Bahay

271 5 0
                                    

October 15, 2016 ng mangyari to. Ako yung tipo ng tao na di takot sa dilim. Kahit nga gabi at nakapatay ang ilaw nanunuod ako ng horror. Until nangyari sakin to.
Nakatambay ako sa tambayan namin, ako lang mag isa. Around 11:30 pm na. Bahay yung tambayan namin, bakante sya. Wala nang nakatira siguro mga 2 yrs na. May terrace yun tas sa loob may mangilan ngilan na gamit. Sa terrace lang ako para di masyadong mainit. May wifi kasi sa katabing bahay nun which is pinsan ko nakatira dun. Nag e-fb ako sa phone ko sabay tinawagan ko yung kaibigan ko. Itago natin sa pangalang Mario. Ang sarap pa ng pagyoyosi ko.
Non-Verbatim
Ako: Hello lolo! (tawagan namin lolo at lola)
Mario: Oh? Gawa mo?
A: Wala naman nakatambay lang.
Ayun nagkwento ako sa kanya. Di ko na matandaan basta ang daldal ko talaga, pero ininterrup nya yung pagsasalita ko
Mario: Wait, saglit tumigil ka.
Ako: Bakit?
M: May nagsasalita, sumasabay sayo.
A: WEH?! Baka echo lang!
M: Alam ko pag echo. Sumasabay nga, ginagaya yung sinasabi mo. Pero delay ng mga 2 secs. yata.
A: HALA T*NG*NA!
Napatakbo ako nun, sobrang kaba ko. First time ko matakot sa dilim nun. Sabi nya, matandang naghihingalo daw yung sumasabay sakin. Pag nakatambay ako dun dati ng hanggang 1am, nakakaramdam din ako na may nakatingin sakin kahit walang tao, pero dinededma ko lang. Kaya ngayon, di na ako tumatambay. Pag nabasa to ni Mario (Di nya tunay na pangalan) kilala nya na ako. WAG MOKO ITAG LOLO MASASAPAK KITA!
P.S: Bear with me, di talaga ako magaling magkwento :)
P.P.S: Sana mapost admin! Thankyou :)

GirlTambay
Antipolo Rizal

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon