Request of the Dad

323 7 1
                                    

Request of the Dead   

I needed to share this story guys kasi di ako napapanatag at hindi ko matanggap na parang ako yung dahilan bakit niya ginawa yun.

It was August 12, ang ika 2nd Anniversary namin, though siya naalala niya, pero ako alam ko na 2nd Anniversary namin, pero para sakin normal na lang na araw. Dahil nung unang anniversary namin, nakafocus siya sa dinadala ko at para sakin noon, di niya nabigyan ng importansya ang anniversary namin na yun, Yes, buntis na ako noon. Nagkalabuan kami noong September 12, na sanhi naman ng pag-aaway namin, galing kami Divisoria, para magtingin ng gamit para sa anak namin, para sa darating na kaarawan niya ng october 16.

September 29 noong nag away kami, sa gabing iyon, nasabi ko sa kanya na wag na niya akong istorbohin, lubayan na niya ako, at wag na wag na niya ako kukulitin. Lahat na ng masasamang salita na pwede kong sabihin para lang layuan na niya ako ay nasabi ko na, pero ayaw pa rin niya akong layuan. So ang ginawa ko di na lang ako nagchat sa kanya, di na rin muna ako nagparamdam, para mawala ang galit ko sa kanya.

Kinabukasan, nagchat siya sakin, sabi niya ""Good Morning"" pero di ko pinansin, sineenzone ko lang ang chat niya. After 3 hours siguro, nag chat ulit siya ""Good Morning Mahal ko at anak kong guwapo"". Di ko pa rin pinansin ang chat niya, and then, nagsend ako ng picture ng anak namin na nakasmile at ako din kasama sa picture, nakasmile din. Then nagchat back siya, sabi niya ""Ang guwapo naman ng anak ko, ang cute cute cute pa, I Love You Baby Zack""

Natapos ang araw na yun lang ang communication naming dalawa, kasi galit pa rin ako sa kaniya, kasi ang gastos niya, at kapag nawalan siya ng pera at di pa dumating sweldo niya, sa akin siya aasa. Bago ako matulog that night, nag good night siya sa akin at sa anak namin. Kinabukasan, ganun ulit ang nangyare, hanggang kinagabihan, di ko pa rin siya mapatawad kasi di pa rin siya nakakabayad ng utang niya sa magulang ko at sa anak namin, which is 12k lahat.

Then October 21, sinabi niya na puntahan ko siya sa kung nasaan siya, which is sa tinitirhan niyang apartment. Mag isa lang siya palagi dun, kasi sanay naman siyang mag-isa sa bahay na tinitirhan niya mula pa noong nakilala ko siya. Ang sabi ko naman ""Hindi, busy ako"". Chat niya ulit ""Mahal, kahit ngayon na lang, puntahan mo naman ako dito or make a time next week"". Sabi ko ""Busy ako palagi"" pero earlier that week, di ako busy, lumabas ako with my friends, pumunta kami sa MOA, girls naman sila, kaya no big deal. Di ko alam na naghalungkat pala siya sa mga messages ko sa FB, and nakita niya ang isang chat galing sa ex ko na may I love you galing sa ex ko. Pero di ako nag I love you back instead nag joke lang ako, tawa tawa and smileys. Same din ang chat ko sa isang long lost friend ko, tong isa naman ay parang nanlalandi ang chat sakin.

Nabasa niya lahat yun earlier that night ng october 21,
then nagchat ulit siya sakin.
Him: Mahal, ano na ba tayo?
Me: Di ko alam
Him: Mahal, puntahan mo naman ako dito, gusto kita makita, kahit ngayon na lang
Me: Busy nga ako, marami pa akong aasikasuhin
Him: Saan ka busy?
Me: Basta busy ako

Earlier that day kasi kachat ko ulit yung ex ko.

Nagkachat ulit kami.

Him: Mahal, patawarin mo ako, masyado akong naging pabigat sa inyo ng anak natin, pero wag ka mag-alala Mahal, di na ako magiging pabigat sa inyo ng anak natin. Simula ngayon Mahal, di na ako magiging pabigat pangako ko yan sayo
Me: Ano ba problema mo?
Him: Naiinsecure ako sa mga kachat mo, lalong lalo na sa ex mo, at sino ba itong lalake na isang ito, bakit ganun mga chats nyo?
Me: Wala kang pakialam
Him: Bakit ganito mga chat nyo? Ang sweet nyo ah
Me: Salamat, di ko rin alam, siguro mas masaya na akong sila ang kausap ko, wala kasi akong time sa mga drama mo
Him: Puntahan mo ako next week dito Mahal. Luto tayuo nung recipe na binigay mo, matagal na kasing di tayo nagluto na magkasama ng mga recipes.
Me: Wala akong oras. Busy ako, kahit next week busy ako

Sa kahit anong pagpilit niya na pumunta ako sa kaniya, ang sagot ko busy ako, and for the last time ang sabi niya...

Him: Please, nagmamakaawa ako Mahal. Puntahan mo naman ako dito next week
Me: Busy ako, at marami akong mga ginagawa na di mo dapat malaman kung ano
Him: Please, puntahan mo ako dito next week, or kung kailan ka hindi busy, I miss you so much, kayong dalawa ng anak natin

Humingi siya ng tawad sa lahat ng mga pagkakamali niya, pero di ko pa rin pinansin, sabi ko pa rin busy ako. Then nagpaalam na siya ""Good night, sana magiging masaya ka palagi kasama ang anak natin, mahal na mahal ko kayong dalawa.""

Mula noon, di na ako nakatanggap ng mga chats galing sa kaniya, wala na din akong mga good mornings and good nights, di na nga siya nagpaparamdam. Tinatawagan ko ang CP niya, nagriring, pero walang sumasagot, ang facebook niya offline for 5 days na. So kahit anong chat ko, malalaman ko kung nababasa niya or hindi, or kahit iseen lang niya, kaya nagdecide ako na puntahan siya. But then, pagdating ko sa apartment niya, may tugtog sa loob, yung ""I Think I'm In Love"" na kanta. Which is ngayon ko lang narinig na pinatugtog niya ito, so ang alam ko may tao sa loob, or tulog siya, kasi gabi siya nagtratrabaho. Kumatok ako, pero walang nagbubukas ng pinto, kaya ang ginawa ko, pumunta ako doon sa may ari ng apartment para pabuksan ang pinto. Kasi may duplicate key sila, pagbukas ng pinto, walang tao sa ibaba, kung saan siya natutulog pag umaga, so umalis na yung may ari ng apartment. Pero ang sabi, di pa daw niya nakita ito mula noong linggo Oct 23.

Binuksan ko ang computer niya, may nakalagay, sa wallpaper nito. ""Salamat at pumunta ka dito, pero di ko na kinaya ang sakit"" biglang tumayo ang mga balahibo ko at para bang may humaplos sa katawan ko na sobrang lamig na hangin. Yung parang yelo ang lamig, di ko maipaliwanag ang lamig, parang may yumakap sa akin sa likod ko, tapos biglang gumalaw yung mouse pointer ng computer niya, at itinuro ang isang file kung saan nandun ang image na ginawa niyang wallpaper ng computer niya. Binuksan ko, kasi may nakasulat sa image ""Mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa ng anak natin, pero sana mapatawad mo na ako sa mga pagkukulang ko sa inyong dalawa. Lahat lahat ng mga kasalanan ko, maraming salamat sa pagmamahal at pag-aaruga mo sa akin sa mga oras ng kagipitan ko. Ngayon wala ka ng aalahanin pa, yung sweldo ko ngayong buwan na ito, nasa PayPal Account ko, sinobra ko na ang pagtratrabaho, kasi wala naman na akong ibang gagawin kundi ang magtrabaho, para sa inyo at para makabayad ako sa mga utang ko, salamat ng husto.""

""Wag ka umakyat ng bahay, ayaw ko na makita mo ako habang di mo pa nababasa ito""

Kinilabutan na ako ng husto sa oras na natapos kong basahin ang mga nakasulat sa image. Umakyat ako at sa itaas ng hagdan, nandun siya, nakasabit, duguan ang kamay, at di na humihinga. Gusto kong sumigaw, pero di ako makasigaw. Hanggang sa nakarelax na ako ng kaunti, ang bilis kong tumakbo palabas at humingi ng tulong sa mga tao sa labas ng bahay. Pero wala ng buhay ang Mahal ko, di ko alam na ito pala ang gagawin niya, dahil galit na galit ako sa kaniya noon.

Mahal na Mahal din kita Mr D. kahit na nasa kabilang buhay ka na. Sana mapatawad mo ako, naghangad ako ng mas mahigit sayo.

Divina

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon