Lumaki ako sa Pilipinas, pero after 12 years lumipat kami sa japan. May maliit na business kasi ang family ko doon, sushi resto. Lumaki ako sa pilipinas gawa ng namatay ang father ko before I was born at nag asawa ng Filipino ang mom ko. Itago nyo na lang ako sa pangalang Yuki Nakayama.
May kapitbahay akong babae at madalas kaming tumatambay sa bahay namin gawa ng maraming sushi sa bahay namin dahil sa business nga namin. Yung friend ko na yun ay si Miyuki Hori. 23 na sya, at matagal na kaming magkaibigan. Di nya tunay na pangalan.
1 week after ng summer festival, mag-isa ako sa bahay. Sobrang bored ko that time, I called Miyuki over. I told her to bring over some concert dvds na di ko pa napapanood dahil sa focused ako sa pag aaral ko sa college. 9 pm, dumating na sya, dala nya yung concert dvds ng girl group na fan kami, NMB48.
So I placed the dvd on the player. yung house pala namin is traditional japanese style, meaning may rooms na nakatatami pa rin. Nanunuod kami, nagchachant, nagsisisigaw pag lumalabas yung favorite member namin. Sa kalagitnaan ng disc 3 habang nanunuod kami, may nagdoorbell. Syempre tayo kaming dalawa, baka dumating na sila mama. Takbo kami kagad papuntang pintuan pero pagkabukas ko malamig na hangin lang ang sumalubong samin. Napaisip ako.
""Ang weird naman."" Sabi ni Miyuki. ""Oy, pinause mo ba yug dvd? Baka may mamiss tayong unit oi!"" Tanong ko sa kanya.
""Hindi ko pinause. Nagulat ako eh."" Binatukan ko sya ng light lang. ""Tara balik na tayo."" Naglakad kami pabalik ng room ko and guess what? Nakabukas lahat ng dvds tapos nakakalat yung mga dvd sa sahig, tapos naka-fast forward play yung concert. Pinagtataka namin ni Miyuki eh panong nagfast forward play yung dvd eh sira yung fast forward button ng remote at nung mismong player. Inayos namin ni Miyuki yung dvds pero nahihiwagaan pa rin kami kung pano nangyari yun. After namin ligpitin, pumunta kami ng kitchen para kumuha ng pagkain at inumin. Pagbalik namin sa room nanuod ulit kami ng dvds, habang nanunuod kami nakarinig kami ng yabag ng paa.
""Miyuki, 'rinig mo yun?""
""Yuki, akala ko tayo lang andito?""
Narinig namin parang may malalim na boses ng babae na parang kumakanta na parang hindi. So nilabas ko yung phone ko and messaged her na ayusin na namin yung dvds dahil mukhang may kakaiba sa bahay namin. Tumango naman sya at agad naming niligpit yung dvds, after namin ipack up, ako nagbitbit ng bag nya at sabi ko sa message, pag open ko ng door tumakbo kami kagad palabas ng bahay. So ayun na nga, pagka open ko ng door, kumaripas kami ng takbo at pagdating namin sa main door ayaw bumukas ng pinto. Tapos naririnig ko si Miyuki na sigaw ng sigaw na bilisan ko daw kasi may creepy lady na nakared and black yukata na nasa dulo ng hallway.
Nung naopen ko na, paglabas namin saktong nasa labas yung creepy lady na sinasabi nya, bali yung leeg tapos may blood na tumutulo sa yukata nya. Sa takot, nagtatatakbo kaming dalawa hanggang sa nakarating kami sa bahay nya, we felt relieved and her mom told me that I should stay there na lang daw since gabi na at delikado na sa labas. This is weird, kasi parang ang bait ni tita, eh normally masungit yun. I slept in her room, may sofa kasi sya dun at minabuti na rin naming matulog sa isang kwarto kasi baka lumabas yung yurei or ghost na nakita namin kanina. Bale mga 11:30 kami nakarating ng bahay nya at around 11:40 naman kami nakatulog.
The next morning, nagising ako ng maaga at naabutan ko yung mom ni Miyuki na nagbabasa ng newspaper. I told tita na sabihan si Miyuki na nakaalis na ako. Paglabas ko ng bahay nila, dumiretso ako pauwi samin, naabutan ko yung mga pulis sa labas. Nagtanong ako kung anong nangyari, and this is what they told me:
""Natagpuan kasi namin itong malaking black bag sa tapat ng bahay nyo kaninang umaga, may nagreport kasi na nakabukas yung gate at main door ng house nyo. Baka daw nilooban yung bahay nyo, it was around 11pm kagabi, yung nagreport ay natutulog sa loob ng bahay nyo, bale binantayan nya."" - Pulis
""Ano po yung laman ng black bag?"" - ako.
""Bangkay po sir. Naaalala nyo pa po ba yung babaeng nawala nung summer festival? Sya po yung bangkay na nasa loob ng black bag. Bali po ang leeg nya, at may signs na pinagsamantalahan sya. Kaano ano nyo po ba sya?"" - Pulis.
Umiling ako. ""Ah wala po.""
Pumasok ako sa loob ng bahay at laking gulat ko na andun si Mrs. Hori at natutulog. Nagulat naman ako dahil biglang dumating si Miyuki at dala dala nya yung cellphone nya. Pinakita nya sakin yung text ni Mrs. Hori around 11:10 kagabi.
""Yuki! Andito si Mama? Eh sino yung nakausap natin kagabi?""
""Miyuki di ko alam. Di ko din alam kung sino yung kausap ko kaninang umaga.""
It turned out na yung nakita namin ni Miyuki na multo nung gabi ay yung babaeng nawala nug summer festival, di siguro namin napansin yung black bag sa labas ng bahay namin nun dahil sa takot namin. Pero yung nakausap namin sa bahay nya na si Mrs. Hori daw ay yun pa rin na pinagtataka namin. Pano namin nakausap si Mrs. Hori ng around 11:30 sa bahay nila kung si Mrs. Hori ay nagbantay sa bahay namin ng around 11:10?
Marami pa akong gustong ikwento like yung experiences ko sa university kung saan ako nag aaral ngayon. Pero masyado na kasi mahaba.
Yuki Nakayama
