2011, may nakilala kaming babysitter ng pamangkin namin sa pinsan. Nasa Bicol kami noon dahil pumanaw si mamang (lola). Maganda 'yung babysitter ng pamangkin namin. Di ko naman alam na mahuhulog ang loob ni kuya sa kanya. Iniwan namin siya doon sa Bicol dahil mas safe doon kaysa dito.

Kwinestyon ko pa siya noon, magkakagusto kaya ang magandang babae sa may kapansanan? Pero naging open minded ako at posible 'yon.

Di ko lang inaasahan na masama pala ang ugali ng babaeng 'yon. Sinasabi ko kay kuya na iwasan niya na 'yung babae. Hanggang ngayon, limang taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya nakakamove on kahit na may boyfriend na 'yung babae.

Madalas akong mainis sa kanya dahil hindi mawawala sa isang araw na hindi niya mababanggit ang pangalan ng babae. ""'Wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan niya kahit ngayon lang. Kuya, may boyfriend na siya, at posible ring asawa niya na 'yon"" sabi ko. Summer noon nang sinabi ko 'yan. Nasa Bicol kami para alagaan siya.

Bumalik kami dito sa Maynila. Dumating 'yung araw na nagalit siya at nagpost ng galit niya sa facebook. Hindi ko na lang pinansin at hinayaan namin siyang pahupain ang galit niya.

Maliban sa babae, 'yung car business din na pinapangarap niya. Gusto niya magpa-boundary ng sasakyan. Pero hindi pa namin kaya ang bumili dahil dalawa pa kami ni kuya Joe ang nag-aaral. Sinabi ko sa kanya na ""Promise kuya, pagkatapos ko mag-aral, magtutulungan kami na bumili ng sasakyan para sa iyo.""

""Mahihintay ko pa ba 'yan?""

Ang linyang 'yan ang naaalala kong sinabi niya.

Hindi ko pa naisip ang ibig sabihin niya doon.

Naaalala ko pa noong nandito pa siya sa bahay, tinanong ko siya ng ""Kuya, mahal mo ba ako?"" Bakit hindi siya nagagalit na ganun siya? Bakit hindi siya nagsisisi na ganun siya?

Tinawanan niya lang ako pero tinanong ko ulit siya. ""E kuya, mahal mo ba kami?""

Tumingin siya sa akin at ngumiti sabay sabi ng ""Oo naman!""

Ilang buwan din kaming di nakakapag-usap hanggang sa mabalitaan namin na may pneumonia siya. Nagpadala si papa ng dagdag na pera para sa pagpapagamot ni kuya.

Makalipas naman ang isang buwan, June 23, 2016, binati ko siya ng maligayang kaarawan sa facebook at kinausap siya. Sabi niya okay na daw siya at magaling na. Wala na daw siyang sakit. Sinabi ko sa kanya na ipagbebake ko siya ng cake next year para sa birthday niya at magiging top 1 ako ngayong grade 10. Naging maikli lang ang pag-uusap namin.

Pagkatapos ng dalawang araw, June 25, 2016, tumawag ang tita ko na sinugod sa ospital si kuya dahil di raw makahinga. Di ko na alam ang gagawin ko at umiyak agad.

Naging magulo ang isip ko at unang beses ko rin na makitang umiyak si mama. Uuwi na dapat si mama kinabukasan sa Bicol pero pagkatapos ng ilang minuto ay tumawag ulit si tita na umiiyak. ""Wala na si Nik.""

Para bang gumuho ang mundo ko at bumaha ng ala-ala sa isip ko. Bakit ako naging makulit na kapatid? Bakit di ko pinakitang mahal na mahal ko siya? Bakit biglaan? Bakit di siya nagpaalam?

Mas naging magulo ang isip ko nang malaman ko na hanggang 25 lang ang buhay ng taong may sakit na ganoon. 24 siya nang mawala. Siguro di na niya kaya. Di ako na-inform. Siguro dahil ako ang bunso at di na sinabi sa akin para di ako mapressure.

Pero hindi, e. Naapektuhan ako ng pagkawala niya. 'Yung pagsisisi ko, nandito pa rin sa puso ko.

Nang isang araw, bigla na lang sumagi sa isipan ko na maglaslas. Parang may bumulong sa akin na ""Sige, maglaslas ka. Sundan mo na ang kapatid mo.""

Sinubukan kong laslasin ang pulso ko gamit yung edge ng ID ko dahil matulis. Paulit-ulit kong ginawa 'yon hanggang sa magasgas ang balat ko. Napakavisible nito dahil maputi ang balat ko. Di sumagi sa isipan ko na paano kung makita 'to ni mama?

Pagkalipas naman ng ilang araw ay naghilom ang gasgas sa balat ko. Nandiyan na naman yung boses na bumulong sa akin. Wala sa isip ko na kinuha ang gunting sa bag ko. Matulis ang gunting ko at success. May lumabas na dugo. Kahit sa isang saglit, nakuntento ako.

Nang dumating ang hapon, may baking class kami. Tapos na ang discussion ng teacher namin at hinayaan kaming manood ng movie sa nakakabit na TV sa room. Hindi ko namalayan na nakita na pala ng isa kong kaklase ang laslas.

""Naglalaslas ka? Bakit?""tanong niya. Sinabi kong 'wag siya maingay pero mas nilakasan niya ang sunod niyang sinabi. ""Maglaslas ka nga sa harapan ko. Dagdagan mo, dali."" Hindi ko naman alam na nagbibiro lang siya.

Pumayag naman ako at kinuha ang gunting sa bag at naglaslas sa harapan niya. Nakita ko ang takot sa mukha niya. Pinagtinginan na kami ng mga kaklase ko. Buti na lang at nasa labas ang teacher namin nang mangyari 'yon.

Lumipas ang isang buwan at naglalas pa rin ako. Ang lesson kasi sa English ay overcoming challenges in life.

I took all the courage at sinabi sa harapan ng klase ang nangyayari sa akin. I desperately needed help. Gusto kong may sumampal sa akin ng katotohanan.

And it happened. My teacher in English wasn't happy.

""I'm glad you took the courage to say that in front of everyone. And you know what, your brother won't be happy and proud of you. The reason you're doing that is because you can't let him go. I was thinking of talking to you for I saw all of your works. Your stories are as depressing as you are. Let your brother go. And that's only thing that can save you"" she said.

Umiyak ako nang sabihin niya 'yon.

Sinampal niya ako ng katotohanan.

And so I did let him go.

Kuya, naalala ko pa rin ang mukha mo. Kung paano ka ngumiti, at naririnig ko pa rin ang boses mo sa isipan ko. At kung paano mo bigkasin ang pangalan ko. Napanaginipan kita na nakangiti sa akin. Ayun ba 'yung pagpapaalam mo sa akin?

Kuya, natupad ko ang promise ko sa iyo. Top 1 ako! At sana magtuloy-tuloy pa bawat grading.

Nagpapasalamat ako sa English teacher ko. Thanks for saving me.

정한솔 Kharah

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon