Nov 8, 2016. Last night ni Kuya Jon, andaming tao. Hindi ako makaupo kasi maya't maya may darating. Dun ko narealize kung gaano kamahal ng mga kakilala nya si Kuya Jon. May mga umuwi pa talaga galing ng ibang bansa. May mga hindi pa rin makapaniwala na si Kuya Jon na joker ng lahat wala na. Si Kuya Jon na mapapangiti ka kahit pasan mo ang buong planet nemic. May mga naiyak na lang habang nakatingin sa mag-iina nyang naulila nya.
Nagbibigay ako ng kape nung magtalunan yung dalawang anak ni Dean tapos tumakbo papuntang gate. Hinabol ko syempre, pero alam nyo yung para akong nakaire ng matigas na tae, ganon, sarap sa pakiramdam. Si Sam, nagsi-tatay yung dalawang bata, tatay tawag nila sa kanya, actually saming lahat na mga tito nila tatay o kaya daddy tapos papa naman sa papa nila. Nung makita nya ako, nakipagtapikan sya sakin sa likod, amoy jovan si Sam. Tapos sabay na kaming pumunta kay Dean na nagbibigay ng sopas sa mga nakikilamay. Kinuha ni Sam yung tray tapos binigay sakin si Dean nakatulala lang sa kanya, gulat na gulat. Nagyakapan sila tapos iyakan. Nung mapatingin ako dun sa kabaong ni Kuya muntik ko ng mahulog yung tray kasi dun sa ibabaw ng kabaong may itim, katulad ng description ni Kuya Mike, hulmang babae. Lahat nakafocus kay Dean at Sam, ako lang tyaka yung panganay na anak ni Dean nakapansin yung paghablot ni Raphael dun.
'Taytay, yun yung pumatay kay papa ko' Gulat ako sa sinabi nung bata. Binuhat ko sya tapos binigay sa lola nya. Pagbalik ko sa labas, sa bawat sulok na hindi naabot ng ilaw may mga pulang mata. May mga bagong dumating, kumuha ako sa tita ni Dean ng kape, para mabigyan ko sila. Pero nung tignan ko sila ng mabuti gusto kong ibuhos na lang yung mga mug ng kape sa kanila, puro pula mga mata nila, hindi pula na adik, pero yung dapat na itim na kulay o brown, pula mukha silang demonyo. Nung lumitaw si Raphael, naka ngiting aso. Nagtaka ako kasi may hawak syang supot, kulay brown yung nakalagay, hindi asukal kasi pino eh, parang kalawang tapos isa isa nyang nilagyan yung mga mug, ang pinanghalo pa nya yung daliri nya na galing sa ilong nya, dugyot.
'Bigay mo na sa kanila'
Tinutulak tulak nya ako palapit sa mga yun, lima sila, tatlong babae, dalawang lalaki, naka itim lahat. De binigay ko, yung isang babae pa nga, hinaplos yung braso ko, ramdam ko yung kuko nya nagmarka pa kasi dry skin. Sabay sabay silang umubo, malaman. Tapos gulat ako pati sila, kasi may dugong kasama, malapot. Nagtinginan sila, akala ko ako yung may kasalanan tapos tumabi sakin si Raphael tumatawa.
'Mesherep?' Ganyan pagkakasabi nya.
Nakatakip ng bibig yung lima, nakaamoy na ako ng dugo, pero yumg amoy ng dugo nila ang tapang, sobrang lansa tyaka ang itim itim. Umalis sila, kasabay ng pag alis nila, nawala na rin yung mga pulang mata sa dilim. Tapos may mga bago na namang dumating, apat na lalaki. Nung nakita sila ni Raphael lumapit sya.
'Ginagawa nyo dito?'
Yung isa ang sama ng tingin sakin. 'Sya yung nagkwento?'
'Kayo maunang sumagot, anong ginagawa nyo rito?'
'Hoy Paeng, wala kaming alam sa nangyari. Yung lalaking namatay, may alam sya, hindi nyo lang alam. Yung tinatanong mo nung nakaraang gabi sa text, kaya kami nandoon kasi sasabihan sana namin yung babae'
Ang hirap iabsorb sa utak lahat. Magjump in na lang ako dun sa ginawa nung apat nung wala ng tao tapos kami kami na lang nila Dean ang gising. Gulat si Dean nung makita yung apat. Nung tumayo yung pinaka matangkad pumalakpak sya.
'Okay people, beauty rest, uwian na'
Nagsitayuan lahat tapos sabay sabay na umalis. Yung mga kamag anak ni Dean nagsipasukan na sa bahay, tinitigan ko lang yung lalaki kasi parang ang simple nya lang pero paano nya nagawa yun sa lahat. Nung mapatingin sya sakin pailing iling sya tapos tumabi sya sakin. Bale ang natira na lang, si Dean, Sam, Raphael, yung apat tyaka ako.