Sa pagkakaalala ko, 9 years old ako nung nangyari to e. May arinola kasi kami sa kwarto para pag iihi sa gabi di na kelangan lumabas. Nung gabi na yun, naglakas loob ako na umihi lang mag isa. Di ko na ginising si mama. Di ko lang inexpect na don pala ako makakakita ng white lady. Pagtaas ng pagtaas ko ng ulo ko nandon na siya sa harap ko. Kung yung ibang white lady mahaba yung buhok, yung nakita ko hindi. Maikli yung buhok niya na hanggang balikat. Nakaluhod siya habang nakatingin sa akin pero walang mata. Basta ganon. Sa sobrang gulat ko napatakbo ako pabalik ng kama. Nauntog pa nga ako sa headboard ata yun ng kama. Di ko ginising parents ko nun. Nagtalukbong lang ako ng kumot sabay pray.
Kinabukasan kinuwento ko kay mama. Umiiyak pa nga ako habang nagkwekwento. Don sinabi ni mama na may nakatira pala talaga sa punong nasa tabi ng bahay namin. Yung punong yun as in malaki talaga. Tuwing pinuputulan daw yung sanga nun nagkakasakit yung pumuputol. Sa sobrang takot na din ng parents ko lumipat na lang kami ng bahay. Pero same barangay pa rin. Ayaw kasi nila lumayo sa mga kamag anak namin. Pero akala ko sa paglipat namin maiiwan na din yung babaeng nakita ko. Pero nagkamali ako. Halos gabi gabi naririnig ko yung yapak niya na papalapit sa akin. 16 years old na ko. Almost 7 years na rin pala siyang nagpaparamdam sa akin.
Meron pang isang gabi na may nakita kaming patak ng dugo sa sahig. Akala nga ng parents ko sa daga yun. Pero hindi. Patak patak siya na parang galing sa kamay. Nagsimula yung patak patak na yun sa bodega namin papunta sa kwarto naming magkapatid. Sabi ng parents ko mukhang hinahabol habol daw ako nung babae na yun. Hindi ko alam kung ano yung dahilan. Pati yung isa kong kaibigan pinakitaan niya nung dito natulog yung mga classmates ko. Hindi ako umiimik nun nung biglang sumigaw yung kaibigan ko at sinasabi nys na may nakita sya sa salamin namin. 3 lang kaming tao nun sa bahay. Wala parents ko pati kapatid ko. Pag sinabi ko yun, ano na lang kaya nangyari samin. Pinilit kong wag matakot nun. Kasi yung dalawa kong kaibigan kaiyakin na. Pinilit kong ibahin yung ambiance sa bahay. Nung dumating parents ko doon ko sinabi sa kanila na may babaeng nakatira talaga sa bahay namin na hindi tao. Siya rin yung tipo ng white lady na ayaw sa maingay. Haha. Choosy siya.
Pag nag sing a long kami ng mga pinsan ko, pinapatay niya yung speaker. Minsan namin hinihinaan niya yung volume. Hahaha. Pero ito talaga yung hindi ko makakalimutan na nangyari. Tinulungan niya ako nung muntik ng masunog bahay namin. Ewan ko ba kung bakit ako nagprito ng footlong sa takip ng kaldero. Haha. Kinain daw ng init yung takip kaya umapoy. Wala yung parents ko nung nangyari yun, kami lang ng 2 kong pinsan pati ng 2 kong pamangkin. Nung mga time na yun nagiging salat sa tubig yung Palawan PPC. Nagulat na lang kami na may apat na balde na may tubig sa harap ng umaapoy naming dingding. Wala naman yun doon nung nagluluto ako. Alam kong siya ang may gawa nun. Kung hindi dahil sa kanya baka wala na kaming tirahan ngayon.
Hindi na ako natatakot sa kanya. Kahit na alam kong gabi gabi nakatingin siya sakin. Minsan pa nga tinatabihan niya ako. Kung pwede ko lang siya makausap, magpapasalamat ako sa ilang beses niyang pagligtas sa akin.
Vin