My suitor

289 7 0
                                    

Medyo mahaba so please bear with me guys.. 😂

It happened 16yrs ago.. i was 11y/o that time..

Laking cavite ako somewhere in gen.trias..

Pabahay siya ni gloria that time.. konti palang yung mga bahay nun pero may mga nakatira na at my sarili kaming school sa loob ng village.. my lola was a caretaker of that school ..
Then isang hapon yung kapatid ko hinahanap ko at the same time inutusan din ako ng lola ko na isarado yung gate ng school.. (katabing bahay namin ung school)
so hinahanap ko nga ung kapatid ko, nagbakasakali ako na baka nasa loob siya ng school kase 5y/o palang siya that time pero kung saan saan na nakakarating.. napadpad ako dun sa bldg. Na mismong classroom ko.. (sa tabi ng school my bangin at my ilog sa baba)

Around 100 meters may nakita akong naka upo sa veranda ng school  hugis kabayo siya pero naka upo na parang tao..nakatingin siya saken! sa sobrang takot ko tumakbo na agad ako pabalik ng gate at sinarili ko nalang yung kwentong yun. hanggang sa nawala na rin sa isip ko.

Then 4yrs after. may sakit ako that time.. (bulutong) may tindahan kami sa labas ng bahay at my tv din dun.. hahaha.. ung kwarto ko my katapat siyang puno ng DUHAT ang pagkaka tanda ko every morning pagka gising na pagka gising ko andun na ako agad at kumakain ng bunga dahil sobrang hitik nya tlga at napaka tamis ng mga bunga nya.. okay balik na tayo sa kwento..

Sa periprhal vision ko my nakita akong nakatayo sa puno ng duhat na kung gaano siya kataas ganon din kataas ung nakatayo then naglakas loob na akong lingunin nakita ko ung TIKBALANG !!! Na nakita ko sa school ko before (lumipat nga pala kami bandang bacoor pagka grad.ko ng elemntary)

So ayun n nga di ko pinansin kase that time normal na saken ang makakita.. parang nabuksan ata yung thirdeye ko nung unang beses na makita ko siya..

Then ayun na nga lalong tumaas ung lagnat ko kinabuksan .. ang naalala ko bago ako magkasakit pakiramdan ko palaging my nakatingin sa akin lalo na kapag tulog ako..

Then lumipas pa ung 3 araw na every 5pm habang inaapoy ako ng lagnat pakiramdan ko hinihila yung paa ko papunta dun sa duhat tapos pag tapat ko nag iiba ung paligid parang puro buhangin ganon.. 3 beses naulit yun at 3 beses din akong hinimatay that time sa mismong tapat ng duhat.. Tsaka na nag decide ang lola ko na ipatawas ako kinabukasan.. pero bago yun nag toothbrush pa ako bago matulog then pag gising ko kinabukasan pag harap ko sa salamin yung nguso ko maga! As in parang nguso ng baboy! Hahaaha tawa ng tawa tito ko nun saken.. then may naglalabasan na din na buhangin sa katawan ko..

Ayun na dinala na nila ako sa albularyo.. ang sabi mabuti daw at naagapan pa ako.. dahil hinihintay nalang daw pala nung tikbalang na mag birthday ako at isasama na ako.. 3days nalang mga bes birthday ko na that time.. Juice ko po.. may nabugahan din akong duwende kaya namaga nguso ko.. hehe

Nagpunta sa bahay ung albularyo dinasalan yung puno at nag alay kmi ng manok ilang araw din akong nagpapa usok sa sarili ko at kinakausap ko siya na tama na umalis na siya.. ayun hanggang sa gumaling ako..

Then my bagyong dumating.. after ko gumaling mga ilang buwan may bagyong dumating
. .. nagulat kami biglang natumba yung puno..

Ibig sabihin daw nun wala ng nakatira..

Then after ng ilang taon nabuhay ulet ung punong yun at nag umpisa na mamunga.. until now pero d na siya ganon katamis.. at since nag asawa nadin ako umalis na ako sa lugar na un.. lahat ng family member ko aware na bukas ng third eye ko.. specially sa panagginip ko nagkakatoo tlga...

Ps. Pag ang puno ay hitik sa bunga at hindi nasisira basta basta.. Ibig sabihin may nakatira at nag aalaga dun..

_mommy_08

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon